How To Dress A Spring Chicken [ Steps 1 – 3 ]

Paunang Salita:

Kahit may magsabi sa iyo na true story ito, wag ka maniniwala. Imbento ko lang ito. Kung may nakapareho ng pangalan, tsamba lang iyon. Kung may kokopya ng kwentong ito para palabasin na kanya ito, preh, sayang ang utak mo, maraming kayang isipin yan, gamitin mo sige ka, mapapanis yan pag di mo ginamit.

Ang lahat ng pangyayari dito ay naganap sa isang pamosong syudad sa Metro Manila. May isang pangyayari sa isang opisina na hindi gaanong nabalita sa radyo at telebisyon. Pero, nag-trending ng husto sa social media at sa u-tube. Subalit, dahil sa kakulangan ng totoong impormasyon pulos blind item lang ang ginawa. Hindi nila makonek yung mga pangyayari kaya natunaw na lang ang balita. Eto ngayon, naging kwento na. More or less ganito yung totoong istorya…

Step 1 :

Maaga mangalakal si Aling Marcia. Alas-kwatro pa lang ng umaga ay nasa kalsada na siya tulak ang kanyang kariton. Kapag maaga siya ay nakakauna siya sa mga bagong tapon sa basurahan. May sirang electric fan, may kurtinang luma, lumang kutson. Halos lahat ng gamit niya sa bahay ay mga napupulot niya ang hindi niya papakinabangan ay ibinebenta niya. Kakaiba itong araw na ito. May isang lalaki na may buhat-buhat na babae ang lumapit sa kanya.

“Haah, nay, pwede mo bang dalhin to sa hospital diyan sa malapit. Nakita ko ‘to nahimatay nadaanan ko. Hindi ko ‘to kamag-anak. Pakidala lang sa hospital. Tumirik yung sasakyan ko e.”

“Ayoko ko nga baka patay na yan.”

“Hindi. Nakita ko sa daan nang mahimatay ‘to. Hindi ko kayang buhatin ‘to hanggang hospital. Walang sasakyan dito baka kung anong mangyari sa kanya. Bibigyan kita ng pera kung ok lang sa ‘yo.”

“Sige. Akina ang pera.” Tuwang-tuwa si Aling Marcia. Gaano na yung itulak niya ang kariton papuntang hospital. Basta’t may pera na siya.

Inilagay ng lalaki ang babaeng walang malay sa kariton niya. Isinuksok ng lalaki ang pera sa kanyang bulsa. Nang makaalis ang lalaki ay tiningnan niya ang babae. Humihinga pa. Buhay nga ang babae at malamang nga ay nawalan lang ng malay. Nagpaalam ang lalaki na may pupuntahan pa siya kaya kailangan makaalis siya kaagad.

Nagmamadaling dinala niya sa hospital ang babae. Ikinuwento niya sa staff ng hospital ang pangyayari. Binigay niya ang pangalan ng magkukulit ito na tanungin ang pangalan niya.

Nang bilangin niya ang perang isinuksok ng lalaki sa bulsa niya ay nagulat siya. Limang tag-iisang libo! Limang libong pisong tumataginting! Tuwang-tuwa siya. Hindi na siya lumabas. Diretso na siya umuwi sa bahay.

Tanghaling tapat. May naghahanap sa kanyang pulis. Dinala siya sa presinto at pinagtatanong. Ikinuwento niya ang pangyayari pati ang pagtanggap niya ng limang-libong piso. Isinalarawan niya ang lalaki. Nang tanungin kung anong plate number ng sasakyan ay wala siyang masabi dahil malayo pa ang sasakyan sa kanya. Ang nasabi lang niya ay parang van na puti ang dalang sasakyan ng lalaki. Madilim pa kaya hindi niya masyadong nakita ang kulay ng sasakyan.

Pina-uwi siya ng pulis matapos ang tatlong oras na pagtatanong.

