Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 16

Chapter 16

“What? Tutuksuhin mo ‘ko then aatras soon as I give in?” akusa nito.

“H-hindi kita tinutukso Ahmed–“

“Then what the heck was that?”

“W-wala n-naman akong ginagawa–“

“This is what you are doing to me!”

Red’s eyes’ grew bigger when Ahmed harshly cupped his ass with his firm hands, dragging him closer as he his hard member rubbed against his tummy. Pinisil nito nang ilang beses ang puwitan niya at pinagduldulan sa kanyang tiyan ang naghuhumindig nitong alaga na nakatago pa sa suot nitong pantalon.

“Ahmed sandali–“

“Damn you.”

Red didn’t have the chance to protest as Ahmed’s mouth conquered his. The way Ahmed kissed him at that momnet was unexplainable. As if he wanted to devour his whole being. Walang babalang pumasok ang dila nitong sumaliksik sa loob ng kanyang bibig. That kiss was almost toxic. Kissing, biting and sucking his upper and lower lip one after the other. Tumaas ang mga braso niya sa matipunong batok nito at nangunyapit doon…. then sweetly responded to his hot kisses. Ahmed ended the kiss on his mouth to breathe some air but then short after, he started licking his neck. Red felt like as if he was some sort of an ice cream under the heat of the sun. He felt wet and a little bit sloppy but he didnt care at all. Sumabunot pa ang isa niyang palad sa maigsi nitong buhok at ipinagdiinan pa ang buong mukha ni Ahmed sa kanyang makinis na leeg. He felt shivers down his spine when Ahmed bit an earlobe. The bite was not so gentle but he even wanted him to do more of it.

“Let me spend the night with you, baby…” Ahmed whispered in his ears.

Napapikit siya ng mariin sa narinig na salitang lumabas sa bibig nito. HIndi niya alam kung sasang ayon ba siya o hindi basta ang alam niya’y nagugustuhan niya ang mga nagaganap. Ungol lang ang kanyang sinagot.

“I want you baby…” ani Ahmed sa pagitan ng paghalik at pagkagat sa tainga niya.

Want. Tumimo sa lumulutang niyang utak ang sinabi nito. He wants him. May malaking bahagi ng puso niya ang nanlumo. He just wants him… nothing more. Yes, he’s overwhelmed by the hot attention that Ahmed was giving him but he wants more than that. At nahihiya naman siyang sabihin dahil baka mapahiya na naman siyang muli.

“I must have you baby… right now…”

Red was alarmed when Ahmed started raising his shirt. Pinigilan niya ang mga kamay nito hangga’t sa makakaya niya.

“No…”

Natigilan si Ahmed sa gagawin at maang na napatingin sa kanya. Inaarok kung seryoso ba siya sa kanyang tinurang pagtanggi. Kumunot ang noo nito pero muling yumuko at akmang sasakuping muli ng mainit na labi nito ang kanyang bibig. Subalit sa pagkakataong ito ay iniwas niya ang sarili at tumulak ang mga palad niya sa dibdib nito. Pinilit ni Red na takpan ang kanyang panghihinang nararamdaman.

“Dyan ako bilib sa ‘yo Red. Bigay na bigay ka na, todo ka pa rin sa pagtanggi.” singhal ni Ahmed.

Napasinghap si Red nang pagtalikod nito ay malakas na sipain ang isang silya. Nakabibingi ang ingay na nilikha niyon. Sinikap niyang kausapin ito sa pag aalalang magwala ito sa loob ng silid.

“Ahmed, huminahon ka muna please…”

“You want me as much as I want you. And you fuckin’ know it. What I don’t understand is that why keep on denying it?” akusa ni Ahmed na napapailing sa tindi ng tensyon na nararamdaman.

“You are so Impossible, Red!”

Iyon ang huling singhal nito bago madaling lumabas ng silid at palagabog na sinara ang pinto.

.

.

“Napakaimposible mo….” bulong ni Ahmed sa sarili habang nakatingin sa salamin. Naputol ang kanyang pagbabalik tanaw nang maring na may pumasok sa pinto. Lumabas siya ng banyo at dinatnan sa loob ng kwarto niya ang matabang katulong na si Rina. Kasalukuyan na nitong nililigpit ang mga pagkaing hindi man lang niya nagalaw.

