“Sagutin mo please…” aniya habang pinipilit i-dial ang numero ng kung sino.
Napasulyap si Carly sa mga gamit na kanyang kalapit. Nakahilera ang ilang maleta doon, pati na rin ang iba pa nilang gamit na nakaya niyang ilabas sa bahay.
“Oh ano?! Kung di kayo makakabayad ng renta eh umalis na kayo!” malakas na sigaw sa kanya ng isang matandang babae. Nakapameywang ito sa harapan ni Carly, may subong sigarilyo at maasim ang mukha sa kaharap.
“Sandali lang naman ho Inang Maureen, tinatawagan ko na po si papa, di pa po sumasagot, di niyo naman kelangan bulwayan ako at itapon sa labas ang gamit namin” malumanay ngunit may diing sambit ng dalaga dito.
Napairap ang matandang dalaga sa inis. Bumuga muna ito ng usok bago sagutin si Carly. “Nakow, dapat lang sa inyo yan, delayed ng tatlong linggo ang renta nyo, gusto nyo maging mabait pa ako?!”
Hinayaan lang ni Carly na magbunganga ang babaeng kaharap. Patuloy pa rin siya sa pag-contact sa ama. Umalis kasi ito papunta sa trabaho habang naiwan siya sa bahay. Hindi naman niya inakala na di pa pala ito nakakabayad sa renta kaya’t siya ngayon ang kinakastigo ng masungit nilang landlady.
Hayyyss, pag minamalas nga naman
Nang hindi pa rin sumagot ang ama ay bigong pinatay ni Carly ang tawag. Halos maiyak siya sa kaba at hiya habang itinatayo ang natumbang mga maleta.
“Magbabayad naman po siguro si Papa mamaya, kung pwedeng maki-antay na lang po” pagkukumbinsi ni Carly sa landlady. Wala na siyang maisip na idahilan dito.
Sana kagatin ang palusot ko ng matandang ito…please lang…
“Ay hinde! Nakakasawa na maningil sa inyo, sa lahat ng tenants ko, kayo lagi ang delay sa bayad. Umalis na lang kayo at baka ipatawag ko pa ang barangay dito!” nakabusangot na sambit ng babae. Gigil nitong nilampasan ang nakayukong dalaga at bumalik sa pwesto sa ibaba kung saan naghihintay ang mga kalaro nito sa tong-its.
Wala nang nagawa si Carly kundi ang tumayo at tumawag ng tutulong na magbuhat ng kanilang mga gamit. Hindi niya kayang buhatin ang lahat ng iyon lalo na’t sa payat ng kanyang katawan ay baka tumilapon lang siya sa bigat ng dalahin.
Aantayin ko na lang umuwi si papa, kaso ang tanong…saan na ako mag-aantay sa kanya?
Mabuti na lamang at nagmagandang-loob ang kapitbahay nila at tinulungan siyang ibaba ang mangilang-ngilan nilang gamit. Hindi na nakuha ni Carly ang iba pang gamit sa loob ng dating tinutuluyan dahil ikinandado na ito ni Maureen.
Napakagaspang talaga ng ugali nun.
“Oh pano, dito ka na lang ba?” nag-aalalang tanong ng kapitbahay ni Carly sa kanya.
Malungkot siyang tumango at pinasalamatan ito. Nagbilin naman ang babae na wag siyang mahihiyang tumawag dito kapag kailangan niya ng tulong. Ngayon ay mag-isa na lang na nakaupo si Carly sa waiting shed.
Nag-iwan siya ng mensahe sa ama tungkol sa sitwasyon nila ngayon, walang matutuluyan at kasalukuyan siyang nag-hihintay dito.
Makalipas ang ilang minuto ay malakas na tumunog ang cellphone ng dalaga. Nang matingnan kung sino ang tumatawag ay dali-daling sinagot ito ni Carly.
“Hello Pa!” masayang sambit niya na sa wakas ay nakausap na rin ang ama.
