Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 1

Chapter 01
Red couldn’t help staring at the cover of the school magazine in his hands. Sino bang hindi mapapatitig kapag ganito kaguguwapo ang mga nasa cover? He’s not familiar with those faces dahil bagong salta lamang siya sa lugar na iyon. In fact, unang araw ng klase ngayon at dapat ay abala siya sa pag hahanap ng mga classrooms na nasa kanyang schedule. To hell with those rooms! piping sigaw ng masamang bahagi ng utak niya. Ang concentration niya ngayon ay nasa mga mukha ng mga nagkikisigang lalaki na nangakasuot ng pawing mga business suits at pormal na pormal na naka pose. There are four of them, at lahat sila maklaglag salawal ika nga.

The names of these hunks were mentioned at the bottom part of the cover. From left to right: the first hunk – Tuck Jefferson Wayne (half black American and half Pinoy), kulot ang maigsing buhok, bilog ang mga mata na parang laging naka ngiti, matangos ang ilong at may kakapalan ang mapulang labi and obviously siya ang pinkamaitim sa grupo. Actually, hindi naman talaga over sa itim…. dark brown ang kulay ng balat. the second hunk—Jaime Romualdo Guzman (half Brazilian and half Pinoy), mestizo dahil sa Latin features, may mapanuksong mga mata, matangos na ilong at ang kapansin pansin dito ay ang isang biloy sa kanang pisngi.

Sa apat na lalaki ay ito ang mukhang playboy. The third hunk – Francis Munjal Tolentino (half Indian and half Pinoy), malamlam ang mapupungay na mga mata. Guwapo sa tunay na kahulugan ng salitang guwapo. May cleft chin, matangos na ilong at manipis na labi na parang ang sarap sarap halikan. Clean cut ang buhok at mukhang mabango lagi. Then there comes the last hunk — Ahmed Juma Hazan (American Arab na kalahating pinoy).

Medyo skinned head, and what else can you expect from an Arab? Siyempre saksakan ng guwapo. Mga matang animoy nagbabadya ng panganib sa sinu mang makakasalubong nito. Mayabang ang palalong ilong, square jawed ang feature ng mukha at mga labing sa wari niya’y hindi nakangiti bagkus nang uuyam sa pagkakataas ng isang sulok nito. Kulay pulang lupa ang isang ito at sa tingin niya’y ito ang may pinaka malakas ang magneto sa lahat.

Sa apat na lalaki’y dalawa ang pumukaw ng kanyang sensasyon: Those are Munjal, because he looks the nicest of them all at magaaan ang loob niya dito sa di malamang dahilan… and the other one, aminin man niya o hindi ay malakas ang hatak ng personalidad, si Ahmed. Hindi niya alam pero sa tuwing mapapadaan ang mata niya sa mukha nito sa picture ay sinisinghalan siya ng kilabot sa katawan. Napakagat siya ng labi ng di namamalayan at naglaru sa guni guni ang isang malisyosong pangitain.

Nakayuko siya habang masusing tinitingnan ang pabalat ng naturang school magazine kung kaya’t hindi niya nabigyang pansin ang bigla na lamang na pagkakataranta ng lahat ng mga lalaking estudyante ng paaralan. Na para bang may kinatatakutan ito na hindi mawari. Nagtaka pa siya at biglang tumahimik ang paligid ngunit hindi niya iyon binigyan ng masyadong pansin dahil abala ang mga mata niya sa pagnamnam sa dalawang mukhang nagpakislot ng natutulog niyang kamalayan.

BLAG!

Sumambulat ang hawak niyang magazine sa sahig at pati siya’y kamuntikan ng matumba kundi lang sa maagap na pagsalo ng matitigas na bisig sa kanyang baywang. Napapikit siya nang masamyo ang amoy nitong natural. Likas na amoy lalaki, walang halong pabango. Dagli rin ang kanyang naging pag mulat ng marinig niya ang malakas na tikhim mula sa bibig ng lalaking bihag ang baywang niya. At napaawang ang mga labi niya nang mapagtanto kung sino iyon…. Pigil ang hininga niya habang hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

“Sino ka?” mahina ngunit mariin na tanong ni Ahmed.

Napalunok siya at di malaman ang sasabihin. Ang boses nitong malalim at buong buo ay pawang naging musika sa kanyang pandinig. Dumiin ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang na nagpangiwi sa kanya. Di niya napigilan ang dumaing.

“A-aray….” aniya.

“If you’re not going to tell me who the fuck you are, you’ll take more than this…” mapanganib na lintaya nito sa kanya.

Kinilabutan siya sa sinabi nito at nang mapadako ang tingin niya sa mata nito’y nanghina siya. Parang inuubos nito ang pisikal na lakas niya.

“I- I’m… huh…huhh… R-rednel S-s-sarmiento…. Ah-eh… transferee from S-san Nicol—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin ng walang anu ano’y bitawan siya nito na halos ikatumba niya. He was shocked dahil ang nasa harap niya ngayon ay ang apat na nasa cover ng magazine! Ngunit wala sa bokabularyo niya ngayon ang salitang paghanga. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay makatakas! Dali dali niyang pinulot ang magazine at nanginginig na akmang tatalilis.

“E-excuse me…” aniya.

Ngunit bago pa man siya makatatlong hakbang ay pinigilan nito ang braso niya at mariin na pinisil.

“And where do you think you’re going?” matigas na tanong nito.

Lumarawan ang sakit sa mga mata niya nang lingunin niya ang binata.

“Nasasaktan ako…” anang mahina niyang bulong.

“Huh, and you expect yourself to get away with it just like that?” nang uuyam na sabi nito sa kanya.

Dumiin pa lalo ang pa kaka…