Nagpatuloy ang magandang relasyon nila Marcus at Pia bilang tutor at estudyante at halos wala na silang ilangan. Parang magkapatid na ang turing nila sa isat isa. Masaya din si Mr Yap na malaki na ang pinagbago ni Marcus lalo na sa pag uugali.
Napatawag din ang adviser ni Marcus kay Mr Yap upang ibalita na malaki na ang pinagbago ng kanyang anak hindi lang academically kung hindi pati na rin sa pakikitungo niya sa kanyang mga ka klase. Sobrang naging magalang na rin siya sa mga mas nakak tanda sa kanya anuman ang estado nila sa buhay.
Mr Yap: Ms Baldomero ano ginawa mo sa anak ko? Ilang beses mong sinampal?
Pia: si sir naman. Sir mabait naman si Marcus. He just need your time and attention.
Mr Yap: What do you mean Ms Baldomero?
Pia: sir just try to spend time with your son. Like movies, dinner out, sports or minsan window shopping. Simple things but it will mean a lot to him. Not necesarily buying him expensive gadgets, the latest basketball smeakers or clothes. A time together will mean a lot to him.
Napaisip si Mr Yap sa sinabi ni Pia. Sinubukan niyang kausapin ang anak niya at kinausap naman siya nito. Dito nilabas ni Marcus ang kanyang hinanaing.
Marcus: Dad sorry sa mga inasal ko kay Maam Pia. Akala ko kasi bagong girlfriend mo siya eh. Alam mo naman may phobia ako sa bagay na yan. Yung isa nga gusto pa akong ipatapon sa Iloilo. Para masolo ang kayamanan mo.
Nahimasmasan si Mr Yap sa mga sinabi ni Marcus.
…