Sinalaysay ni Carly ang nangyari kanina, mula sa pagpapalayas sa kanilang inuupahan na apartment at kalagayan niya ngayon kung saan nakatambay siya sa waiting shed kasama ang ilang maleta at gamit sa bahay.
Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga nang sinabi ng ama na magpapahanap ito ng bagong mauupahan sa kasamahan nito sa trabaho. Hindi kasi ito makakaalis agad sa duty bilang security guard sa isang bangko kaya’t pinakiusapan muna nito ang kaibigan na kapwa sekyu din.
Ngayon ay hinihintay na lang ng dalaga ang kanyang ama na dumating upang sunduin siya. Nakatalungko si Carly habang matiyagang nag-hihintay. Hindi niya maiwasan ang mamasa ang mata dahil naiisip niya ang sitwasyon nila ng ama.
Hindi lang kasi ito ang isang beses na mapalayas sila sa bahay. Magmula ng maghiwalay ang kanilang magulang limang taon na ang nakalipas ay nagkanda-letche-letche na ang kanilang buhay.
Nag-asawang muli ang ina ni Carly at dahil hindi niya makasundo ang mga unang anak ng bagong asawa nito ay nagpasya siyang sumama na lang sa ama. Naiwan ang dalawang kuya niya sa kanilang Ina habang siya na bunso ay mas piniling manatili sa poder ng ama.
Paminsan-minsan ay naiisip niya kung ano ang magiging buhay niya kung hindi siya sumama sa kanyang ama. May sarili ngang bahay, puro pagbubunganga naman ang aabutin ko.
Ayaw niya sa bagong asawa ng Ina, dumagdag pa ang mga anak nito na hindi naman niya tunay na kadugo pero kung maka-asta ay kala mo kung sino. Hindi niya alam pero hindi naman ganoon ang mga ito pagdating sa dalawang nakatatandang kapatid niya.
Maayos ang pakikitungo nito sa dalawa samantalang siya ay tila naiiba. Mas ok na rin na kasama ko si papa…
Ngunit hindi lang dahil sa rason na iyon kung bakit nagtitiis siya na makasama ang sariling ama. May mas malalim na dahilan siya kung bakit kahit hirap na sa buhay ay nagagawa pa rin niyang pagtiyagaan at pagsilbihan ito.
Pilit man niyang itanggi sa sarili ang kakaibang nararamdaman dito noong buo pa ang kanilang pamilya pero hindi niya magawa.
Kaya’t hindi naging mahirap sa kanya na tanggapin ang hiwalayan ng magulang. Tila nagbunyi pa nga ang kanyang puso dahil pinapili siya kung saan poder sasama.
Pinili niya ang ama.
Dahil mahal niya ito. Mali mang sabihin pero hindi simpleng pagmamahal sa pagitan ng ama at anak ang kanyang nararamdaman.
Mahal niya ito ng mas higit pa doon.
***
“Carly! Anak!” mula sa pagkakayuko ay iniangat ni Carly ang tingin nang marinig ang tumawag sa kanya.
Nanlaki ang kanyang ngiti nang makita ang ama na bumababa sa isang owner-type jeep. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa at mahigpit na niyakap ang kakarating lang na lalaki.
Isinubsob ni Carly ang mukha sa dibdib ng ama. Hindi niya mapigilan na singhutin ang amoy nito na kumapit sa suot nitong polo shirt.
Ang bango ni papa…
Nakangiti namang tinapik ni Manuel ang anak. Napabuntong-hininga ang lalaki nang makita ang gamit nila na nakahilera sa sementong upuan ng waiting shed.
Pang-ilang beses na to…
“Tara na anak, may nahanap na si Pareng Gary na matutuluyan. Buti na lang at naka bale kami kanina” anyaya ni Manuel sa anak.
Bumaba na rin ang driver ng owner na si Gary at tinulungan ang mag-ama na hakutin at ilagay sa sasakyan ang gamit ng mga ito. Ilang minuto lang ay natapos na nila ang ginagawa at pupuntahan na nila ngayon ang bago nilang matitirhan.
“Malapit lang dito yung pinagta-trabahunan ko, mas ok na rin yun para di na ako mamasahe” sambit ni Manuel sa anak.
