Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 13

Chapter 13

Awang ang mga labi ni Red habang pinagmamasdan ang mga nagtatayugang puno ng niyog na kanilang nadadaanan. Sa tanang buhay niya’y ngayon lamang siya nakita ng ganito karaming puno ng niyog. Puro berde ang nakikita niya sa paligid at ang isa pang ikinasisiya ng mga mata niya ay sa di kalayuan ay may mga maliliit na bahay kubo na nakatayo at may mga taong sa wari niya’y trabahador ng asyendang iyon na abalang abala sa kani kanilang mga gawain. Walang ganito sa siyudad, kaya sinusulit ng mga mata niya ang bawat tanawing nadadaanan.

“I’m glad you like it.”wika ni Ahmed dahil napansing namamangha siya sa nakikita.

“Yeah. Ahm, can I open the window?”

“Sure.”ani Ahmed at pinatay ang aircon ng sasakyan.

Pumikit siya habang ninanamnam ang sariwang hanging dumadapyo sa kanyang mukha. Ang gaan ng pakiramdam ni Red ng mga sandalaing iyon at kahit papaano’y nalimutan sandali ang naging ‘di nila pagkakaunawaan ni Ahmed.

“Malapit na tayo.”si Ahmed.

Napamulat siya sa narinig. At sa paglinaw ng kanyang paningin ay nakita niyang sa may di kalayuan ay may natatanaw siyang isang napakalaking puting mansyon. Habang papalapit sila ay lalo siyang namamangha sa gara ng tanawing kanyang napagmamasdan. Sa isip isip niya’y kasya ata ang isang barangay ng pamilya na manirahan sa bahay na iyon.

“Sa ‘yo ba lahat to?”ang namamanghang tanong niya na ikinatawa ng mahina ni Ahmed.

“Actually, sa aming apat ‘to. The time we reached the age of 21, ibinigay na sa amin ng mga magulang namin ang ikaapat na bahagi ng mamanahin namin sa kanila. So, nag decide kaming apat na magpagawa ng mansyon sa ranchong binili ko.”

Sa lagay ba ay one fourth pa lang na mana ang naibibigay? My God, gaano ba kayaman ang mga angkan ng mga taong ito? ‘di niya mapigilang itanong sa sarili. Gusto pa sana niyang mgatanong pero inunahan na siya ng hiya dahil baka isipin nito na masyado siyang mausisa sa yaman ng mga ito.

Kulang na lang ay pasukan ng langaw ang bibig niya sa pagkakaawang dahil sa pagkalula sa mansyon na kanilang pinuntahan. Pagka baba niya’y natutop niya ang bibig upang hindi kumuwala ang bulalas ng pagkamangha sa rangyang kanya ngayong nasasaksihan. Iniikot niya ang mata sa paligid at hindi magkamayaw ang kanyang mga mata sa pagsamba sa ganda ng tanawing dinadapuan ng kanyang tingin.

“Tara na?”yaya ni Ahmed nang makaplapit sa kanya. Hawak na nito ang kanyang travelling bag.

“O-oo.”ang nauutal niyang tugon at kumapit pa sa matipunong braso ni Ahmed.

Ikinasiya ni Ahmed ang naging gesture niya at may ngiti sa labing iginiya siya nito papunta sa malaking bulwagan ng mansyon.

“Welcome!”anang baritonong tinig na narinig niya. Si Munjal, kasama nito ang dalawa pang miyembro ng kanilang grupo.

Sininghalan siya ng tuwa ng makita si Munjal. Kumalas siya sa pagkakakapit sa braso ni Ahmed at masayang sumalubong dito. Papalapit pa lamang siya kay Munjal nang makita niya ang hawak nitong life sized teddy bear. Tuwang tuwa siya dahil alam nitong gustung gusto niya ang teddy bear matagal na. Niyakap niya si Munjal pagkalapit niya at tumatawa naman nitong sinuklian ng yakap at halik sa sintido.

“This is my surprise baba.”si Munjal habang inaabot sa kanya ang pasalubong na dala.

“Okay, Red let me introduce to you your new baba, ‘Kieron’.”natatawang sabi pa ni Munjal.

Nang mahawakan ni Red ang napakalaki at napakatabang teddy bear ay niyakap niya ito ng mahigpit at inamoy. Sa ginawa niya’y hindi lang si Munjal ang natawa kundi pati sina TJ at Jaime.

