I Can’t Get Enough.

“Aria!”

Padabog na bumaba si Aria dahil sa ilang beses na pagtawag sa kanya ng nanay n’ya.Umagang-umaga at heto s’ya nakasibangot.

“Aria, anak! Eto si Uncle David mo,” masayang bati sa kanya ng ina, ‘di alintana ang sibangot na nasa mukha ng anak. “Dito na s’ya titira sa’tin!”

Lumapit naman si David sa dalaga at nilahad ang kamay. Ngunit ngumiti lang nang pilit si Aria.

“Hello po, welcome…” bulong ng dalaga at tumingin sa ina. “Ma, akyat na po ako. May klase ako.”

Hindi na nag-hintay ng sagot si Aria at dali-daling umakyat pabalik sa kwarto n’ya.

Tama, that is her Mom’s new boyfriend. Pang-ilan na ba n’ya ‘yon? Parang pang-apat na rin base sa pagkakatanda ni Aria.

Aria is already 19 years old, kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong BS Biology, plano n’ya kase pumasok sa Med school.

Silang dalawa lang ng nanay n’ya dahil anak s’ya mula sa pagkadalaga. Iniwan sila ng tatay n’ya na hindi man lang alam na nabuo s’ya sa sinapupunan ng ina. Maski ang ina, walang idea kung sino ang ama n’ya dahil daw sa sobrang kalasingan nung gabing ‘yon. Saludo naman si Aria sa ina, dahil inaraos n’ya si Aria simula bata hanggang ngayong nasa college na s’ya.

‘Yon nga lang, ‘di rin maalis sa ina n’ya na malungkot at alam n’ya na ‘di n’ya kayang punan ang lungkot at kakulangan na hinahanap ng ina kaya hinayaan n’ya na lang din ito.

Padabog na umupo si Aria sa kama n’ya. Wala naman talaga s’yang pasok ngayon, sinabi n’ya lang ‘yon para makaaalis sa nanay at sa bagong kinakasama nito.

Walang problema kay Aria ang mga naging boyfriends ng ina, basta ‘wag lang s’yang pakikialaman, goods naman s’ya.

Ngunit mayroong kakaiba sa Uncle David na ‘yon na hindi n’ya mawari. Pagkakita n’ya pa lang sa lalaki ay may kakaiba na s’yang naramdaman.

Attraction?

Well, gwapo naman ang Uncle David n’ya. Matipuno ang katawan na halatang alaga rin. May balbas at bigote pero umaayon sa itsura n’ya. Medyo mahaba rin ang buhok at nakatali. Matangkad din, medyo moreno. Mukhang around late 40s na rin.

Unti-unting napapangiti si Aria nang hindi n’ya namamalayan. Parang umiinit din kahit may aircon naman sa kwarto n’ya.

Patuloy lang sa pag-visualize si Aria nang makarinig na naman s’ya ng katok sa pinto. Napabuntong hininga s’ya at tamad na pumunta sa pinto.

“Aria…”

Tanginang boses ‘yan. Bakit ang lalim?

Lumunok muna si Aria, pinasadahan ang buhok at ang damit. “Po?”

“Si Uncle David mo ‘to. Pwede ba akong pumasok?”

Dahan-dahang binuksan ni Aria ang pinto at dumungaw. “Ano pong meron?”

“Gusto mo bang sumama sa mama mo?”

“Saan po?”

“May meeting daw sila sa Pampanga…” panimula ni David. “Kung gusto mong sumama, ayos lang.”

Gusto man sanang sumama ni Aria ay hindi maaari dahil may klase s’ya at papalapit na rin ang midterms nila.

“Matagal po ba ‘yon?”

“Three days ata?”

Three days? Tatlong araw n’ya masosolo ang bahay.

“May pasok po kase ako, sasabihin ko na lang kay Mommy mamaya.”

Tumango naman si David at tumitig pa kay Aria bago s’ya bumaba.

