Hindi man karapat-dapat ay ako ay pinagsasamantalahan sa isang matigas na lamesa. Tila ginawa akong puta ng mga ito. Ni minsan ay hindi ko pinagpantasyahan na matira lang sa matigas na lamesa dahil ang nais ko ay sa malambot na kama. Na ibibigay ko ang aking pagkabirhen sa aking minamahal lamang.Ngunit sa kamalas-malasan ng aking buhay, hindi na natupad iyon.
“Tangina! Ito pala ang pakiramdam ng isang virgin.” sabay tawa ng mga pamilyar na boses ng mga kalalakihan dito sa isang abandonamdong gusali sa may Sto. Domingo. Kumadyot nang kumadyot ang lalaki na hindi ko nakikilala lalo pa’t nababalutan ng bonet ang mukha nito para lang maitago kung sinuman itong mga hayop na ito. Itago man nila ay kutob ko kung sino ang mga hayop na bumababoy sa akin.
May dalawa pa itong kasama rito at tila nag-aabang na sugurin din ang aking pagkababae. Alam ko rin na titirahin din ako ng mga lalaking ito dahil hindi naman ako tanga na aabangan lang nila ang kasama nilang tumitira sa akin. “One for all, all for one” ika nga sa isang sikat na noontime show.
“Tulooongg!!” mariing sigaw ko kahit na imposibleng mayroong makarinig sa akin.
“Para ka lang isang kawawang tuta na tili nang tili at humihingi ng tulong at awa sa tao,” tawa ng lalaki na katabi sa kaliwang banda ng kumakantot sa akin.
Napaluha na lamang ako sa mga pangyayari sa aking buhay. Isa ba itong napakabigat na pagsubok na aking haharapin. Hindi kaya ito na ang aking katapusan at sila ang instrumento ng aking pagkamatay? Ayaw ko silang labanan dahil baka nga tuluyan na nila akong patayin. Ano nga ba ang laban ko sa tatlong lalaki? Ako ay isang hindi hamak na babae lamang at hindi si Darna.
Hindi nagtagal ay natapos ang unang tumira sa akin. Inilabas na lamang nito ang katas nito sa aking hubad na katawan, sa aking tiyan. Sumunod naman ang nanuya sa aking paghingi ng tulong sa kawalan kanina. Ang isa naman nilang kasama ay pumunta sa bandang ulunan ko habang ang isa naman ay umupo sa lapag at siguro ay magpapahinga. Bago pa man magsimulang magpasok ng sandata sa aking puke ay nakarinig ako ng isang putok sa loob ng gusaling ito. Sa komosyon na iyon at pagkataranta ay biglaang tumakbo ang dalawang lalaking hubo’t hubad. Iniwan na lamang nila ako ng ganoon ngunit dahil na rin sa pangyayaring iyon ito na ang panahon para tumakas sa impyernong pangyayari sa akin.
Nanlaki ang aking mata nang makita kong nakahandusay na ang lalaking unang tumira sa akin. May tama ito sa ulunan nito kaya siguro wala akong narinig na sigaw mula sa kanya nang barilin. Nagmadali akong tumakbo papunta sa kung saan man ang mga posibleng labasan sa gusaling ito. Bago pa man ako makalayo sa silid na iyon ay nakarinig na naman ako ng isang putok na halos sobrang lapit na akong tamaan sa aking katawan.
“At saan ka pupunta?!” singhal ng isang babaeng tinig mula sa aking likuran. May halong awtoridad ang ibinibigay nitong awra sa boses pa lamang. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay pumutok na naman ang baril nito at doon ay nagdilim ang aking paningin.
NAGISING AKO NG MADALING ARAW, 2:54 am saad ng orasan sa aking lamesa. Binangungot na naman ako. Akala ko katapusan ko na ngunit totoong pagsubok lamang ang lahat. Bumaba ako ng kama at bumaba papuntang kusina para kumuha ng tubig.