Andito sila ngayon sa tapat ng isang hilera ng bungalow na apartment. Sinalubong sila ng isang may edad na lalaki at sinamahan sila papasok sa loob ng gate. Inihatid sila nito sa nirentahang kwarto.
“One five kada buwan, tig-isang daan naman sa tubig at kuryente, mura na kasi may tangke ng tubig at solar panel naman ang may-ari” paliwanag ng matanda. “May downpayment naman, nasabi ko na kanina di ba?”
“Ayos na ho yun, kukunin na namin” at inabutan na ni Manuel ng pera ang matanda, kasama na ang paunang hulog sa susunod na buwan.
“Sige, iiwan ko na kayo para makapag-ayos na kayo ng gamit” sambit ng matanda bago lumabas sa kwarto.
Inilibot ni Carly ang mata sa kabuuan ng bago nilang tirahan. Maliit lang ito, may sariling kusina, banyo at isang kwarto. Hindi man ito katulad ng dati nilang apartment na may solo siyang kwarto.
Mas ayos dito, para magkasiping kami ni papa matulog
Hindi na nila ipinagpabukas ang pag-aayos ng mga gamit. Dahil kakaunti lang naman ang nadala nila ay mabilis din silang natapos.
“Bibili na lang ako ng hapunan anak, bukas na lang tayo magluto, anong gusto mo?” tanong ni Manuel sa dalaga.
Napasulyap si Carly sa ama. Napako ang tingin niya dito dahil sa nakakaakit nitong ayos. Nakasuot lamang ng sando ang ama at hindi pa rin nito tinatanggal ang pang-ibabang uniporme.
Napamura sa isipan ang dalaga dahil sa kaakit-akit na imahe ng lalaki.
Kung tutuusin ay simple lang naman ang itsura ng amang si Manuel. May pagka-putla ang balat nito at hindi rin kalakihan ang katawan. Siksik lang ang laman nito sa tamang pwesto sa hita at braso kaya’t nakakaakit pa ring tingnan.
“Wala po akong gana kumain Pa, kayo na lang po muna” sambit ni Carly matapos pagsawain ang mata sa ayos ng ama.
Nilapitan naman siya ng ama nang mapansin ang kanyang pananamlay. “Pasensya ka na anak ha, hindi ko naman akalain na mapapaalis agad tayo ni Inang Maureen, pinaliwanag ko naman na na delay yung sahod namin”
“Ok lang naman papa, mas ok na rin to, di ko na makikita ang maasim niyang pagmumukha” bumunghalit ng tawa si Carly matapos ang huling sinabi. Napatawa na rin si Roldan sa kapilyuhan ng bunsong anak.
“Ikaw talaga…” mahinang kinurot ni Manuel ang pisngi nito. “Ayos lang ba talaga sa’yo tong nilipatan natin? Wala kang sariling kwarto…”
Gustong isagot ni Carly ang tunay na isinisigaw ng kanyang isip, na mas pabor pa sa kanya ang iisang kwarto para mas lalo syang mapalapit sa ama, ngunit pinigilan niya ang sarili dahil sa pangambang malaman ni Manuel ang lihim niyang pagtingin dito.
“Walang problema sa’kin yun papa. Ang mahalaga komportable tayo parehas dito” pagpapaintindi ng dalaga sa lalaki.
Tumayo na si Manuel mula sa pagkakaupo, tinungo nito ang pinto at nilingon muna ang anak bago lumabas. “Bibili na ako, sigurado kang wala ka talagang gusto?”
Umiling si Carly. Nakatingin pa rin sa ama hanggang sa makalabas na ito ng kwarto.
Ikaw ang gusto ko papa…ikaw lang…
***
Pabiling-biling si Carly sa kama. Unang gabi niya sa bagong apartment na nirerentahan. Unang gabi rin niyang makalapit ang ama sa iisang higaan.