“Lumabas na ba si Red ng kwarto niya, Rina?”

“Opo Sir. Sa kantunayan nga po eh lumabas siya kangina kasama ni Sir Munjal.”

“What?!” nagpanting ang tainga niya sa narinig.

Napaurong naman ang katulong sa nakitang bayolenteng reaksyon niya. Kilala kasi siya nito na temperamental.

“N-niyaya po siya n-ni… n-ni Sir Munjal n-na m-magpunta sa k-koprahan…” ang nauutal na paliwanag ng katulong.

“Dammit!” mura niya.

Nang mapansing sininghalan ng sindak ang katulong ay pinigil niya ang sarili at mahinahon na pinalabas ito.

“Fuck!” sigaw niya nang makalabas na ito. Kumbakit ba kasi tinanghali siya ng gising? naunahan tuloy siya ni Munjal.

Nagngingit din siya sa katotohanang kapag si Munjal ang umamot ng oras kay Red ay madali itong napagbibigyan ni wala man lang kahirap hirap. Samantalang siya ay kulang na lang ay manikluhod kay Red mapagbigyan lamang sa naisin. Akin ka na Red pero bakit parang ang hirap mo pa ring angkinin? Nahahawakan kita, nayayakap at nahahalikan pero tila napakalayo ko pa rin sa’yo. Talaga bang mahirap siyang magustuhan? Damn you Red, wala kang karapatang pahirapan ako ng ganito! ngitngit niya sa sarili habang nagbibihis.

Mabilis ang pagpapatakbo niya kay Horo, ang kanyang itim na kabayo. Kulang na lang ay liparin nila ang maalikabok na daan sa tulin ng ginagawang pagtakbo nito. Si Horo ay kaparehas niya… malakas, matapang, palalo at magandang lahi. Bukod tanging siya lamang ang nakakasakay dito dahil sa talaga nga namang mailap kahit kangino ang mayabang na kabayo.

Nagrerebelde ang kanyang utak sa kakaisip kung ano na ang ginagawa ng dalawa sa mga oras na iyon. Hindi siya makakapayag na makuha ni Munjal ang bagay na alam niyang kanya! Huwag kang magkakamali Munjal at talagang maghahalo ang balat sa tinalupan!

Nakaupo si Red sa isang bench na pinasadya ang pagkakagawa sa isang lilim ng puno ng mangga kung saan nakatali si Jagg, ang kabayo ni Munjal. Nakangiti niyang pinagmamasdan si Munjal na abala sa mga oras na iyon na magbigay ng mga instruksyon sa mga tauhan sa hacienda. Natiyempuhan kasi na araw ngayon ng anihan ng mga buko. Hindi makamayaw ang mga trabahador sa pagpipitas ng mga buko na iaaangkat sa siyudad sa susuonod na araw ayon sa narinig niya. Marami rami na ang mga nakukuha ng mga ito ngunit alam niyang medyo matatagalan pa dahil ubod ng dami ang mga puno ng niyog na nakikita niya. At isa pa ay hindi naman basta na lang nakapitas at ipon ang ginagawa ng mga tauhan. Pagkayaring mapitas ang bawat buko ay mayroon nag iinspeksyon sa bawat piraso bago ito isalansan sa mga kahon na yari sa kahoy.

Napapitlag siya nang humalinghing ang kabayo. HIndi man kalakasan ay nagulat pa rin siya dahil bago pa rin sa kanya ang makakita at makasakay ng kabayo. Nilapitan niya ito at hinimas ang ulo at leeg. Waring nagustuhan naman ng kabayo ang kanyang ginawa at muli itong nanahimik.

“Ano’ng problema Jagg? Naiinip ka na ba?” nakingiting tanong niya dito.

Tinatapik tapik niya ang katawan ng kabayo nang mapansin niyang may paparating. Mabilis na pinatatakbo papalapit sa kinaroroonan niya ang isang malaking itim na kabayo. Si Ahmed. NAhigit niya ang kanyang hininga nang mapagmasdam mula sa malayo ang kakisigan nito. Naka suot din ito ng faded jeans at boots, but unlike Munjal, Ahmed was just…