Bagong graduate pa lang si Pia sa kursong accountancy. Hindi pa siya nakakakuha ng board exam dahil na rin sa kakapusan sa pananalapi at kailangan muna niyang maghanap ng trabaho upang makatulong sa kanilang tahanan. Security guard ang ama ni Pia na si Pablo samantalang labandera naman ng isang mayamang pamilya ang kanyang ina na si Maria.
May dalawa pa siyang kapatid na sila Benjo at Jack. Graduating na si Benjo sa kursong Architecture samantalang 3rd year college naman si Jack sa kursong Civil Engineering.
Nagsumikap si Pia maghanap ng trabaho pero bigo siya. Wala pa kasi siyang lisensya at lalo na wala pa siyang experience sa trabaho. Pero hindi pa rin sumuko si Pia at patuloy pa rin siya sa paghahanap ng trabaho.
Maganda si Pia at may dating din siya. Hindi mo mapagkakamalang sa squatters area siya nakatira. Maputi siya at maganda ang korte ng kanyang katawan. Malaki ang kanyang dibdib at pwet na kinababaliwan ng mga kalalakihan maliban sa kanyang mala porselanang kutis. Matangkad din siya sa taas niyang 5’8″ na pang model ang dating.
Maraming nagtatangkang manligaw kay Pia pero maayos naman niyang tinatanggihan ang mga ito. Sa mga nagtangkang manligaw ay isa lamang ang hindi sumusuko sa kanya. Si Gardo. Moreno at makisig ang tindig. Nasa 5’10” ang taas nito na mala Zanjoe Marudo ang kartada. Tricycle driver si Gardo habang pinipilit niyang tapusin ang kursong Civil Engineering. Working student ika nga nila. Ulilang lubos na si Gardo at nakikitira na lamang siya sa kanyang tyahin na si Norma. Matandang dalaga si Norma na kapatid ng kanyang ama. Mula nang maulila si Gardo ay inako na niya ang pagpapalaki dito at itinuring niyang parang isang anak. Boto din siya kay Pia para sa kanyang pamangkin.
Norma: Gardo ano ba? Puro trabaho at pag aaral. Bigyan mo naman iras sarili mo. Si Pia. Naku baka maunahan ka na ng iba dyan ha.
Gardo: naku chang hindi pa siya handa dyan. Sye…