Tulog na ang kanyang ama sa kabilang parte ng higaan habang siya ay gising na gising pa rin ang diwa. Puno ng kaba ang dibdib ng dalaga, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagkasabik. Inaasam niya na ito na ang unang hakbang at pagkakataon para mag-iba ang estado nilang mag-ama.
Dahan-dahang inilapit ni Carly ang katawan palapit sa pwesto ng ama. Dahil maliit lang naman ang kama ay matagumpay niyang nailapit ang sarili.
Madilim sa loob ngunit may ilaw naman mula sa labas kaya’t napagmasdan ni Carly ang itsura ng ama mula sa kakarampot na liwanag mula sa siwang ng kurtina.
Malambing na iginala ni Carly ang tingin sa kabuuan ng mukha ng ama. Mula sa nakapikit nitong mata hanggang sa labi nitong naglalabas ng munting hilik.
Ang gwapo mo sa paningin ko papa…
Gustong-gusto ni Carly na ilapat ang labi sa natutulog na ama. Gusto niyang damhin ang labi ng taong bumuhay sa kanya sa mundo.
Kung lapastangan lang ako, baka hindi lang halik ang gawin ko sa iyo papa
Mahal na mahal niya ang lalaking ito. Akala lang niya noon ay sadyang malapit siya sa ama, hindi tulad ng dalawang kapatid. Masaya siya kapag kasama ito at matatawag na Papa’s girl.
Ang atensyon na ibinibigay sa kanya ng ama ay labis na nagbibigay saya at enerhiya sa kanya kaya’t hindi niya namalayan na nahuhulog na pala siya dito.
Matagal na niyang mahal ang ama. Hindi pa man naghihiwalay ito ang Ina niya ay mahal na niya ang lalaki. Ngunit hindi siya gumawa ng hakbang para mabaling sa kanya ang atensyon ni Manuel.
Blessing in disguise nga ang nangyaring hiwalayan dahil mas napalapit siya sa ama, bonus pa na sila lang ang magkasama sa bahay.
Hinintay talaga ni Carly na tumuntong siya sa legal na edad bago bigyan ng pinal na desisyon ang sarili na ialok ang puso at katawan sa ama. Ngayong disi-nuwebe anyos na ang dalaga, at pitong taon na niyang lihim na minamahal ang ama ay desidido na siyang palitan ang Ina sa buhay nito.
Ilang minuto pa niyang tinitigan ang ama at kung hindi pa ito babaling ng pwesto ay hindi matitinag si Carly sa pagtingin dito.
Bumalik sa pagkakahiga ng diretso si Carly habang ang ama naman niya ay bumaling patagilid sa kanya. Dahil sa posisyon ng ama ay nakaisip ng pilyong ideya ang dalaga. Susubukan ko lang…
Ginaya ni Carly ang patagilid na higa ni Manuel. Tumalikod siya ng higa dito at mas lalong inilapit ang katawan sa ama. Kung titingnan ang ayos nilang dalawa ay tila nakayakap si Manuel sa anak dahil sa pagkakadikit nilang dalawa.
Ramdam ni Carly ang init ng katawan ng ama sa kanyang likuran. Kompyansa siyang hindi magigising ang ama kaya’t inarko niya ang likod para mas sumiksik ang kanyang pwet sa ibabang parte ni Manuel.
Mula sa kanyang pwet ay dama ni Carly ang tumutusok na pagkalalaki ng ama. Muli niyang iginalaw ang pwet para mas madama ang katigasan ng natutulog na lalaki. Matagumpay naman niyang nagawa ang nais at halos lumabas ang puso sa kanyang dibdib dahil kabado sa kapilyahang ginagawa.
Shit! Ang sarap damhin ng titi mo papa!
Halos manakit ang likod ng dalaga dahil sa pagkaka-arko nito ngunit isinantabi iyon ni Carly. Mas nanaig sa kanya ang kagustuhan na tila niyayakap siya ng ama habang tumutusok ang alaga nito sa hiwa ng kanyang pwet.
