Ang napili niya ay ang isang body fit na sleeve less cotton shirt na kulay pale yellow at khaki shorts na hanggang tuhod lang ang haba. Mainit ang panahon kaya iyon ang napagdsisyunan niyang isuot at sa isang hacienda naman daw sila pupunta kaya okay lang. Tinernuhan niya yun ng adidas white rubber shoes. Napangiti siya sa salamin ng mapagmasdan ang repleksyon. Gwapo. ang mayabang na bulong niya sa sarili.
Nagwisik siya ng kanyang paboritong pabango bago lumabas. Ibinulsa niya ang malit na bote ng pabango at saka nagmartsa papalabas ng silid. Pagkalabas niya ng pinto ng bahay ay nakita niyang nakasandal si Ahmed sa sasakyan at mababakas sa mukha nito ang pagkayamot sa kahihintay sa kabagalan niya. Sa ibang panig ito nakatingin kaya hindi napansin ang kanyang paglakad patungo sa kinaroroonan nito. Nang kumalansing ang bakal ng sinarang gate ay awtomatikong napalingon ito sa direksyon niya.
Ang kanina pa nararamdamang inip at inis ni Ahmed ay dagling naglaho nang makita niyang papalapit na si Red. Hindi niya mapigil ang ‘di mapatitig sa kaaya ayang tanawing naglalakad papunta sa kanya. bagy na bagay dito ang sleeveless yellow shirt na tinernuhan ng khaki shorts at white shoes. Parang ang bangu bango at sarap pupugin ng halik ang leeg. Nagtama ang mga mata nila ni Red at hindi niya napigilan ang paglunok. Marahil kung nasa loob lang sila ng bahay ay nakuyumos na niya ng halik ang lalaking ito na animo’y masarap na babae sa paningin at pang amoy niya.
“S-shall we go?” naiilang na tanong ni Red.
“Yeah.” walang atubilng sagot ni Ahmed.
Agad na binuksan ni Ahmed ang passenger’s seat para kay Red. Ngunit tiniyak niya na gigiyagis ang harapan niya sa tagiliran ni Red once na kumilos ito papasakay ng sasakyan. At gayun nga ang nangyari. Napalingon si Red kay Ahmed nang maramdaman ang matigas na kaangkinan nitong sadyang idinikit at ikinayas sa tagiliran niya. Napalunok si Red nang magkatitigan sila ni Ahmed dahil basang basa niya sa mukha nito ang init na nararamdman. Kinilabutan siya sa paraan ng pagtingin nito kaya dali dali siyang sumakay at siya na mismo ang nagsara ng pinto. Napapikit siya ng mariin dahil sa pinakitang marubdob na pagnanasa ng mga mata nito. Grabe naman ang arabong ito, sa kainitan ng taas ng araw ay nagiisip ng mga ganoong bagay at dito pa sa mismong labas ng bakuran na maaaring maraming makakita! piping hinaing ng isip niya. Napamulat na lamang siya nang marining na sumara ang pinto ng driver’s seat.
“You look so fresh, baby.”
Mahina lang ang bulong na iyon ngunit dinig na dinig niya dahil damang dama niya ang matinding pangingilabot. Hindi siya lumingon sa gawi nito pero alam niyang nakatitig ito sa kanya. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Narining pa niya ang bunung hininga nito bago binuhay ang makina ng sasakyan. Taliwas sa inasal nito kangina, ay payapa naman ang kanilang byahe kahit sa loob pa lamang ng mahigit bente minutos. Ni hindi na ito nagsalita matapos paandarin ang sasakyan at sa daan na lamang ipinokus ang atensyon. Nakahinga man siya sa pananahimik nito ay nangangamba naman siyang baka nainis ito sa pambabalewala sa atensyon nito.
