Isa lang ang napatunayan niya habang pinagmamasdan ang nahihimbing na si Ahmed. Mahal na mahal niya ang binata. Nagawa niya ang isang bagay na ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magagawa niya. At kanina habang buong bangis siyang inaangkin nito, ramdam niya ang pagmamahal na isinisigaw ng puso niya. Sapat na sa kanya ang siya lang ang magmahal ng walang kapalit. Ng hindi tiyak kung ano ang mangayayari bukas. Ang tanging lama niya sa mga oras na iyon ay hindi niya kaya pang mawalay sa kanya ang lalaking katabi… ang lalaking buong alab na umangkin sa puso niya… sa buong katawan at kaluluwa niya… ang lalaking pinakamamahal niya.
Hinaplos ng kanyang palad ang pisngi nito… ang mga labi na kinauuhawan niya. Nag init ang kanyang pisngi nang maalala ang mga nangyari kagabi. Mula sa mainit na pagtatalik sa ibabaw ng lamesa hanggang sa umabot sila sa shower room. Sumakit pa nga ang balakang niya dahil una siya nitong pinaupo sa lavatory sink at marahas na pinasok. Hindi sila natapos doon dahil inilipat siya nito sa malaking bath tub at matapos sumakit ang likod niya ay itinayo siya nito isinandal paharap sa dingding habang nasa likod niya ito at mabangis na bumabayo. Huli siya nitong dinala sa kama. Napakagat labi siya dahil sa kung anu anong posisyon ang ipinagawa sa kanya ni Ahmed. At hindi siya nakaramdam pa muli ng anuman pang hiya sa katawan. Bagkus ay buong alab din siyang nagpaubaya at nagpatinaod sa gusto nitong gawin.
I love you… sabi ni Red nang pabulong. Matapos na kintalan ng mabining halik sa labi si Ahmed ay maingat niyang itinaas ang braso nito sa baywang niya upang makatayo siya at makalabas na ng silid habang madilim pa. Mahirap na at baka may makakita pa sa kanila sa ganoong sitwasyon. Marahil sa pagod kaya mahimbing ang tulog nito at hindi nagising nang siya ay bumangon na. HInagilap ng kamay niya ang bathrobe ni Ahmed at ibinalabal sa katawan. Hindi na niya kasi mahagilap ang punit na sando maging ang suot niyang boxer shorts. Pagkatapos na bigyan ito ng huling sulyap ay mabilis siyang humakbang papalabas ng silid.
Bumaba siya ng hagdan pagkaligo at pagkabihis niya. Tinungo niya ang malaking kusina dahil gusto niyang magkape para mainitan naman ang sikmura niya. Hanggang ngayon ay parang nararamdaman pa rin niya ang pagkalalaki ni Ahmed na sumagad yata sa bukana ng sikmura niya kagabi. Napangiti siya sa naisip. Napahinto siya sandali nang makitang nandoon si Munjal na nakaupo sa harap ng malaking kitchen table at sumisim din ng kape habang nagbabasa ng newspaper. Pinagmasdan niya ito mula sa di kalayuan. Walang duda, napaguwapo nito. Mukhang mabango na malinis na ewan pa dahil hindi talaga niya mai describe. In fact, mas guwapo ito kay Ahmed. Ito yung tipo ng kaguwapuhan na sasambahin ng kahit na sino.
Ngunit mataman niyang pinakiramdamaman ang sarili. Malakas na kilig ang nararamdaman niya pag kaharap ito, lalo na sa pinakikita sa kanyang kabaitan at concern ngunit dama niyang may kulang. Mahal din niya ito, walang duda. Ngunit hindi niya maramdaman kay Munjal ang nararamdaman niya pag katabi si Ahmed. Yung pakiramdam na nasa panganib pero safe pa rin. Yung parang may humahalukay sa sikmura mo pag tinititigan ka o kaya naman ay nanginginig ang kalamnan pag nahahawakan siya. Kay AHmed niya lang naramdaman ang kakaibang init at pagnanasa na ipinakilala sa kanya nito. Kay Munjal ay pulos respeto, kabaitan at pagmamahal pero ramdam niyang pangkapatid o kaibigan lang. Alam niyang masaya rin ito pag kasama siya pero hindi niya maintindihan kung bakit parang lagi itong may nakaharang na pader sa pagitan nila. Na may ibang laman ang puso’t isipan nito kahit masaya silang nagkukuwentuhan. Hindi siya sigurado subalit talagang nararamdaman niya na may taong nakapagitan sa kanila. Hindi lamang niya tiyak kung sino.
“Good morning.” bati niya nang mapagpasyahan na lumapit sa kinauupuan nito.
“Hi baba,” ganting wika ni Munjal at ibinaba ang binabasang dyaryo.
Humila siya ng silya na kalapit nito. Hindi siya kumibo at sa halip ay tiningnan lang ito.
“Would you like to have some coffee, huh baba?” si Munjal.
“No. Mamaya na lang siguro.”
“Are you sure? Masarap mag painit pag ganito kalamig sa umaga.” ani Munjal.
Tumayo upang kuhanin sa cabinet ang bote ng kape, asukal at creamer. Kumuha ito ng tasa at nagsalin ng mainit na tubig. He was preparing him a coffee.
This guy is so sweet. bulong ni Red sa sarili habang pianpanood niya ang paghalo nito sa kape na para sa kanya.
“Do you want your coffee extra sweet o medyo matapang?” nakangiting tanong nito sa kanya.
Gusto niyang sabihin na hindi siya interesado sa kape pero hindi niya itinuloy. May gusto na naman kasi siyang mapataunayan sa sarili. At pawang heto ang tamang pagkakataon para malaman ang kasagutan sa kanyang tanong.
“Kahit ano, basta ikaw ang may bigay.” sagot niya at ngumiti na matamis.
“Okay baba, ako na bahala.” natatawang pagyayabang pa nito at patuloy pa rin sa paghalo.
“I think this should be okay.” wika ni Munjal habang tumikim ng isang kutsarita.
“Do you love me?” ewan ni Red kung saan nanggaling ang tanong niyang iyon.
Napatigil tuloy si Munjal nang ‘di oras sa paghahalo ng mainit na kape. Maang na napatitig sa kanya ang mga matang nagtatanong.
“I’m sorry?” si Munjal na parang gustong kumpirmahin kung nagkamali siya ng dinig.
“Mahal mo ba ako?” walang gatol na ulit ni Red.
“O-of course, baba. I do. Bakit mo naman naitanong?”
“On what ground?” sa halip at tanong muli ni Red.
“Does it matter?” asked Munjal.
“Kiss me.” walang kagatol gatol na wika ni Red.
“What?”
“If you really love me then kiss me.”
“Why?” naguguluhan na talaga si Munjal sa kinikilos ni Red.
“Kissing me isn’t too much to ask, is it?”
“Y-yeah…”
“Then do it.”
“Something’s going on baba, I know it.”
Nalaglag ang balikat ni Red. Huli na naman siya sa pa…