Sana totoong ginagawa mo ito sa’kin papa…sana gising ka at gusto mo ang ginagawa ko sa iyo…
Tuwang-tuwa ang kalooban ng dalaga habang patuloy ang pagdama nito sa naninigas ng pagkalalaki ng ama. Akmang hahawakan na ni Carly ang sariling pagkababae ng biglang kumilos si Manuel.
Napaangat ito ng higa at bahagyang nagising dahil sa bigat na nararamdaman. Umakto namang tulog si Carly para hindi mahalata ng ama ang ginagawa niyang kahalayan dito.
Napatingin naman si Manuel sa natutulog na likod ng anak. Naisip niyang kaya pala nabibigatan siya ay dahil nakapatong ang kalahati ng katawan nito sa kanya. Malikot pala to matulog…
Maingat na inayos ni Manuel ang pagkakahiga ng anak at inilayo ito ng bahagya sa kanyang pwesto. Matapos ilipat ang anak ay pasimpleng inayos ni Manuel ang naninigas na alaga at bumalik na sa pagkakatulog.
Dismayado naman na napakagat-labi si Carly dahil sa nangyari. Halos manakit ang kanyang ngipin sa ngitngit dahil sa pagkabitin na nangyari. Nabigo ang puso ng dalaga dahil saglit lang niya naramdaman ang kahindikan ng ama na kumikiskis sa kanyang mabilong na pang-upo.
Tingnan natin sa mga susunod na araw.
***
Halos masamid si Carly sa tubig ng pumasok ang ama sa kanilang apartment. Suot nito ang hapit na pantalong pang gwardya at mapako ang tingin niya sa umbok nito. Namula ang kanyang mukha nang maalala kung paano niya damhin iyon noong nakaraang gabi.
“Napaaga po pala ang uwi nyo papa?” tanong niya habang inaabutan ng bimpo ang ama, pamunas sa pawisan nitong leeg.
Shit! Ano kaya ang pakiramdam na hinihimod ko ang pawisan na leeg ni papa?
Nakakadiri mang isipin pero mas nadadagdagan ang kanyang init kapag iniisip ang pawisan na ama sa kanyang harapan. Mas umaangat ang maamo nitong mukha kapag tagaktak ito ng pawis.
“Nag sub muna kami ni Pareng Gary, saka maaga ako pina-out sa bangko” pagod na umupo si Manuel sa silya. Kinuha ni Carly ang inabot na bimpo kanina at pumwesto sa likuran ng nakaupong lalaki.
Ito na ang nagpunas sa pawis ng ama, mula sa noo nito hanggang sa leeg. Mula kagabi ay desidido na talaga si Carly na umastang asawa sa tuwing uuwi ang kanyang ama at tuwing aalis ito papasok sa trabaho.
Ito ang simula ng pagpaparamdam ng pagmamahal niya dito.
Napansin naman ni Manuel na tila alagang-alaga siya ng anak sa oras na iyon. Maalaga at malambing ito dati ngunit may kakaiba sa kilos nito. Ramdam niya ang marahan na pagpunas nito sa kanyang pawis at tila minamasahe pa ang kanyang batok.
“Baka mabura naman ang balat ko nyan anak?” biro ng lalaki sa anak. Patuloy pa rin kasi sa pagpunas si Carly kahit natuyo na ang pawis niya sa leeg.
“Hmp…papa talaga, di naman ganon kalakas ang hagod ko ah” sinadya ni Carly na gawing tila namamaos ang boses habang sinasabi iyon sa ama.
Natigilan si Manuel ng marinig ang boses ng anak. Ramdam niya ang mainit na hininga nito na tumatama sa kanyang batok. Nakaramdam ang lalaki ng konting kiliti.
“Uhmm…Anak-“
Hindi na naituloy ni Manuel ang nais na sabihin nang biglang umupo si Carly sa hita niya.
Nakangiti ang dalaga at dinadampian pa rin ng bimpo ang natuyong balat ng ama. Hindi alam ni Manuel ang gagawing reaksyon sa anak. Naiilang kasi siya sa pagkakaupo nito habang si Carly ay tila walang malisya sa ginagawa at patuloy lang sa pagke-kwento ng araw nito.