Panaka naka ay tinitingnan niya ito habang tahimik na nagmmaneho. May kung ilang ulit din siya nitong nahuhuli na nagmamasid sa kanya. At sa tuwing mahuhuli ay agad niyang iniiwas ang paningin at parang pusa na nahuling kumain ng isda. Hindi kasi niya mapigilan ang sariling suyurin ng tingin ang lalaking katabi. Napakakisig nito sa suot na canvas shoes, tight faded blue jeans at masikip ding light blue na shirt. Para pa ngang mapupunit na ang tela na nakayakap sa mamasel na braso nito. Napako ang tingin niya sa braso nitong nakahawak sa manibela. May mga balahibo ito at tila sibat na bumalik sa alaala niya kung paano siya ihatid sa langit ng mga bisig na iyon sa tuwing yayakap ito sa kanya. Bumaba ang mata niya sa laman sa pagitan ng mga hita nito at ‘di niya napigilan ang paglunok ng sariling laway. Kung bakit ba naman kasi may mga taong ganoong kalaki ang pag aari. Bukul na bukol ang pagkalalaki nito na mayabang na nanunukso sa mga mata niyang uhaw.
“If you won;t stop staring at me like that, I don’t care where the hell we are, ihihinto ko itong sasakyan at dito mismo ay gagawin ko sa yo ang kanina ko pa gustong gawin.” mariin ang pagkakabigkas nito tanda ng tinitimping damdamin.
“S-sorry…”
“You enjoy teasing me, don’t you?” ani Ahmed na hindi inaalis ang tingin sa daan.
“I’m not teasing you.” tanggi ni Red.
“Then what would you call that? Tititigan mo ko then ‘pag nahuli kita, iiwas ka ng tingin. And it happened several times.”
“H-hindi naman siguro masama ang mapatingin–“
Napahinto siya sa pagsasalita nang inihinto ni Ahmed ang sasakyan sa gitna ng kalsada at walang anu ano’y dukwangin nito ang pagitan nilang dalawa. Nanlaki ang mga mata niya nang yapusin siya ng mga bisig nito at tila mabigat ang mga talukap ng mga matang nakatunghay sa kanya.
“My goodness Ahmed! What are you doing?” aniya na pilit na kinakawala ang sarili sa yakap nito.
“Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin sa’yo sa mga oras na ‘to?” si Ahmed na tila wala sa wisyo.
“Nasa gitna tayo ng kalsada… Ahmed…ano ka ba?”
Nag aalala siya na baka may dumaang mga sasakyan at makita kung ano’ng ginagawa nila. At isa pa ay nasa gitna sila ng kalsada! paano kung maasikdente sila?
“No need to worry, tinted naman ang salamin ng sasakyan. They won’t see us.”
Naalarma siya ng masalamain sa mga mata nito ang kaseryosohan ng mga sinabi nito at mukha talagang gagawin ang naisipan. Kilala niya ito, what he wants, he gets. Hndi niya malaman ang gagawin nang maramdamang pumaloob ang kamay nito sa loob nang kanyang shirt. Awtomamatikong pinigilan ito ng kanyang mga kamay.
“No Ahmed please…nandito pa tayo sa kalsada…h’wag naman dito.”
Napatingin si Ahmed sa nag aalala niyang mukha. Kapagkuwa’y binawi nito ang mga palad sa loob ng shirt niya at humawak muli sa manibela. Makakahinga na sana siya ng maluwag ngunit napansin niyang pinaandar lang nitong muli ang sasakyan ngunit itinabi lang nito sa may gilid ng daan sa tabi ng isang malaking puno. NApahugot siya ng hininga nang kumilos na naman ito.
“What are we doing here?” kinakabahang tanong niya.
Hindi kumibo si Ahmed bagkus ay tumitig lang sa kanya. Ang mainit nitong tingin ay nagtagal sa nakaawang niyang labi bago mabigat ang loob na sumandal uli sa upuan at pumikit ng mariin. Alam niyang nag kokontrol ito ng sarili dahil sa mariin ding paghawak nito sa manibela ng sasakyan. Nang magmulat ito ay ibinaling muli sa kanya ang tingin.
“You have no idea what exactly you’re doing to me baby.”
“A-ano bang…gi-ginagawa ko sa ‘yo?” ang nauutal na tanong niya. HIndi niya magawang salubungin ang mata nito.
“I feel like you’re taking full control of me… napapasunod mo ko sa gusto mo… nawawala ako sa sarili ko pag malapit ka sa kin… pag naaamoy kita nawawala lahat ng kontrol sa katawan ko. This is so new to me. I wasn’t like this before….” tila nangungumpisal na saad ni Ahmed.
Awang lang ang bibig niya sa mga naririnig na sinasabi nito. Parang ayaw mag sink in sa kanya ang mga nakiktang nagaganap. Ang Ahmed na kilala niya’y malakas, punung puno ng ene…