Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 4

Chapter 04

Wala siyang ibang nagawa kundi ang panoorin na lamang ang bawat paghakbang ng mga ito papalapit sa kinaroroonan niya. napayuko siya’t napapikit nang ilang hakbang na lamang ang layu nito sa kanya. Naghihintay na lamang siya ng kanyang hatol.

“Stay here.” sabi ni Ahmed sa dalawang alipores na nakasunod sa kanya.

At siya na lamang mag isa ang humakbang papalapit sa kinatatayuan ng nakayukong biktima. Hustong makalapit siya kay Red ay napuna niyang nag ibayo ang panginginig nito. At muli ay sumilay ang mala demonyong ngiti sa kanyang mga labi. Napakagat labi naman si Red nang maramdaman na nasa tabi na si Ahmed.

Ramdam niya ang init ng singaw ng katawan nito na nagbabadya ng panganib at ang amoy nitong natural na amoy lalaki na nanunuot sa kanyang ilong. Napatalon siya sa takot nang binayo nito nang ubod lakas ang kanyang locker. Nayupi ito lalo ngunit wala na siya pakialam doon. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang kanyang kaligtasan mula sa lalaking ito.Napilitan siyang magtaas ng paningin para lamang mapayuko uli dahil sa bagsik na nakikita niya sa mga mata nito.

“Why did you leave me?” asik na tanong nito.

Hindi siya nakahuma at walang makuhang isagot sa tanong nito. Nanatili siyang nakayuko at tahimik na hindi malaman ang gagawin ng mga sandaling iyon. Halos lumipad ang natitira niyang lakas ng umangil ito ng ubod lakas.

“Answer me! Dammit!”

“I–I– I had to….”

“Fuck!” mura nito at kinuwelyuhan siya.

Namuo ang mga luha niya sa mga mata sanhi ng humilisasyon at pagkahabag sa sarili. Mistula siyang sisiw na dinagit ng malaking agila. Walang kawala… walang kalaban laban… walang pag asa.

“Alam mo ba na wala ni isa man lang sa mga taong narito ang naglakas loob na gawin ang ginawa mo?” gigil na tanong nito habang inilalapit ang mukha sa kanya sa sobrang galit.

“W-wala naman p-patutunguhan yung p-pag uusap na iyon k-kaya umalis na’ko……” mangiyak ngiyak na sambit niya.

“What?!”

“That conversation was pointless, kaya –“

Hindi na niya naituloy ang pangungusap dahil isinalya siya nito sa locker. Napapikit siya sa sakit na tumama sa kanyang likod ngunit di siya nakapagreklamo. Nakatingkayad pa rin siya sa sahig dahil hawak pa rin ni Ahmed ang kwelyo niya.

“Now tell me, gusto mo bang gawin ko ngayon ang ginawa ko kahapon? Right in front of all of these idiots around huh?”

“H-hindi–“

“What if I insisted? I am capable of anything, you little fag!” asik nito sa kanya.

“Maawa ka please….”

“Maawa? Dapat ka talagang maawa sa sarili mo dahil hindi pa kita inuumpisahan.”

“Nakikiusap ako….”

“Bakit mo’ko ginago kahapon?”

“H-hindi n-naman ki–“

“Weren’t you aware that I was burning like hell at that moment then all of a sudden mawawala ka na lang na parang bula?”

“But I just had to save myself….”

“Really? Do you really think that I’m gonna buy that shit?”

“W-what do you mean?”

“You can’t save yourself from me… not even from anybody.Somebody saved your ass yesterday, I knew it.”

Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Ayaw niyang patotohanan ang sinabi nito dahil baka magkaroon lang ng di magandang samahan sina Ahmed at Munjal dahil lang sa kanya.

“Now tell me, who’s that superhero?”

“Wala.”

“Tell me, you fuckin’ faggot!” yamot na utos nito at inalog siya ng ilang ulit.

Malakas ang pagkakaalog nito sa kanya kaya napatama ng isang beses ang ulo niya sa bakal na kinasasandalan at nakaramdam siya ng pagkahilo. Ramdam na ramdam niya ang kawalan ng pag asang makawala sa galit nito.He could no longer hold back his tears at tuluyan na siyang napaluha.

“Just get on with your punisment…. wala rin naman akong magagawa.” ani Red sa pagitan ng kanyang tuluy tuloy na pagihkbi.

Napatitig si Ahmed sa kanya. Ayaw niyang aminin ngunit nakaramdam siya ng kakaibang damdamin sa nakikita niyang pag iyak ng kanyang biktima. Bakit ba ‘pag nakikita niya itong lumuluha ay may matinding sumisipa sa dibdib niya? Bago sa kanya ang damdaming ipinakikilala nito sa kanya at iyon ang hindi matanggap ng kanyang pride. He wanted to comfort him…. ikulong sa mga bisig at patahanin sa pag iyak. Ngunit alam niyang hindi niya gagawin dahil sa kanyang nagtutumaas na ego. Binitawan niya ang kwelyo nito at saka malalim na huminga.

“Go.” bulong nito.

“H-ha?” nagugulumihang tanong ni Red.

