Napaupo ako bigla, di ko na inisip na baka magising na si Max dahil sakin. Nataranta ako, di ko na alam ano ang gagawin ko. Napatunganga na lang ako sa phone at panay hinga ng malalim. I have this tendency to feel lost and blank whenever I’m nervous and it’s been happening since I was a kid, I don’t know what triggered it though. Napansin ko na lang na kumalas na ang pagkakayakap ni Max sakin, nag-inat siya saka napatingin sakin.
“Hey, good morning Sunshine.” sabi niya sabay lapit para halikan ako pero pinigilan ko siya
“Max, I have to leave” sabi ko sabay hila ng kumot para pantakip sa katwan ko
“Wait, what? Did I do something wrong?”
I ignored him.
“Aika, shit. It’s early in the morning and you’re giving me that cold shoulder. Stop being petty and tell me what’s wrong, communicate with me.”
Di pa rin ako umimik. Busy ako kakahanap ng mga damit ko na nasa sahig na halos lahat. Dali dali akong pumasok sa CR at sinara ang pinto ng pagkalakas.
“Aika, stop being a girl and let’s talk like the adults that we are. I don’t deserve to be treated like this, after last night? Didn’t you remember na you were so horny and you cummed alot because of me?” Sabi niya na parang pasigaw na sa labas ng pinto ng CR.
Di ko na kaya to, I have to speak up. Binuksan ko ang pintuan at sinampal ko siya, sobrang pissed ako sa sinabi niya sakin. Wala akong pake kahit lumabas ako na naka hubo’t hubad, nakita niya na rin naman to.
“Well, Fuck you! If I wasn’t drunk last night, I wouldn’t have been so horny! Do you think I’ll cum alot if I was sober? No. In fact you weren’t that good sa pagbayo. Mahaba and malaki ka lang, wala sa performance!”
Max squinted, di ako sure if sa impact ng pagkakasampal ko sa kanya or sa mga sinabi ko. Nakita kong namumula na ang cheeks niya and medyo naguilty na ako sa nagawa at sinabi ko sa kanya, medyo offensive na ang sinabi ko dahil nadala ako sa galit at kaba. Lumapit ako sa kanya at inakmang hawakan ang mukha niya pero lumayo siya sakin.
“Leave when you need to, magcab ka na lang pauwi. Di na kita mahahatid.” Sabi niya sabay bukas ng drawer niya, kumuha siya ng 3 libo mula doon at lumapit sakin pero ang laki pa rin ng distansya.
“This is enough naman siguro for last night di ba? Plus your fare for today, di ka naman malayo from here.”
Natulala ako sa sinabi niya and parang kumukulo ulit dugo ko sa kanya. Pumasok na lang ako sa CR at Nagshower na. Di ko mapigilang umiyak, ganun pala ang pagkakilala niya sakin? Bayaran? Akala ko we made love last night pero para sa kanya siguro, it meant nothing. Ilan na kaya ang mga naging babae niya before sakin. I collected my thoughts and set aside the anger that I have for him. Nagdecide na ako na after today, di ko na siya kakausapin and as much as possible iiwasan ko siya no matter what.
Lumabas ako ng CR at dali daling nagsuklay ng buhok saka suot ng sandals ko. Wala na siya sa loob ng room, buti na lang. Nakita ko ang pera na 3 libo sa taas ng kama pero di ko kinuha. I can handle myself and di ko kailangan ang pera niya.
Nang pababa na ako ng hagdan, nakita ko siyang nagluluto sa kitchen area. Ang bango, parang waffle or pancake ata and naaamoy ko din ang coffee. Sarap niyang tignan kahit nakatalikod lang, nakatapis lang siya ng tuwalya sa waist niya and ang hot. Parang naglalaway ako, if siya naman siguro ang breakfast, why not di ba? Nagising na lang ako sa katotohanan ng humarap siya bigla para kumuha ng plato sa cabinet, nagkatinginan kami at naghintay ako na baka iinvite niya ako for breakfast pero tumalikod lang siya ulit at sige sa pagluto.
“Okay Aika, wag marupok. Alis na tayo, di ba kumukulo dugo mo sa kanya? Bakit gusto mo pa magstay?”
Madami na talaga ang iniisip ko at parang mababaliw na ako sa kakausap sa sarili ko. Ugh. Lumakad na ako ng dali-dali at pagkalabas ko, buti na lang ay may dumaang taxi na vacant. Pinarahan ko at pumasok ako ng mabilis.
“Saan po tayo Ma’am?” Tanong ng driver
“22B, Topaz Avenue po, dun sa Silang”
Halos di ako mapakali on the way home, nakalimutan ko palang tawagan yung mom ko at si Elle. Baka sobrang worried na yun.
Binuksan ko ang phone ko at di siya umilaw. Nag on off ako ng ilang times pero walang nangyari.
“Oh shit, lowbatt pala ako. Argh!!! pagkamalas malas naman tong araw na to oh”
Napatingin si manong driver sa akin mula sa rear-view mirror pero di na nagkumento. Nag on na lang siya ng music sa radyo and somehow kumalma ako.
Pagkadating ng bahay, si mommy agad hinanap ko pero di ko siya makita. Nadaanan ko ang helper namin sa bahay na nagwawalis ng bakuran at tinanong ko siya if asan si mommy.