Three days…

“Aria, aalis muna kami ng Uncle David mo bukas…” panimula ng ina n’ya habang kumakain sila.

Pilit n’yang itinatago ang saya dahil maiiwan s’yang mag-isa sa bahay nila.

“Kaya mo naman, ‘di ba?”

Tumango si Aria. “Opo, My. Ilang beses na akong naiiwan dito e.”

“Biglaan kase ‘yung meeting at kailangan na mainspeksyon agad,” naiiling na bulong ng ina.

‘Di naman makatingin ng diretso si Aria kay David dahil ramdam n’ya ang tingin ng lalaki sa kanya.

“Dave, hatid mo na lang ako bukas then bantayan mo si Aria. What do you think?”

Halos mabingi si Aria sa natinig.

“Ma, kaya ko naman!”

“Uso kase ang akyat-bahay ngayon. Alam pa naman sa barangay na tayong dalawa lang ang andito sa bahay…”

Unti-unting bumibigat ang balikat ni Aria dahil alam na n’ya kung saan papunta ‘tong usapan. Pero kailangan n’yang makumbinsi ang ina na kaya n’ya para masolo n’ya ang bahay.

And she was successful. Dahil after umalis sa hapag ng ina, dumiretso ito sa kwarto para ayusin na ang gamit na kakailanganin nilang mag-asawa.

Naiwan sa mesa si Aria habang nakatingin naman sa kanya si David. Tila s’yang naliliyo sa lagkit ng titig sa kanya ng amain, kaya binilisan n’ya ang pagkain.

Nang matapos na s’ya, agad s’yang tumakbo sa kwarto n’ya. Pero bago pa man n’ya marating ang kwarto, sinalubong s’ya ng ina.

“Kakakain mo lang, tumakbo ka na,” sabi ng ina. “Nga pala anak, maiiwan si David ha.”

Nagulantang si Aria sa narinig. “Bakit po?”

“Para may kasama ka… don’t worry, may pasok naman s’ya sa work e.”

Huminga nang malalim ang dalaga. Paano na ang mga balak n’yang gawin dahil lang mag-isa s’ya? Tumingin s’ya sa ina.

“Sige po. Mag-iingat ka ro’n, My!”

Yinakap naman s’ya ng ina, “Basta text mo ako agad pag may problema ha?”

Isang tango at tumuloy na sa kwarto si Aria. Agad na s’yang nahiga sa kama, pilit na inaalis sa isip na sayang, ngunit kung lagi namang sa work ang step-dad n’ya, maiiwan pa rin naman s’yang mag-isa.

Pupwede na kahit papano.

Nakatulugan n’ya ‘tong lahat at nagising na lang dahil sa tapik na naramdaman n’ya sa kanyang pisngi. Umaga na base sa liwanag na naaaninag n’ya sa kanyang bintana at pagdilat ng mga mata, sinalubong s’ya ng isang ngiti galing sa amain.

Ang gwapo naman…

“Gising na,” bati ni David sa kanya. “Ihahatid ko na ang mommy mo.”

Bumalik sa huwisyo n’ya si Aria at napagtantong nasa loob ng kwarto n’ya ang amain. Tinaklob n’ya sa katawan ang comforter dahil nakasando at cycling lang s’ya.

Namumula ang mga pisnging tumingin s’ya sa lalaki. “Opo, susunod na ako.”

Nagulat si Aria ng maramdaman ang haplos ni David sa ulo n’ya, pababa sa pisngi na parang inaalo s’ya. ‘Di n’ya napigilan na mapapikit dahil sa kung gaano ka-comfortable ang haplos na yumayakap sa sistema n’ya.

“Sunod ka, ha?” Malambing na balik ni David.

Tumingin s’ya sa mukha ng amain at nakita na naman n’ya ang pamilyar na emotion na nasa mga mata ng amain.

Desire.

Wala sa sariling tumango si Aria bago hinawakan pabalik ang kamay ni D…