“Just go. Dammit!” matigas na buolng ni Ahmed.

Sa narinig sa bibig ni Ahmed ay di na nagdalawang isip si Red. Nanginginig man ang mga biyas ay pinilit niyang humakbang papalayo. Hindi niya alam kung saan siya dinadala ng mga paa ngunit ang mahalaga lang sa kanya sa mga sandalaing iyon ay makalayo at makaalpas sa mapang aliping presensya nito. Sa kabilang banda naman ay naiwang natitigilan sina Jaime at Tuck. That was the very first time na may hinayaan si Ahmed na makatakas mula rito. Usually, ang mga taong may atraso dito ay hindi nakakaligtas sa bangis ng galit nito ngunit ngayo’y nagtataka sila na walang anu ano’y bigla na lamang nitong pinakawalan ang bihag. There must be something about that guy — that newcomer.

Hindi pa man siya masyadong nakakalayo sa pinanggalingan (mga anim na silid ang pagitan) ay hindi namalayan ni Red na may makakasalubong siyang tao. May dala dala itong isang malaking balde ng tubig na nakapasan sa balikat at isang map (ito ang janitor ng eskuwelahan na iyon). Huli na para makaiwas. Palibhasa siya’y nakayuko at hilam pa rin ng luha ang mga mata, hindi na niya naiwasan ang mabangga dito.

Blag!

Kitang kita ng lahat ang buong nangyari. Napahiyaw ang iba at ang iba nama’y mabilis na umusyoso papalapit sa pinangyarihan. Blanko ang ekspresyon ni Ahmed gayundin nina Tuck at Jaime sa nasaksihan.

“Should we help him?” tanong ni Jaime.

“Masama ang naging bagsak niya.” dagdag ni Tuck.

“No.” mariing tanggi ni Ahmed.

“He deserved it for –” naputol ang sunod na sasabihin niya nang mapuna niya ang taong papalapit ngayon sa kinaroroonan ni Red. Kumunot ang noo niya at nagtagis ang bagang. Nabaling din ang tingin ng dalawa pang kasama nito sa direksyon ng tinitinganan niya.

“Munjal?” takang tanong ni Tuck.

Samantala’y hindi malaman ni Red kung paano tatayo dahil sa sobrang sakit ng katawan. Bumagsak siya sa sahig at bumuhos pa sa kanya ang laman na tubig ng balde sa buong katawan niya. Mabuti na lamang at malinis na tubig iyon. Sa naramdamang sakit ng katawan, pagkapahiya at habag sa sarili ay naging sunud sunod ang kanyang paghikbi. Umikot ang mata niya sa paligid. Wala ni isa ang gustong tumulong at umalalay bagkus puno ng pangungutya ang sumasalamin sa mga mata ng mga ito. Ang nag aalalang mukha ng janitor ang huli niyang nakita.

“Pasensiya na iho, hindi na ko nakaiwas.” anang janitor habang inaalalayan siya.

“Ako na ho, Mang Gustin.” ang maigsing pangungusap na narinig niya.

Pagbaling niya ng tingin ay nakita niya si Munjal, blanko ang ekspresyon nito habang lumalapit sa kanya. Hindi siya nakahuma nang walang anu ano’y kargahin siya nitong muli sa ikalawang pagkakataon. Mistula siyang bata na kinalong nito at inilayo mula sa mga usiserong tao na naroon.

“Ayoko na hong mangyari ang ganito Mang Gustin.” mahina ngunit mariing banta ni Munjal sa pobreng janitor.

“Pasensya na po Sir –“

“Wala siyang kasalanan.” pagatatanggol ni Red sa matanda.

“Tumahimik ka.” kunot ang noong asik nito sa kanya.

Natameme siya sa narinig kaya minabuti na lamang niyang wag magsalita at isandal ang ulo sa dibdib nito. Dinig na dinig niya ang malakas na pagtibok niyon. Ipipkit na sana niya ang kanyang mga mata nang mapansin ang daang tinatahak nila. Makakasalubong nila ang grupo nina Ahmed. Para na naman slow motion ang sumunod na nangyari. Kitang kita niya ang pagkamangha sa mukha nina Tuck at Jaime at hindi rin nakaligtas sa mata niya ang mabalasik na anyo ni Ahmed. Alam niyang hindi nito gusto ang mga nangyayari. Tiningnan niya ang mukha ni Munjal. Blanko pa rin at parang walang anuman ang nangyayari. Hustong magkalapit sina Ahmed at Munjal nang biglang pigilan ng binatang Arabo ang braso ni Munjal.

“What the hell you think you’re doing?” asik na tanong nito.

Matalim ang tingin ni Ahmed kung kaya’t napahigpit ang kapit ni Red sa harapan ng polo ni Munjal. Bumaling ang tingin sa kanya ni Munjal at parang nagsabing Don’t worry, I’m here. Pagkatapos ay blanko pa rin ang ekspresyon na hinarap ang galit na si Ahmed.

“I’m gonna take him home.” maigsing sagot nito.

“Playing the role of a Superhero, huh?”

“Do I look like one?” mapang inis ang ngiting gumuhit sa lab…