Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 7

Magmula ng huling engkwentro nila ni Ahmed sa kanyang tinutuluyang bahay ay hindi na muling nagkaroon ng pagkakataon na magkrus ang landas nila. Eksaktong labin limang araw. Bilang na bilang niya. Kaya naging normal na kahit paano ang buhay eskwela niya. Kahit pa wala pa rin ang gustong makipag kaibigan sa kanya, ni walang gustong kaeskwelang gustong makipag usap. Malungkot man ay tinitiis niya, kinukumbinsi na lamang niya ang sarili na kaya marahil ayaw siyang pakitunghan ng mga ito ay dahil ayaw madamay kung sakaling balikan siyang muli ni Ahmed.

Maging siya ay nagtataka dahil ilang araw na siyang hindi ginagambala nito. Malimit niya itong nakikita sa pasilyo ng eskwelahan nila ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay parang ito mismo ang umiiwas kapag nagkakataon na maglalapit na sila ng landas. Parang hindi siya nito nakikita o hindi siya nag eexist pag nagkakasalubong sila. Subalit sa sulok ng mga mata niya ay alam niyang nagmamasid ito sa kanya kapag nasa malayo. Madalas niya itong mahuling nakatingin sa kanya at pag nagtatama ang kanilang paningin ay siya rin ang unang nagbababa ng tingin. Mabuti na lamang at nandiyan si Munjal. Simula kasi ng makilala niya ito ay naging madalas ang kanilang pagkikita. Nagpupunta rin ito sa bahay niya na kala mo eh manliligaw. May dala itong pagkain na hindi niya kilala dahil pawang mga pang mayaman. Ito ang nagiging hingahan niya ng sama ng loob kapag galing siya sa school at magsusumbong dahil walang kumakausap sa kanya.

Minsan nga eh, nang inabutan siya nitong tahimik na umiiyak ay niyaya siya nitong mamasyal. Dinala siya nito sa isang park. Naglatag sila ng sapin at masayang kumain. Kung sa malayo nga ay aakalain mong sila na pero hindi. HIndi niya alam kung bakit pero dama niyang pakikipagkaibigan lang talaga ang habol nito sa kanya. Disappointed man eh masayang masaya na rin siya dahil ang isang kagaya nito na isa sa mga hari ng kanilang lugar ay malapit ang loob sa kanya. Madalang itong ngumiti at laging seryoso sa mga bagay na pinag uusapan nila kaya minsan ay napaphiya siya pag bumabana siya ng mga corny jokes at hindi man lang ito tumatawa o kahit pa tipid na ngiti ay wala. Bagkus ay titingnan lamang siya nito ng tuwid sa mata at iiling iling pagkatapos. Okay lang ang ganoong set up sa kanya dahil overwhelmed naman siya sa ibayong concern na ipinakikita nito. Para siyang paslit na dapat ipamper at protektahan.

Gaya ngayon, hinihintay niya si Munjal dahil may promise ito na pagkatapos ng klase niya ay susunduin siya nito at kakain daw sila sa labas. Kaya nga naman nagbaon siya ng pamalit. Pormal daw ang dalhin niya ayon kay Munjal dahil sa isang hotel daw sila kakain. Kinikilig siya dahil pakiramdam niya’y isa itong date. 5:30 pm. Trenta minutos bago ang takdang oras ng pagsundo nito ay napagdesisyunan niyang magpunta sa may malapit sa quadrangle basketball covered court ng school. Naupo siya sa isang bench na malapit. May mga naglalaro ng basketball ngunit di niya pansin dahil wala siyang interes sa sports na yun. Ngunit di niya napigilan ang magtaka dahil marami mi ang nanonood. Masigabong palakpakan ang narinig niya kaya napalingon siya kinaroroonan ng pinalakpakan ng mga ito. Kaipala’y isa sa mga naglalaro dito ay si Ahmed.

At kasama din ang dalawa pang miyembro ng “The Fierce 4”. Awtomatiko siyang tumayo at tila nagkaroon ng interes sa panonood. Nakisiksik siya sa mga nakamasid. Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang mahinang buntung hininga nang mapagmasdan ang kakisigan ni Ahmed sa suot nitong basketball shorts at jersey. Namumukud tangi ang physique nito sa karamihan. No wonder na marami ng nabaliw sa arabong ito. Foul! ang narinig niyang sigaw ng referee. Si Ahmed ay nabigyan ng chance na makapag free throw shots ng dalawang beses. Umaamba pa lang ng shoot si Ahmed ay hindi niya napigilan ang sarili at pumalakpak. Lumipad lahat ang tingin sa kanya ng mga taong nakapaligid. Gumapang ang pamumula ng mukha sanhi ng tinamong pagkapahiya. Natameme siya’t napatingin sa kinaroroonan ni Ahmed.

