Gardo: Hi Pia.
Pia: O Gardo nadyan ka pala.
Gardo: Pia may ibabalita ako sa iyo.
Pia: ano yun?
Gardo: magtatapos na ako ng Civil Engineering.
Pia: Wow! Congrats!
Gardo: Salamat Pia. Eh ikaw? Ano balita sa iyo?
Pia: kukuha na ako ng board exam. Sinagot ng ama ng estudyante ko ang pang board exam ko matapos mag improve ang mga grades ng anak niya.
Gardo: wow magiging CPA ka na pala.
Pia: hindi pa. Mag rereview muna ako. Tsaka wag mong pangunahan at baka maudlot.
Tinutukan nila Pia at Gardo ang kanilang pag rereview sa kanilang board exam. Halos anim na buwan silang hindi nagkita hanggang sa araw na ng board exam.
Isang linggo ang lumipas ay lumabas na ang kanilang resulta. Nakapasa si Pia bilang CPA habang si Gardo naman ay nakapasa bilang isang Civil Engineer.
Pia: Gardo naka pasa ako sa CPA Board exam.
Gardo: wow! Congrats! Nakapasa din ako sa board exam ng Civil Engineer.
Pia: wow! Congrats din. Hanap na tayo ng trabaho.
Gardo: sige bukas na bukas din.
Nag pasa ng resume si Pia sa mga accounting firms at sinwerte naman siyang makuha ng SGV&Co tulad ng best friend niyang si Paula. Sa kabilang dako naman ay natanggap naman si Gardo sa Makati Development Corporation. Contractor ng mga real property developer.
Gardo: Pia natanggap ako sa trabaho.
Pia: ako rin.
Gardo: wow congrats sa ating dalawa. Tara fishball tayo.
Matapos ang kani kanilang unos ay sinimulan nang dumiskarte ni Gardo kay Pia. Niligawan ni Gardo si Pia noon pero maayos siyang tinanggihan ng dalaga dahil sa kanyang pag aaral. Ngayong pareho na silang may trabaho ay binuksan na ni Pia ang kanyang puso sa binata. Sinuyo siya ni Gardo hanggang sa makuha niya ang matamis na OO ni Pia.
Makalipas ang isang taon ay na promote naman si Pia sa trabaho ganun din si Gardo. Nakapagtapos na ang isang kapatid ni Pia na si Benjo at nakapasa na rin sa board exam. Dito nakaluwag na si Pia dahil dalawa na silang tumutulong sa gastusin sa bahay. Nakabili naman si Gardo ng segunda manong Hi Lux mula sa kanilang kumpanya matapos mag re fleet ng mga sasakyan.
Pia: wow may sasakyan ka na.
Gardo: oo. Nag re fleet kasi ang kumpanya kaya nag alok sila sa mga empleyado. Nachambahan ko naman. Tara. Sroll tayo.
Sumakay naman si Pia sa sasakyan ni Gardo at nagliwaliw sila. Habang nagliliwaliw sila ay biglang bumugso ang malakas na ulan at nabaha ang mga daanan nila. Hindi na rin makalusob ang mga sasakyan dahil hanggang bewang na ang baha. Pinasok na ni Gardo ang pick up niya sa pinaka malapit na motel para magpalipas ng oras. Kumuha na rin siya ng kwarto para sa kanilang dalawa. May ibang naramdaman si Pia nang mga oras na iyon pero binalewala lang niya ito.
…