“Iha! You’re home na.” Bungad niya sakin na nakasmile pa, di ko na pala siya kailangang hanapin.
“Mommy! Sorry nalate ako ng uwi and di ko nasagot ang calls mo, galit ka po ba?”
“No anak, bakit naman ako magagalit? Sinabi na ni Elle sakin bakit late kayo ng gising, nagstay pa pala kayo doon sa event venue niyo at naglinis kaya pagod na pagod kayo pag uwi.”
“Aah-hhm. O-opo. Sorry Mommy, di kita nainform. Nakatulog na rin kami pagdating ng bahay nila eh.” Lies, Aika. LIES.
“Anak you know how supportive we are ng Daddy mo sa org events mo di ba? Basta don’t overwork yourself and –“
“Acads first! Yes Mommy. I always keep that in mind. Don’t worry.”
“Good girl, kaya proud kami ng Daddy mo sa iyo, walang bisyo and student leader, a role model to your fellow students indeed.”
Parang mangiyak ako sa sinabi ni Mommy. Sobrang taas ng tingin nila sakin pero after ng ginawa ko last night, baka iiba na ang tingin nila sakin. Yinakap ko siya ng mahigpit at pinigilang maiyak.
“Oh namiss mo talaga si Mommy? Haha, ang senti talaga ng baby namin. Nagbreakfast ka na ba?”
Umiling ako kaya dinala ako ni Mommy sa dining room. Habang kumakain, nag uusap kami pero usual stuff lang din about sa school, like kamusta standing ko ngayon or if may nahihirapan daw ba akong subject pero sabi ko na “all is well” naman. Pagkatapos kong magbreakfast ay umakyat agad ako sa room at nagcharge para makausap ko na din si Elle. Sobrang saved ako dahil sa kanya, di ko alam if paano ko siya mapapasalamatan. Spoil her maybe with food or buy her a dress? Hmm.
11:32 a.m. na nang magising ako, nakaidlip pala ako. Buti at di ako ginising ni Mommy, alam niya kasi na 2 p.m. pa class ko, parang tinatamad nga ako pumasok tbh. Sakit ng ulo ko saka I need to rest after last night and early drama this morning but I have to or else magagalit sina Mommy.
12:05 naligo ulit ako and nagstart nang magprepare para sa class ko. Tinext ko na lang si Elle na papasok ako and sa school na lang kami mag usap para maexplain ko sa kanya lahat.
Pagkadating ko ng school ay wala pa si Elle kaya nauna na lang ako pumunta sa room namin. 1:30 pa lang naman and wala pa masyadong tao sa room kaya nagreview muna ako ng notes ko in case my pop quiz or graded recitation ang prof. Napatingin ako sa pinto ng magtili-an ang mga babae, si Max pala ang nakatayo dun. Agad agad akong nagbasa kunwari ng notes para maiwasan siya pero no use.
“Can we talk? After class?” Umupo siya sa tabi ko at nagtanong pero di ako tumingin at sumagot sa kanya
“I want to apologize, after what happened earlier. Napakagago ko, I shouldn’t have done that sa iyo or anyone.”
Napatingin ako sa kanya at inisip ng maayos if ano irrespond ko. Nanotice ko na namumula pa ng slight ang pisngi niya, parang nakokonsensiya tuloy ako sa pagsampal ko sa kanya.
“It’s fine, it happened na and we can’t reverse time. I’m sorry too and I think it’s best if we stop seeing each other na after this.”
“What do you mean?” Tanong niya
“I don’t want people to think na there’s something going on between us, especially if they have seen us during the afterparty, now and maybe after class. Baka magka issue and ayoko nun.”
“Let’s meet privately then, if that’s what makes you comfortable na magtalk sakin. Kasi for me it’s fine, let them think whatever they want to but mas gusto ko yung setup na comfy ka.”
Biglang naudlot ang aming usapan ng dumating na si Elle. Napatingin na lang ako kay Max at nagleave siya ng note sa mesa ko: “See you at 4? Same place” Kinuha ko iyon at nilagay sa bag ko agad, di na kami nakapag usap ni Elle dahil dumating na rin ang prof namin.
Parang ang bilis matapos ng 2 hours, noong papalapit na mag 4 p.m. ay mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Parang lalabas eto sa dibdib ko, no shit. Naeexcite ako na kinakabahan na parang ewan, mag uusap lang naman kami pero parang gustong gusto ko na mangyari ito.
Hinintay ako ni Max sa pintuan ng classroom, lumapit muna ako sa kanya at sinabihan siya na if pwede 4:30 na lang kami mag usap kasi kailangan ko pang kausapin si Elle, enlighten her after last night at nag agree naman siya.
Kinuwento ko kay Elle ang nangyari noong gabi hanggang sa makauwi ako ng bahay, pinasalamatan ko din siya kasi siya kumausap kay Mommy.
“Girl, thank you talaga ha? Di ko na alam gagawin ko pagkagising ko kanina. Sobrang lutang!” Sabi ko.
“Hays. What would you do without me ba? You owe me bigtime for this ha? I was sooo guilty kaya kanina after I talked to tita” sabi ni Elle
Naghug ako ng mahigpit sa kanya at sinabihan ko siya na if pwede sa amin lang ang…