Medyo malayo na ang tinatakbo ng sinasakyan nilang kotse ni Munjal ngunit nananatili pa rin itong walang imik. Hindi niya alam kung paano bubuksan ang konbersasyon dahil nakakaramdam siya ng pagkahiya. Hindi man siya nagsalita ay minabuti na lamang niya na pagmasdan ang gwapong binatang nagmamaneho. Taliwas sa hitsura ni Ahmed, ang isang ito’y mukhang mabait at maginoo. Guwapo rin ito at talagang aminin man niya o hindi ay nakakaramdam siya ng kilig. My knight in shining armour? At napakabango ng binatang ito. Nanunuot sa kanyang ilong ang bango nitong nagpapakiliti ng sensasyon niya. Ang linis linis tingnan. Parang ang sarap amuy amuyin at halikan. Napangiti siya.
“I know what you’re thinkin’. I’d stop it if I were you.” Mahinahon ngunit may tigas na sabi nito.
Napakislot siya sa narinig at nakaramdam ng pagkapahiya. Ibinaling niya ang paningin sa labas ng bintana. Suplado! Sa isip isip niya. Hindi naman siya nainis sa sinabi nito pero pinili na lang niyang manahimik at baka magbago pa ang isip nito at ibalik siya sa kamay ni Ahmed.
“Saan ka nakatira?” basag na tanong nito.
Lumingon siya at nagtama ang kanilang paningin. Muli, kinilig na naman siya dahil sa kakisigan nito. Naputol lang iyon nang tumikhim ito nang may kalakasan upang bumalik siya sa wisyo. Sianbi niya kung saan siya nakatira at hindi na muling nagsalita pa. Hinintay na lamang niyang makarating sa paroroonan niya. Subalit hiniling din niya na bumagal ang oras para makasama pa niya nang mas matagal pa sa loob ng kotse.
“Ah – eh, salamat sa paghatid mo sa’kin.” Aniya nang ihinto nito ang kotse sa tapat mismo ng bahay niya.
Nilingon lang siya nito at muli, blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Malamig pa sa yelo ang paraan ng pag tingin nito sa kanya kaya nakaramdam siya ng pagkailang. Minabuti na niyang magpaalam at bumaba na ng sasakyan.
“Bababa na ko… errrr, maraming salamat uli.” Pilit niyang ngiti at saka binirhan ng baba ng kotse.
Nanginginig ang tuhod niyang tinungo ang gate. Aktong binubuksan niya ito nang marinig niya ang pagbukas at pagasara uli ng pinto ng kotse kaya di niya napigilan ang paglingon.Si Munjal, bumaba ito ng sasakyan at sa tingin niya’y lalapit sa kanya. Kinakabahan ma’y minabuti niyang magtanong.
“May kailangan ka ba?”
Kumunot ng bahagya ang noo nito bago siya sinagot ng isa ring tanong.
“Is that your way of entertaining your guest? Won’t you even invite me in?” malamig na tanong.
“Oh, s-sorry. Come in.”
Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay tila sumikip ang salas para sa kanilang dalawa. He’s 5’8 but Munjal might be 6′ high at malaking lalaki rin like Ahmed. Ibinaba niya ang bag at hinarap ito.
“Would you like to have some coffee…. or juice—”
“Water.” Ang matipid na sagot nito.
Dali dali siyang pumunta sa kusina at kumuha sa ref ng malamig na tubig. Pagbalik niya sa sala ay nakita niya si Munjal na masusing sinisipat ang kabuuan ng kanyang bahay. Well, wala naman siya dapat ikahiya dahil kahit maliit ang tinutuluyan niya ay malinis naman at maayos. Nilingon siya nito nang maramdaman ang kanyang presensya. Napalunok siyang lumapit dito at iniabot ang malamig na tubig.
“Thanks.” Anito nang maubos ang isang basong tubig.
Nabaghan siya nang bumira ito ng talikod at akmang lalabas na ng bahay. Mabilis niyang inilapag ang baso at hinabol ito.
“Wait…” pigil niya sa braso nito.
“Aalis ka na agad? Baka gusto mo munang kumain – ipagluluto kita kung gusto mo.” Alok niya sa bumbay.
