Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 11

Chapter 11

Ilang araw ding hindi nagpakita ni anino ni Ahmed kay Red simula nang araw na huli silang nag usap. Batid niyang nasaktan ito sa mga nasabi niya ngunit alam niyang sa ikabubuti niiya ang nangyari. Malungkot man ang mga araw na nagdaan ay pilit niyang aliwin ang sarili at ibalik sa normal ang simple niyang pamumuhay. Walang Ahmed na makulit na pinipilit ang sarili… walang nananakit…walang nagpapaluha. Ayos na sa kanya ang ganoong set up ng buhay, at least nandyan pa rin si Munjal. Wala man itong maiinit na atensyon na ibinibigay sa kanya katulad ng kay Ahmed na aminin man niiya’t hindi ay kinasasabikan niya, alam niyang masaya siya dahil sa respeto at pagmamahal na natatanggap niya mula dito.

Kasalukuyan siyang naglligpit ng pinaghugasang kainan nang may kumatok sa pinto. Tiningnan niya ang suot na relo. Limang minuto bago mag alas nuwebe ng umaga. Sinadya niyang mag gumising ng mataas na ang araw gaya ng sinabi niya kay Munjal four days ago ay hindi na siya papasok pa. Hindi na niya ipagpapatuloy pa ang huling taon sa kolehiyo sa kabila ng naging pagtutol nito sa desisyon niya. Naisip niyang si Munjal ito at marahil ibibigay sa kanya ang pangakong partial refund ng kanyang naging tuition fee. Pinunansan niya ang kamay saka tinungo ang pintuan. Pagbukas niya’y ang pigura ni Ahmed ang bumulaga sa kanya. Taliwas sa madalas na espresyon ng mukha nito na parang laging galit at mananakit ng tao, ngayon ang kanyang nasa harapan ay malamlam ang mga matang nakatunghay sa kanya.

“Can I come in?” tanong nito.

Talagang nagtaka siya at nanibago sa ikinikilos nito ngayon subalit nagpatay malisya na lamang siya kahit naguguluhan. Kinakabahan man sa iniisip na may balak na naman ito ay pinagbuksan na rin niya ng pinto.

“Tuloy ka.”

“Thank you.”

Pumasok ito ngunit nanatiling nakatayo at nakatingin lamang sa kanya. Hindi siya napakali sa mga sandalinhg iyon sa ginagawa nitong pag titig sa kanya. Binasa niya ng dila ang natutuyong labi at napako doon ang tingin ni Ahmed. Matagal nitong pinagmasdan ang kanyang mga labi.

“Ah–eh– have you had your breakfast na ba?” basag ni Red sa nakakatensyong katahimikan.

“Thanks but no. I’m not hungry.” tanggi nito at hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

Naglakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya. Ang suot niya ay isang pinutol na jeans na itim at white shirt na pinutol ang manggas. maaliwalas siyang tignan sa simpleng kasuotan bukod sa siya’y nligo kanginang pagkagising. Hindi siya lalo napakali sa paggala ng paningin nito sa kabuuan niya.

“Ahm– h-how about drinks? Do you want some coffee or tea?” alok niya at pilit na iniiwas ang tingin.

“How about a kiss?” nakatitig ito sa mga mata niya nang tanungin iyon.

Napalunok si Red sa tanong na iyon. Hindi siya nakakibo at napatingin lamang sa kaharap na parang namamalikmata. Sinimulan na naman siyang kabahan at unti unting tumahip ang dibdib.

“I–I’ll just get you a glass of cold water.” aniya at tumalilis papuntang kusina.

Nakakailang step pa lang siya nang tawagin siya nito.

“Baby.” tawag nito sa kanya.

Napapikit siya sa tinawag nito sa kanya. Baby. Pakiramdam niya’y napaka espesyal siya para tawagin nang ganoon. Ngunit pinigilan niya ang sariling bumigay. Heto na naman siya… natutukso sa mga salita nitong walang kasing tamis. Huminto siya sa paglakad pero hindi lumingon. Napapikit siya uli at nahigit ang paghinga nang maramdaman ang paglapit nito sa kanyang likuran.

“I’m just asking for a kiss. Is that too much too ask? I missed you.” mahinahong wika nito.

Humarap siya dito at tumingala. Bumuka ang bibig niya pero walang katagang namutawi dito. Napatingin muli si Ahmed sa nakabukang labi niya at hindi na nito napigilan ang sarili. Binigyan siya nito ng isang magaang na halik sa labi. Nakaramdam siya ng pagkagulat dahil iba ang naramdaman niya sa halik na iyon. Parang may halong respeto at… pagsuyo? Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang umasa. HIndi man nakangiti si Ahmed ay nagliwanag ang mukha nito. At ngayon lang niya napansin, bagong ahit ito at ang preskong presko tingnan. Kung hindi lang niya naalala ang nangyari nung isang gabi ay malamang naihi siya sa kilig.

“This is for you, baby.” anito at ibinigay sa kanya ang isang tangkay ng puting rosas.

Napaawang ang labi niya sa nakita. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya kinakabahan o natatakot pag nakakakita siya ng sa puting rosas dahil ano pa ba ang mas titindi pa sa nangyari sa kanya nung isang gabi? Parang gusto niyang mangaligkig. Nahihiyang tinanggap niya ang inabot nito.

“Para saan ito?” namumulang tanong niya.

“Nanliligaw.” diretsong sagot nito na halos ikatumba niya sa gulat.

“Ha?”

“I want to make up for everything I’ve done.”

Hindi siya nakaimik sa tinuran nito. Si Ahmed, nanliligaw? Bakit, babae ba siya? Kinilabutan siya sa narinig. At isa pa, mayroon bang nanliligaw ng saksakan ng aga? ganito ba manligaw ang mga arabo? Lihim siyang napangiti sa naiisip na mga tanong. At hindi iyon nakaligtas sa matalas na pakiamdam ni Ahmed.

“What’s funny?” kunot noong tanong nito.

“Ah — eh, wala naman.”

Mayroon bang nanliligaw na mainitin ang ulo at maigsi ang pasensya? Tumingin siya sa mukha nito at nakita niya ang may kaunting inis na naman na lumarawan doon. Naiinis marahil dahil alam na pinagtatawanan niya.

“Maupo ka muna Ahmed. Ikukuha lang kita ng–“

“I need to know your answer.” ang bulalas ni Ahmed na ikinamangha niya.

“Ha?” naguguluhan siya.

“Your answer. I just told you na nanliligaw ako, so what’s the answer?”

Namangha talaga siya sa narinig. Anong gusto mangyari ni Ahmed? Sagutin agad niya ito kung oo o hindi? Pinagmasdan niyang muli ang ekspresyon ng mukha nito. Tila apurado…