Step 2 :

“Ang ganda mo Carysh, promise. Kainggit ka.” Comment ng kaibigan niyang babae sa social media.

“Ililibre naman kita ng snack kahit di mo ko bolahin. lol” Reply niya. Hindi siya naniniwala. Pero, totoong may paisa-isang nagsasabi sa kanya nito. Anumang tingin sa salamin ay hindi niya gusto ang bikas ng kanyang mukha. Isa pa, may pares na sungki siyang ngipin left and right. At hindi siya naniniwala dun sa na-research niya na, sa Japan daw ay gusto nila yung sungki ang ngipin. Pero Pilipinas ito kaya, no way. Iba ang standard ng mga tao dito.

Ang inaakala niyang pambobola lamang ay nasubukan. Nag-join siya sa beauty pageant sa school. Mahabang kumbinsihan ang nangyari bago siya napilitan na pagbigyan ang mga kaklase. Na-realize ni Carysh na totoong ang sinasabi ng mga kaibigan niya. Nanalo siya sa pageant na iyon.

And it didn’t end there. Ngayong 2nd year college ay nanalo na naman siya sa beauty pageant ng university. Kaya, yung dati na mahiyain siya ay nagbago na. Ngayon, nag-uumapaw ang kanyang self-confidence. Para bang kaya niyang dalhin ang mundo sa kanyang balikat. Basta’t sasabihin mo lang sa kanya kung saang balikat ito ilalagay. Charot. Tapos nun, na-interview pa siya ng isang tv network para sa short news patungkol sa mga colleges. Mas nakilala pa siya sa school.

Resulta, dagsa ang guys na nakikipagkaibigan. Ang social media niya ay flooded ng messages. Loaded ng iba’t ibang strategy to catch her attention. Bawat isa ay gustong maging gf siya. To no avail. Of course, meron siyang crushes sa school. Pero, no pansin muna dahil nangako siya sa mother dear niya na study muna, boyfriend later. Pero yung mga makulit na guys ay magpupumilit talaga na ma-impress siya.

Ang mga crushes niya – gwapo, matalino, masarap na kausap. Funny. Yung mapapatawa siya. Gusto niya yung walang effort magpatawa. Sure siya na mapo-fall siya sa guys na may talent. Whatever talent. At the moment, walang pang special guy na naka-hook ng eyes niya. Because, ayon sa kanya, all of them looks and feels the same. Walang special person sa kanya except her loving mom.

Araw-araw ay sinusundo si Carysh ng SUV nila. Ngayong araw, bago lumabas ng school ay may na-receive siyang text na hindi siya masusundo dahil ginamit ito ng kuya niya. Disgusted ang beauty niya.

Pero, ang araw niya ay hindi kayang sirain ng isang maliit na problema. Laging may happy disposition si Carysh. Namana daw niya ito sa kanyang daddy. Ang mom niya ang nagsasabi nito sa kanya. And, she believes her mom, always.

Ganitong oras ay nasa bahay na siya. Pero ngayon, nasa labas siya ng school at hinihintay ang Grab na na-book niya. Nakaka-tatlong cancel na ang mga nakukuha niyang TNVS. Naisip niya na rush hour kaya mismong TNVS ay hindi makarating sa client.

“Huu. Ang hirap pala mag-commute.” Sabi niya sa sarili.

Few minutes more, naisipan niya na sumakay na lamang sa jeepney. Kahit kabado ay wala na siyang choice. Matagal na siyang di sumasakay sa jeepney at maaaring mahirapan siya pero wala nang ibang way para maka-uwi. Napakalayo ng subdivision nila para lakarin. Noong highschool ay tinuruan siya ng kuya niya kung paano mag-commute. Nagustuhan niya ito. Parang adventure kase. Nakita niya na may iniaabot na kung ano ang mga katabi nila. Kinuha ito ng kuya niya at iniabot sa driver.