“Thank you but no. I still have to go back to school and talk to your professors.” Anito.
“H-ha?”
“I’ll give them your excuse for your absence sa unang araw ng klase.”
“Paano kung magalit sila at di pumayag?” nag aalalang tanong niya. Sa totoo lang ngayo lang sumaging muli sa kanya ang alalahaning iyon.
“Then they are fired.” Maigsing tugon mula rito.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Gaano ba kakapangyarihan ang mga ito at pati ang mga members ng school faculty ay kayang pasunurin.
“Magagawa mo ang gano’n?” baghang tanong niya.
“It’s nothing compared to what I am really capable of doing.” Diretsong nakatigin sa kanya ang mga mata habang nagsasalita.
Napalunok siya sa narinig. So this hunk is as dangerous as Ahmed. Sa isip isip niya na para namang nahulaan nito ang tumatakbo sa isipan niya.
“Don’t worry. Im lesser evil compared to Ahmed.”
Pagkatapos banggitin ang mga salitang iyon ay hindi na niya ito napigilan sa pagmartsa papalabas ng bahay niya. Hindi siya nakahuma. Nagtaka pa siya nang nasa pinto ito ay bigla na lamang huminto at inilinga ang ulo ngunit hindi tumitingin sa kanya. Pagkuwa’y nagsalita….
“Try not to get much of yourself involved with Ahmed. He’s crazy. At hindi sa lahat ng pagkakataon kaya kitang iiwas at ipagtanggol sa kanya.”
Matagal nang nakaalis si Munjal ngunit para pa rin siyang wala sa sarili. Ang nagpapagulo ng isip niya ay si Ahmed dahil napakalakas ng hatak ng atraksyon sa kanya at sa wari niya’y kayang kaya siyang pasunurin sa kung anuman ang gusto nito. At si Munjal, na feeling niya ay protective sa kanya…. Na handa siyang alagaan at protektahan kahit kanino. Maginoo, tahimik, mapanganib ngunit may puso. Unlike Ahmed, na nananakit ng kapwa kahit mababaw ang dahilan. Napangiti siya ng lihim. Pakiramdam niya’y isa siyang babae…. Isang prinsesa na may mahabang buhok na pinag aagawan ng dalawang prinsipe….
Samantala….
“Fuck!” mura ni Ahmed nang paglingon niya’y wala na ang kanyang bihag na si Red. Where did he go? Asik niya sa isip habang mabilis na kumikilos at nililinga linga ang paligid kung saan ito pwede pumunta. Dammit! Natakasan siya nito. Kumuyom ang isa niyang kamao sa labis na pagkagalit. Naisahan siya ng bagong saltang iyon. Parang siya pa ang nabitin sa ginawa nila kanina. Ang plano niya ay painitin ito at paaminin na isang bakla at pagkatapos ay iwan at pamukhain tanga. But to his madness, the tables are immediately turned. SIya ang pawang nagmukhang tanga dahil nag iisa na lamang siya doon. You’ii pay for this, you little fag!
Bulong niya sa sarili habang umiinit lalo ang bait na humahakbang paalis ng lugar na iyon. Ngunit dagling napakunot ang noo niya nang may maamoy. Napahinga siya nang mamalim nang mapagtanto kung ano ang amoy na bumabalot ngayon sa paligid. Ang pabango ni Munjal. Could it be? Naghihimagsik na bumaba ito ng gusali habang naglalaro sa isip na si Munjal ang may kagagawan ng medaling pagkawala ni Red. Binunot niya ang celphone sa bulsa.
“TJ. Kasama nyo ba si Munjal?” mainit na ulong tanong nito sa kausap.
“Nope. Hindi siya sumama sa’min ni Jaime. Hindi ko nga alam kung –”
Hindi na niya pinagkaabalahan pang pakinggan ang sumunod pang sinabi nito dahil pinutol na niya ang linya. He immediately dialed Munjal’s number. Out of coverage. Shit! Don’t dare mess up with me Munjal. You’ll be sorry! Banta nito sa isip isip niya.
SINO NGA BA SI RED?
Siya ay pangatlo sa apat na magkakapatid at nag iisang lal…