“Pinapakulo ko lang yung sinaing papa, para makapag-hapunan na tayo” nakatitig si Carly sa mata ng ama habang sinasabi iyon. Ramdam niya ang pagkailang ng ama habang nakaupo pa rin siya sa hita nito.
Tahimik lang si Manuel at pinagmasdan ang nakangiting anak. Naisip niyang naglalambing lang siguro ang bunso niya kaya di niya binigyan ng malisya ang tagpong iyon.
Sadyang malambing lang talaga ang bunso ko
Upang maibsan ang pagkailang, sinubukan ni Manuel na magbukas ng normal na kwentuhan kasama ang anak. “Tanda mo nung bata ka, lagi kang nakasakla sa hita ko, parang ganun ka ngayon HAHAHA”
“Di ko na tanda papa, pero di na naman ako bata eh” lumabi si Carly sa ama.
“Kahit na, ikaw pa rin ang bunso kong makulit, mabuti nga at nagiging malambing ka na nga ulit. Akala ko…” napatigil si Manuel sa sasabihin.
“Akala mo po ano?” ikinawit ni Carly ang dalawang braso sa balikat ng ama.
“Akala ko nagbago ka na nung naghiwalay kami ng mama mo” may lungkot na sambit ni Manuel. Bahagyang napayuko pa ang lalaki.
“Si papa naman, ako pa rin naman to eh, ang malambing ninyong bunso…” malambing na saad ni Carly. Binigyan niya ng matamis na ngiti ang ama.
Sa mga oras na iyon ay tila may anghel na dumaan at nabalot ng panandaliang katahmikan sa pagitan ng mag-ama. Parehas walang namutawi sa bibig nilang dalawa at animo parehas nag-aabang kung sino ang unang babasag ng katahimikan.
Si Manuel na hindi alam kung ano ang sasabihin at si Carly naman na nanatiling nakatitig sa ama.
Dahil sa kakaibang tingin ng anak ay hindi na rin napigilan ni Manuel na titigan ito pabalik. Tila may pwersa na nagtutulak para sa ama na ibaling ang mata sa maamong mukha ng anak.
Sa isip naman ni Carly ay ito na ang pagkakataon para sa kanyang hakbang na makapasok sa puso ng ama. Dahan-dahan inilapit ng dalaga ang mukha sa tapat ng lalaki. Ang kaninang malaking agwat ay napalitan ng maliit na espasyo sa pagitan ng kanilang mga mukha.
Ito na…mahahalikan ko na ang labi ni papa…
Marahang inilapat ni Carly ang labi niya sa nakaupong ama. Pikit mata siya habang dinadama ang pagdikit ng labi nito sa kanya. Ngunit ang inaasam niya ay napalitan ng pagkabigo ng umiwas ng tingin si Manuel.
Mahigpit siyang hinawakan ng ama sa balikat at ipinalit sa pwesto nito sa upuan.
“Magbibihis na ako” hindi makita ni Carly ang ekspresyon ng ama habang sinasabi iyon. Nakadama siya ng kaba dahil sa pangambang hindi nito nagustuhan ang kapangahasan niya.
“Papa-“
“Tapusin mo na ang ginagawa mo, tawagin mo na lang ako kapag kakain na” pagpuputol ni Manuel sa sasabihin ng anak. Dumiretso na ang lalaki sa kwarto at naiwan namang dismayado at tulala si Carly sa kusina.
***
Tahimik na pinagsasaluhan ng mag-amang Manuel at Carly ang malaking mangkok ng monggo. Seryoso ang mukha ng lalaki habang kumakain habang nakatungo naman si Carly.
Iniiwasan ng dalaga ang seryosong tingin ng ama. Nawala ang enerhiya niya dahil sa hiyang nararamdaman. Tanging tunog ng kutsara na tumatama sa babasaging pinggan ang nalilikhang ingay sa buong kwartong nirerentahan.
“Pa… “ sinubukan ni Carly na kausapin ang ama.
“Hmm?” baling ni Manuel.
“Yung tungkol sa…sa kanina po”…