“Bayad yun nung pasahero sa hulihan. Iaabot mo yun kung dito ka nakaupo sa bandang malapit sa driver.” Instruksyon ng kuya niya.

“Aaah. Ganun pala.” Sabi niya.

Mabait ang kuya niya. Subalit, nag-iba ang ugali nito nang malulong sa droga. Pinagbibenta nito ang mga gamit nila sa bahay. Hanggang mapagbintangan na nanggahasa at pumatay sa isang babae. Nakulong ang kuya niya ng ilang araw pero agad na nakalabas dahil mahusay ang abogado nila. At wala raw makuhang ebidensiya na ito nga ang may gawa ng krimen. Kahit siya ay hindi naniniwala na ang kuya niya ang may gawa ng pagpaslang at panggagahasa.

Tuwing uwian, nakikita niya mula sa bintana ng SUV nila ang mga commuters ng jeepney na parang nagpapatintero sa pagsakay sa jeepney. Naaawa siya at nakakadama ng inis pero di niya malaman kung kanino maiinis. Sa gobyerno ba o sa mga jeepney drivers? Ngayon, totoong experience na ang gagawin niyang pagsakay sa jeepney. Parang jeepney challenge.

Magkahalong kaba at feeling ng adventure ang nasa dibdib niya. Ilang minuto siyang naghintay na may tumigil na jeepney sa tapat niya. Napansin niya na malayo pa ay sinasalubong na ito ng mga commuters at talagang may tulakan at gitgitan para makasakay lang. Hindi siya sanay sa ganun kaya naghintay siya na komonti ang commuters.

Medyo papadilim na ng makasakay siya. Di na gaanong siksikan pero gutom na siya at pagod pa sa kakahintay at inantok na sa byahe.

“Mama, paraaa!!!” Sigaw ng katabi niya.

Naalimpungatan siya. Napatingin sa labas ng jeep. Naidlip siya. Aarangkada na ang jeep dahil nakababa na ang sumigaw na pasahero nang siya naman ang napasigaw.

“Paraaa! Mama sandali po. Bababa rin ako.” Sabi niya.

“Oy, yung mga bababa dyan pumara kayo ng maayos para di tayo naaabala. Yung di pa nagbabayad dyan ha!” Sigaw ng driver na tila buryong na sa inis sa maghapon na pagmamaneho.

Actually, nakalagpas siya sa dapat tigilan ng jeepney pero ok lang dahil walking distance na lang ito papasok sa Subdivision. Dati, hindi niya napapansin ang papasok sa kanila dahil lagi siyang nakasakay sa kotse. Ngayon napagtanto niya na madilim pala. Malalayo ang agwat ng poste na may ilaw.

May natanaw siyang van na naka-park along the street na dadaananniya. Nang biglang may nagtakip ng tela na may amoy na masakit sa ilong sa mukha niya. Nagpumiglas siya, tapos biglang nawalan ng malay.


Step 3 :

Bago mag-ikalima ng umaga, sinundo ni Karlo ang gf niya sa condo nito. Titingnan nila ang pinapagawang bahay sa Batangas. Gusto niyang matapos ito bago sila magpakasal.

Napahanga si Karlo sa attire ni Cheska. Naka-cowgirl outfit ito. Long-boots, tattered-look na shorts, checkered polo shirt at kuntodo may cowboy hat pa.

Pareho silang IT programmer nang magkakilala sa isang kompanya. Yung collaboration project nila ang naging daan kaya sila naging close. Araw-araw silang nagkikita. Senior programmer si Karlo samantalang subordinate lamang niya si Cheska. Tinatambakan ni Karlo ng load si Cheska na ikinakainis naman ng huli. Minsang kinompronta ni Cheska si Karlo di niya inaasahang hahalikan siya nito sa labi sa gitna ng pagsasagutan nila. Pagkatapos ng halikan ay nagkaaminan ng damdamin para sa isa’t isa. Saksi ang mga kasamahan nila sa trabaho na lagi pal…