Nagising si Red kinabukasan na magaan ang pakiramdam. Mataas na ang araw sa oras na 6:30 am. Pagkatapos na masigurong maayos na ang higaan ay nagpunta siya ng banyo upang maligo at mapreskuhan ang sarili. Nagbabad siya sa shower dahil maligamgam ang tubig na binubuga ng dutsa. Nang magsawa ang katawan sa pagbababad sa tubig ay nagdesisyon na siyang lumabas ng shower room. Hanggang sa ngayon ay nalulula pa rin siya sa gara ng silid. Nagulat pa siya dahil paglabas niya ay mayroon ng pagkain na nakahain sa isang maliit na lamesang de gulong. Isang platong vegetable fried rice, sunny side up na itlog, dalwang hotdogs, tapa, isang mangkok na sopas, four slices of garlic loaf bread, cheese spread at isang basong gatas.Grabe namang almusal ito! huling breakfast ko na ba? nangingiting tanong niya sa sarili. Natawa pa siya ng mahina nang lumiyok ang kanyang sikmura palatandaan na ginutom siya sa nakita.
He just finished brushing his teeth when someone knocked at the door. Lumabas siya ng comfort room.
“Come in.” aniya.
Ang matabang babae kahapon ang bumulaga sa pintong nabuksan.
“Tapos na po ba kayong mag breakfast, Sir?”
“Ah eh oo. Im already done.”
“Kukunin ko na po ang pinag kainan.”
“Yeah sure.”
Namula talaga ang pisngi niya nang may pagkamanghang tiningnan ng katulong ang mga pinagkainan tapos ay tinapunan siya ng tingin. Naubos kasi niya ang lahat ng nasa maliit na table. hindi kumibo ang babae at halatang pinipigil lang ang ngiti na papalabas ng silid. Nainis si Red sa sarili.
“Bilin nga pala ni Sir Munjal na bumaba daw kayo pagkatapos niyong mag almusal. May pupuntahan daw po kayo.”
“Sinabi ba niya kung saan?”
“Hindi po. Pero sa malamang po Sir, sa niyugan. Yun pong nadadaanan pag papunta na dito.”
“Ah. Sige salamat.”
Hindi niya maitago sa sarili ang excitement dahil talaga namang gustung gusto niyang puntahan iyon. Dali dali niyang binuksan ang closet na pinaglagyan ng mga gamit kahapon. He chose to wear a light brown walking shorts and a tight fitting white shirt. Nag sandals lang siya dahil malapit lang naman ang pupuntahan nila. he left the room soon after spraying a small amount of perfume.
Luminga linga siya sa paligid para hanapin si Munjal. Sa sobrang lawak ng akuran ay hindi niya alam kung saang direksyon siya unang tutngo para maghanap. Nakaka ilang hakbang pa lamang siya nang may tumawag sa kanya.
“Good morning baba.”
Napigil niya ang paghinga dahil paglingon niya’y naroon si Munjal, napakaguwapo sa suot na checkerd long sleeves na nakatupi hanggang siko, nakabukas ang ilang butones sa harapan, faded jeans and leather boots! Kulang na lang ay ang sumbrero at mukha na itong cowboy sa tindig at porma. Sa tabi nito ang tangan tangan na kulay pulang lupang kabayo na malaki sa karaniwan.
“Good morning Munjal.”
Red was realy stunned as he saw Munjal walking close to him. Para itong commercial model. Parang laging mabango sa anumang oras. Hindi niya mapigilan ang magngiti.
“How was your sleep?” tanong ni Munjal.
“You look gorgeous…” sa halip ay sambit niya.
“I have known it for the longest time, baba. No need to stress the obvious.” sinundan nito ng tawa ang pagkasabi.
Dumako ang tingin niya sa kabayo. Just the same with the man standing beside him, mukha naman itong maamong hayop. Hinaplos niya ang leeg nito at nang mapansing walang violent reaction mula dito ay pulit ulit niya itong hinimas.
“Do you like him?” si Munjal.
“Yeah. He seems nice naman. What’s his name?”
“HIs name is Jagg. At siya ang sasakyan natin papunta sa lugar na papasyalan natin.”
Namilog ang mga mata niya. Hindi maipagkaila ang excitement.
“Talaga?”
“Yeah. Tara, iaangkas kita sa kanya.” ani Munjal at hinawakan ang baywang niya upang itaas paupo sa kabayo.
Munjal did it as if he held a twelve year old kid. At talaga namang nakaramdam siya ng kilig. Nang makasampa sa kabayo ay ito naman ang sumakay. He immediately closed his eyes as he felt Munjal against his back. Heto na naman siya, nag pi feeling prinsesa. Nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman ang isang braso nitong pumalupot sa baywang niya. Nilingon niya ito at sa pagkagulat niya’y muntik nang magtama ang kanilang mga labi sa sobrang lapit ng mga ito. Langhap niya ang mabangong hininga ni Munjal na lalong nagpa unease sa kanya. Suablit bagkus na ihitin ng sobrang kaba ay mas pinili niya ang kapilyuhan. Ngumiti siya dito ng ubod tamis at tapos ay kagat labing tinitigan niya ang mga labi ni Munjal na bahagya ring nakaawang.
Munjal noticed that Red was staring at his lips longer than usual at lihim siyang napa iling. Lokong ‘to ah! aniya sa sarili. Lumapad ang ngiti sa mga labi niya at bigla na lang kinagat ng marahan ang ilong ni Red. Nagulat si Red at muntik ng mahulog sa kinasasakyang kabayo kundi lang siya yapos ng mahigpit ni Munjal. Sabay silang nagtawanan sa mga kalokohang ginawa.
“Ready?” asked Munjal.
“Yap.” nakangiting wika ni Red.
Napapikit siya nang magsimula ng tumakbo ang kabayo.
+ + + + +
Masakit ang ulong nagising si Ahmed. Hawak ang ulong bumangon sa kama. Naupo siya sumandali at hinigop ang mainit na kapeng barako na nakalatag sa lamesang de gulong kasama ng iba pang pagkain para sa kanyang almusal. Hindi na niya pinagkaabalahang tikman ang almusal matapos ubusin ang kape. Dumiretso siya ng banyo pagkatapos. Hustong nagsesepilyo siya nang mataman niyang napagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Wala pa rin namang nagbago sa hitsura niya. Gwapo. Walang makakatanggi sa katotohanang iyon.
Mukhang kinababaliwan ng maraming babae. Kinatatakutan naman ng karamihan sa kanyang mga nasasakupan at mga kaaway. Ngunit sa loob ng kanyang pagkatao ay alam niyang may bahagi siya na unti unting nagbabago. Ngayon lang niya na nalaman na may k…