Sa prom ni Marcus ay na star struck ang mga batchmate niya sa kanya. Miss Universe lang naman kasi ang kanyang prom date. Dito panay ang pa picture kay Pia ng kanyang mga batchmate at bilib na bilib sila kay Marcus. Isinayaw ni Marcus si Pia ng gabing iyon. Ninamnam ni Marcus ang gabing iyon na ka date niya ang dati niyang tutor na Miss Universe. Nang matapos ang prom ay ihinatid na ni Marcus si Pia sa kanilang tahanan.
Marcus: Maam Pia thank you very much.
Pia: walang anuman. Tsaka Ate Pia na lang. Masyado mo akong pinapatanda eh. Hahah.
Marcus: Sige po Maam Pia este Ate Pia pala.
Niyakap ni Pia ang kanyang dating estudyante at nagpaalam na da isa’t isa. Isang linggo na lamang ang natitirang bakasyon ni Pia bago siya bumalik sa New York upang tapusin ang kanyang obligasyon. Dito ginugol niya ang kanyang oras kay Gardo at kanyang pamilya. Dito panay pa rin ang kanchaw ni Gardo kay Pia.
Gardo: Kumusta ang young at heart? Hahaha
Pia: syempre maganda pa rin. Ikaw naman tumanda ng paurong. Hahaha
Masaya si Pia sa takbo ng buhay niya ngayon. Binalewala naman ni Joe Espinosa ang estado ng buhay ni Pia at siya pa rin ang napili nitong image model ng kanyang mga damit.
Nang matapos ang kanyang bakasyon ay bumalik na sa New York si Pia at namalagi siya doon hanggang matapos ang kanyang korona. Halos anim na buwan din siya sa New York hanggang sa naipasa na niya ang kanyang korona sa bagong Miss Universe ng taong iyon. Umuwi naman agad sa Pilipinas si Pia matapos ang kanyang obligasyon. Dito sinalubong agad siya ni Gardo pati na ng buong pamilya niya.
Dito niyakap siya ng mahigpit ni Gardo. Miss na miss na niya ang kanyang nobya at ngayon ay makakasama na niya ito.
Pia: Pano yan? Hindi na ako Miss Universe. Mahal mo pa rin ba ako?
Gardo: kahit wala na sa iyo ang korona. Ikaw pa rin ang Miss Universe ng buhay ko.
Napaiyak sa tuwa si Pia nang sabihin ito sa kanya ni Gardo at niyakap niya ito ng mahigpit. Ninamnam na nila ang pagiging magkasintahan at nagpatuloy sa kanilang buhay. Nakabili ng bagong bahay si Pia para sa kanyang pamilya sa isang sikat na subdivision. Bunga ito ng kanyang pagod at pagsisikap. Si Gardo naman ay nakabili na ng townhouse para sa lipatan nilang mag tyahin pero tinanggihan ito ni Norma.
Gardo: chang naman. Bakit ayaw mong sumama sa akin?
Norma: Gardo masaya ako at ako ang inaalala mo. Pero dito na ako ipinanganak, lumaki, nagka is…