“Parang bata.”tukso ni Munjal.

Napuno ng tawanan ang paligid ngunit iglap din iyong naputol dahil sa malakas na pag tikhim ni Ahmed. Napako lahat ng tingin sa kanya at biglang tumahimik ang paligid dahil sa madilim na anyo nito. HIndi na naman nito nagugustuhan ang mga nangyayari. Ngayon lang uli naalala ni Red si Ahmed dala na rin ng pagkatuwa sa naging surpresa ni Munjal. Nang makita niyang kumulimlim ang mukha nito sa disgustong nararamdaman ay mistula siyang natameme. Wala ni isa man sa kanila ang makapagsalita dahil alam nilang napikon ito sa pag iignora nila sa presensya nito.

“Well, well, well… look who’s here?”ang sabi ng di pamilyar na tinig na nakapagpalingon sa kanilang lahat.

“Chase….”si Ahmed na maluwang ang pagkakangiti.

“Kuya Ahmed.”masayang wika ni Chase habang papalapit kay Ahmed.

“Come here pumpkin.”

Patakbong tinawid ni Chase ang natitirang distansya sa pagitan nila ni Ahmed. Yumapos siya sa matipunong katawan ni Ahmed. Natatawa namang niyakap din ito ni Ahmed. Kapagkuwa’y tinaas ng hintuturo ni Ahmed ang baba ni Chase upang matunghayan ang mukha nito.

“How are you?”tanong ni Ahmed.

“I’m perfect. More than a month pa lang sa trabaho pero heto, stressed na. How about you?”

“Oh, this guy is doing so good. Medyo busy lang lately.”

“Really? At kanino ka naman busy huh?”

Hindi sumagot si Ahmed ngunit tumingin siya kay Red. At doon napatingin sa direksyon ni Red si Chase. Nagtatanong ang mga matang bumalik ang paningin niya kay Ahmed.

“Oh, I almost forgot. I would like you to meet Red.”si Ahmed habang lumalapit sila kay Red.

HIndi nakakibo si Red when Chase looked at him from head to foot. Waring pinag aralan nito ang hitsura niya habang mataman na nakamata sa kanya. Red raised his head high to make Chase feel that he’s not just an ordinary guy but a guy who deserves a second look. Alam niyang wala siya dapat ikahiya dahil guwapo siya at may pinag aralan din.

Yun nga lang, ang taong nakatingin sa kanya ngayon ay saksakan din ng guwapo. He’s wearing a casual striped long sleeve na nakabuka ang ilang butones and a black jeans na tinernuhan ng sport shoes na white. At maputi ito sa karaniwan at sa tingin niya’y natural ang pagiging kulay mais na ilang hibla ng buhok nito. In short, tisoy. In fact, siya siguro ang maputing version ng bida sa”John Tucker must die”. Pati ang katawan nito at tindig ay kuha rin nito.

“Red, this is Chase.”pakilala ni Ahmed.

Nagtama ang mga mata nina Red at Chase. Gustong magselos ni Red dahil nakayapos pa rin ang isang braso ni Chase sa baywang ni Ahmed. Subalit napalis sandali ang nararamdaman niyang iyon nang makita niyang ngumiti si Chase at kumalas sa pagkakayakap kay Ahmed para makipagkamay sa kanya. Nakangiti rin naman niyang iabot ang isang palad.

“So, ikaw pala si Red. I’ve been hearing so many things about you lately.”

“H-ha?”nagulat siya sa sinabi nito.

“Yeah, lagi kang bukambibig ng lalaking nasa tabi mo….”ang tinutukoy nito ay si Munjal.

“……at ng halimaw na nasa tabi ko…”dagdag pa nito na patungkol naman kay Ahmed.

Namula ang mukha niya sa narinig. Ano kaya ang piangsasasabi ng mga hudyo na ito patungkol sa kanya? Samantala napuno naman ng tawanan ang paligid sa sinabing iyon ni Chase.

“Sinong halimaw?”kunwari’y yamot na tanong ni Ahmed at ginulo ang buhok ni Chase.

Hindi iyon pinansin ni Chase bagkus ay kay Red pa rin nakatutok ang atensyon.

“So, mahilig ka pala sa teddy bear?”nakangiting tanong nito.

“Oo.”

“Why, Chase? Gusto mo rin ba ng teddy bear?”nakangising tanong ni Jaime.

“I can…