Hawak nito ang bola habang nakatingin din sa kanya kaya lalo siyang nakadama ng hiya sa ginawa. Subalit napalis ang kanyang pagkapahiya nang tumagal ng ilang segundo ang titigan nila ni Ahmed. Ayaw niyang isipin na may kislap sa mga mata nito dahil imposible. Kimi na lamang siyang ngumiti dito at sa buong panggigilalas niya’y sinuklian nito iyon ng isang matamis na ngiti at pilyong kindat! Muntik na siyang matumba sa naging gesture nito at dali daling inilinga ang tingin sa paligid. Nagaalala siyang baka may nakakita sa ginawa nito. Nakahinga siya ng maluwag nang wala naman mapansin na kakaibang reaksyon sa mga ito. Napalingon siya muli sa court nang magpalakpakan at hiyawan ang mga nanonood. Shoot ang unang tira.

Nakisabay din siya sa palakpak habang lihim na kinikilig. Nagdidribol ito ng bola at akmang mag su shoot uli nang muli nitong ibaling ang nakangiting mata sa kanya. Kakaway sana siya bilang pagsuporta nang may naramdaman siyang mainit na palad sa balikat niya. Nilingon niya ito at natunghayan niya ang maamong mukha ni Munjal. Nakangiti ito habang nakamasid sa kanya. Matapos ay inilapit ang bibig sa tainga niya at bumulong. Nangaligkig siya sa init ng hiningang dumapyo sa manipis na balat ng tainga niya. Napatingin ang ibang mga nanonood sa kanila at ang iba’y nagbulungan.

“Get yourself ready, baba. I’ll be back after 10 minutes.” bulong ni Munjal sa kanya at nagpaalam sandali.

Tango lang ang naging sagot niya habang nakangiti. Muli niyang ibinalik ang konsentrasyon sa panonood ng laro but to his dismay, ‘di na niya nakita kung na shoot ba ni Ahmed ang huling tira o hindi. Nakita na lamang niya na nakikipaghabulan ito sa mga katunggali. Ten minutes! Naalala niya ang sinabi ni Munjal kaya dali dali siyang umalis sa siksikang manonood. Nagtungo sya sa C.R. at doon muling inayos ang sarili. Nang masipat ng mabuti ang sarling repleksyon sa salamin ay nagwisik siya sa leeg ng kaunting pabango. Lumabas siya nang matapos matiyak na maayos na ang sarili. Nakakailang hakbang pa lamang sya nang may magaspang na kamay ang humila sa braso niya. Sa kabiglaanan ay nabunggo siya sa malapad na dibdib nito. Napaawang ang mga labi niya nang mapagsino ito.

“Ahmed…”

Hindi ito kumibo bagkus ay dinala siya sa may madilim na pasilyo kung saan walang makakakita sa kanila.

“T-tapos na ba ang laro ninyo?” naririnig pa niya ang mabilis na tibok ng didbdib niya sa kaba.

“To hell with that game!” asik nito.

Walang babala ay hinapit siya nito payakap at buong pagkasabik na siniil ng mainit na halik ang kanyang nasorpresang labi. Nagulat man ay hindi na siya pumalag dahil aminin man niya o hindi ay talagang na missed niya ang mainit na atensyon nito sa kanya. Nagpaubaya siya’t tinanggap ang halik nito. Mapag angkin ang halik nito kahit walang dahas at halos muntik na siyang mawalan ng hininga kundi ito nagtaas ng ulo. Abut abot ang naging pag hingal niya.

“Papatayin mo ba’ko?” tanong niya habang hinihingal.

Tumalikod siya at tangkang humakbang palayo sa mapanuksong binata ngunit maagap siya nitong naipgilan. Yumapos ang dalawang matipunong braso nito sa kanyang baywang at hinapit siyang muli. Lumapat ang kanyang likod sa pawisang dibdib ni Ahmed. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.

“I missed you, baby…” anito at pinaliguan ng mumnting halik ang leeg at batok niya.

“A-ahmed…a-amoy pawis ka…” sa kawalan ng masasabi ay nasambit niya.

“Ayaw mo ba sa amoy pawis hmmm baby?” nanunuyong tanong nito.

“Alam mo bang iyang amoy ko na iyan ang kinababaliwan sa kin ng mga babae?”

Humigpit pa ang yapos nito sa baywang niya na para bang ayaw siyang pakawalan pa. Napangiti siya sa endearment na ginamit nito pantawag sa kanya. Baby. Hindi niya napigilan ang pagngiti dahil pakiramdam niya’y idinuduyan siya sa alapaap ng mga sandaling iyon. Pumihit siya paharap kahit yakap pa rin siya nito. Medyo nabigla pa siya nang bigyan siya nito ng magaan na halik sa labi.

“Bakit mo iniwan ang laro niyo?”

“Wala namang kweta ‘yon. Mas importante ka sa’kin.”

“‘Yan ba talaga ba ang dahilan mo?”

“Nawalan na ko ng gana.”

“Bakit?”

“I saw Munjal whisphering something to you. At sa suot mong ‘yan, alam kong may pupuntahan na naman kayo.” mabigat na pahayag ni Ahmed.

“May pupuntahan daw kami na–“

“Then cancel it. Sa akin ka sasama, aalis tayo.” seryoso ang pagkakasabi ng mga katagang iyon.

“Pero…”

“I won’t accept any but’s right now. Matagal na akong nagparaya sa pagsama mo sa kanya halus araw araw.”

Natigilan siya sa sinabi nito. Sinusubaybayan ba nito ang bawat kilos nila ni Munjal?