Tatlong taon na rin pala ang nakalipas nang sinubok ako ng kapalaran at ako ay nagtagumpay dahil nalagpasan ang kamalasang iyon. Hindi naman naisalba kaagad ang pinakingat-ingatan kong pagkabirhen ay nasalba naman ang aking buhay. Malaking pasasalamat ko talaga sa sumagip sa aking buhay.
“Nandiyan ka pala,” saad ko nang makitang may tina-type ang aking ka-sis ko na si Georgia sa kanyang laptop. Isa ito sa mga naging matalik kong kaibigan pagkatapos ng malagim na trahedya. Si Georgia ay isang abogada at galling din sa isang mayaman na pamilya ngunit itinakwil ng pamilya dahil sa isang eskandalong kinakaharap noon. Maging ngayon ay hindi pa rin nila natatanggap ang kahihiyan na hindi naman siya ang nagdulot.
“Binangungot ka na naman, ano?” tamang hula nito. Madalas kasi na kapag nagising ako ng madaling araw ay ibig sabihin binangungot ako. Inaamin kong hindi mawala sa sistema ko ang mga masaklap na pangyayari sa buhay ko. Hindi rin naman katanggap-tanggap iyon kaya paano ko maipagpapatuloy ng matiwasay ang aking buhay.
“Ano pa nga ba?” nagkibit-balikat pa ako at tsaka uminom ng tubig sa baso.
“Grabe talaga ang nangyari sa’yo, ‘no? Hindi na talaga mawawala sa sistema mo. Sabagay, ikaw ba naman ang babuyin.” Makahulugang sabi pa nito. Katulad nito ay mayroon din itong masalimuot na nakaraan na hindi na mabubura sa utak ng maraming tao. Ngunit ganunpaman, ito ang nagtatanggol sa mga taong, lalung-lalo ang kababaihan, na naaapi. Siya ang tagapagtanggol ng mga ito. Sinong nagsabing naka-kapa lamang ang mga superhero?
Tanghali nang muli ako gumising dahil nakakapuyat talagang magising sa hindi inaasahang pagkakataon. Naligo kaagad ako at nag-ayos ng sarili. Iniisip ng marami na mahina kaming mga babae dahil sa hindi naman namin daw kayang pantayan ang lakas ng mga kalalakihan at itinuturing premyo lang kami. Nagkakamali sila dahil babae ako, hindi babae lang. Sa panahon ngayon ay mas marami ng oportunidad na dumarating sa mga kababaihan. Kung kaya ng lalaki, kaya rin naming mga babae. Kung dati ay mahinhin ang aking imahe sa lahat, ngayon ay mas naging matikas na. Ito ay pasasalamat ko sa mga kababaihang umampon sa akin. Kung tinalikuran ako ng mga taong kailangan ko noong mga panahong ako ang mayroong problema, ang organisasyon na umampon sa akin, sila, buong tainga nilang pinakinggan at nagbigay ng payo para sa akin. Sila ang nagpatatag sa aking katauhan kung kaya’t ako ay buhay ngayon at humihinga pa.
“Looking good, hun!” masiglang bati sa akin ng isa pa sa ng ka-sis ko sa organisasyon na si Henny.
“Kailangan lagi tayong presentable, bhie!” at tumawa kami pareho. Nagsuot ako ng black croptop at sexy shorts na sa tingin ko ay makakapagdagdag ng fierce aura sa mga taong nakapaligid.
Bago ang trahedya ay lagi akong nakapantalon at damit na laging mahaba ang manggas. Ito ay dahil sa ako ay tao sa simbahan na aking dating pinaglilingkuran. Ngunit pagkatapos ng trahedya at ilang mga pangyayari sa buhay ay nagbago ang pananaw ko sa aking buhay. Hindi naman nawala ang pananampalataya ko sa taas, nawala lang ang pananaw ko na basehan ang tela para igalang ka ng ibang kapwa at hindi mabastos. Naging mas kumportable ako sa aking mga isinusuot na maikling damit na ika nga ng iba ay nauubusan na ng tela. Pero katawan ko naman ito. Sabi nga ni sis Georgia “Ako ang batas sa aking katawan”.
