Monica: Grabe tinanghali ako ah.
Me: Aga pa kaya. It’s only 6am.
Dun ko namalan that she would always cook for her sons breakfast and lunch. Kahit na may kasambahay sila ay super hands on siya sa mga boys niya. Na-instill talaga niya ang respect sa mga anak niya. She can be strict pag kailangan and she can be kengkoy and kalog. She would join them to watch concerts ng favorite artists ng mga anak niya at nakiki uso din siya para makarelate siya sa mga ito.
Me: alam mo inggit ako kila Brent and Brandon. May cool mommy sila like you.
Monica: Ikaw din naman ah. Ok naman Papa mo.
Me: Naku baka mag alburuto lang yun sa akin. Lalo na pag nalaman niyang hindi ako interesado sa construction business.
Monica: Sinabi mo na ba sa kanya?
Me: Naku baka magalit yun.
Monica: There’s no harm in trying. Bern magulang din ako. Syempre gusto lang namin ma-maximize ang talents ninyo.
Me: So open ka for Brent to take up business course?
Monica: Kung dun siya masaya at mag gro-grow why not? Siya lang naman ang nagsabing gusto niyang mag med school.
Mas naliwanagan na ako sa paliwanag ni Monica.
Monica: Try to talk to your Dad Bern. Trust me. Panigurado hindi naman kayo namromroblema financially. Mas mayaman naman kayo kesa sa akin.
Me: Parang pantay lang naman.
Monica: Pag nakabili na ako ng mansyon tulad ng bahay ninyo pwede na siguro hahaha.
After our heart to heart talk she prepared for our breakfast and after eating ay nagligpit na kami ng pinagkainan. We took a bath on separate bathroom. Siya sa room niya ako naman sa guest room.
Nagkayayaan kami mag Skyranch that time and I drove her Toyota Innova going to Tagaytay.
Holding hands while walking kami and we enjoyed each other’s company. Ewan ko ba ang sarap ng feeling ko that time. Parang nasa ulap ako and she would occasionally give me a smack on the lips or hug me.
We ended our date by having a dinner at Antonio’s. Monica and I had a great time at umuwi na kami after dinner. I stayed at thier home and we slept on different rooms. Sa master’s siya at sa guest room naman ako.
Came sunday afternoon at dumating na ang mga anak ni Monica. I helped her prepare for dinner and we enjoyed it. Ang daming kwento nila Brent and Brandon at walang katapusang tawanan. I left their house after since may pasok ang mga anak niya kinabukasan.
The next day ay back to normal naman kami. I continued my daily routine like gym in the morning, shower, work, then go home for dinner. Kwentuhan din kami ng Dad ko.
…