Tumakas agad ang tatlong adik at agad namang pinuntahan ni Pia ang kanyang nobyo. Panay ang tulo ng luha ni Pia habang nakahiga sa kalsada ang kanyang nobyo. Humingi naman agad ng saklolo sila Joe at Lawrence at eksakto namang may humintong sasakyan at nag alok ng tulong.
Boy: Maam Pia sakay na.
Tulala si Pia at hindi niya kilala ang lalakeng nag alok ng tulong.
Boy: Maam Pia sakay na.
Pinagtulungan nung lalake at ng kanyang driver na maisakay si Gardo sa sakakyan kasama si Pia, Lawrence at Joe sa hospital. Nang makarating sa hospital ay sinugod agad sa emergency room si Gardo upang magamot.
Habang nasa ospital ay tulala pa rin si Pia sa taong tumulong sa kanya.
Pia: excuse me sir. Tanong ko lang. Ano pangalan mo?
Boy: Maam Pia si Marcus po ito.
Laking gulat ni Pia nang malaman ito.
Pia: Marcus Yap?
Marcus: Opo Maam.
Pia: OH MY GOD! KUMUSTA KA NA?
Napayakap si Pia sa dati niyang estudyante at dito nailabas niya ang halo halong emosyon. Saya na nakilala pa siya ng kanyang estudyante at lungkot na nasa emergency room pa si Gardo. Habang magkayakap ay pinatahan ni Marcus ang dati niyang tutor.
Marcus: Maam huwag ka na pong umiyak. He will be ok in no time.
Dito bahagyang natigil ang luha ni Pia.
Pia: grabe hindi kita namukhaan ah. Kumusta ka na?
Marcus: mabuti naman po Maam. 4th year high school na po ako maam.
Pia: wow! May napili ka na bang course?
Marcus: napapaisip pa nga ako maam kung Engineering or accountancy.
Pia: Wow! Mahilig ka na sa Math ah.
Marcus: masaya naman kasi ang Math maam. Hindi boring. Hahaha.
Pia: eh kumusta naman si Mr. Yap?
Marcus: mabuti naman po maam. Nakahanap na rin ng lovelife.
Pia: wow. Hindi ka na kontra?
Marcus: kinilatis ko muna syempre. Hahaha.
Pia: ano itsura niya?
Marcus: Katulad mo. Maganda, mabait at matalino. Pareho pa kayo ng pangalan.
Pia: SERYOSO???
Marcus: Yes Maam.
Habang naguusap ay biglang lumabas ang doktor mula sa ER.
Pia: Doc. Kumusta na po siya?
DR: ligtas na siya. Hindi naman malalim ang pagkakasaksak sa kanya. Kailangan lang muna niyang magpahinga sa recovery room tapos ililipat na natin siya sa kwarto.
Nakahinga ng malalim si Pia nang mga oras na iyon at muling napayakap sa dati niyang estudyante. Mga ilang sandali ang lumipas ay dumating ang tiyahin ni Gardo na si Norma sa ospital matapos mabalitaan ang nangyari.
Norma: Pia kumusta na si Gardo?
Pia: Ligtas na po siya Aling Norma.
Napayakap si Norma kay Pia nang mga oras na iyon.
Norma: salamat naman sa Diyos at ligtas na siya.
Dito ipinakilala ni Pia ang dati niyang estudyante kay Aling Norma.
Pia: Ay syanga po pala Aling Norma siya po si Marcus. Dati kong estudyante. Marcus siya naman si Aling Norma. Tiyahin siya ni Kuya Gardo mo.
Marcus: kumusta po kayo?
Norma: Mabuti naman iho. Siguradong marami kang natutunan kay Ate Pia mo. Ay syanga pala Pia nasan na si Gardo?
Pia: nasa recovery room pa po siya. Lilipat na din po siya sa kwarto or…