“Your mission is to find this asshole man na muntik kitilin ang buhay ng ating soon na ka-sis na si Sonya.” Anunsyo ng presidente ng organisasyon na si Dra. Vannessa, isang Neuro-surgeon sa isang sikat na hospital. “Well, madali lang naman siya hanapin. Ang kaso lang isang gang ang kinabibilangan nito. Ang gang na kung saan ang dalawang miyembro nito ay muntik pang pagsamantalahan ang ating ka-sis na si Avery.” Pagtukoy sa akin ni Dra. Vannessa.
“You mean to say, doc, ay nalaman niyo na kung sino ang isa sa mga kasabwat ni Joven?” tanong ko. Si Joven ay ang taong wumasak ng aking pagkabirhen. Alam kong siya iyon sa boses pa lamang dahil siya ay matalik kong kaibigan at nang ireveal ang mukha niya sa autopsy (hindi sila ang humubad ng bonet nito dahil magkakaroon ng fingerprint at matetrace kung sino ang pumatay). Hindi ko naman masyadong nabobosesan ang boses ng dalawa pa nitong kasama ngunit pamilyar kahit paano sa akin ang kanilang tinig. Malamang ay malapit lang ito kay Joven.
“Oo, Avery at kilala mo rin ang mga ito. Sila ang mga sacristan sa simbahan na kinabibilangan mo rati. Ito ang kambal na si Marlboro at Winston” natawa naman sa pangalan ang ilang miyembro ng orginisasyon. Ngunit nainis naman ako dahil sila pala ang isa pa sa mga gusting manantala sa akin. Tatawanan ko na lamang ang pangalan nila kapag nandoon na sila sa dapat paglagyan nila.
Ang misyon namin ay hanapin si Vert, asawa ni Sonya. Muntik patayin ni Vert si Sonya dahil ayaw nitong makipagsex sa kanya. Pinilit lamang ni Sonya na makipagsex kahit labag sa loob nito. Sa totoo lang ay ayaw talagang maikasal ni Sonya kay Vert. Kaya lang ay ginahasa siya ni Vert at nagbunga ang kahalayang iyon. Nagpakasal lamang sila para lamang ay walang eskandalong maganap.
Mukhang may bago na naman kaming huhubugin at may kuwento rin ng pag-aabuso. Nagpapasalamat ako sa orginisasyong: Silver International Safety o SIS at nakakatuwang may branch pa ito sa iba’t ibang bansa. Hindi ito lihim na organisasyon para maging aware ang lahat na may ganitong samahan ng mga kababaihan at mga pasister din na naabuso. Para iwas scam sa mga mapagsamantalang tao ay hindi sila ang pipili sa SIS para takbuhan ng problema, SIS ang pipili sa kanila. Ganoon ang sistema para hindi lumabas ang baho ng org na kumikitil din kami ng buhay para lang sa paghihiganti sa mga naaapi.
Nang makarating kami sa kuta ng hindi kilalang gang na kinabibilangan ni Vert ay naghahanda na kami para isagawa nag plano. Sabi ng asset namin ay mayroong maliit na pagsasalo para sa pagkapanalo ng gang nito sa paglumpo sa kaaway na gang. Kawawang Sonya talaga, sa isang cheap na gangster pa napunta. Iyong gang na ang alam lamang ay magbasag ulo at halata talagang walang mga moral sa buhay.
Bawat isa sa amin ay lumabas na sa van at naghanda na sa paglusob. Mukha mang gang ang org kapag nasa ganitong sitwasyon ay isa naman kaming sosyal na gang kung ganoon….