Kasambahay 1(K1): naku ano ba naman yang babaeng yan. Walang korte.
Kasambahay 2 (K2): oo nga ung isa naman dapa ang ilong.
Kasambahay 3 (K3): chicken legs yung isa o.
Maria: grabe naman kayo mang lait. Bakit ganyan ba kayo kaganda?
K1: inggit ako eh.
K2: ako din nanay Maria.
K3: Nay bakit ayaw mo isali ang anak mong si Pia? Sure win yun sigurado.
Maria: hay naku nagmamaka awa nga na payagan ko siyang sumali sa BB Pilipinas. May scout kasing nakakita sa saknya at kinumbinsi siyang sumali.
Lahat ng Kasambahay: BB PILIPINAS???
K1: Nay yan ang pinaka prestihyosong Beauty Contest sa buong Pilipinas. Yung mananalo diyan nilalaban nila sa ibang bansa. Tulad nila Gloria Diaz at Margie Moran.
Habang naghihiyawan sila ay sakto namang pumasok sa kusina si Mrs Samonte. Mabait sa kasambahay si Mrs Samonte, palibhasay galing din sa hirap kaya mabilis niyang nakakahalubilo ang mga kasambahay niya.
Mrs Samonte: Hi Girls. Mukhang nagkakatueaan kayo dyan ah. Join naman ako.
K2: Maam yung anak kasi ni Nanay Maria na si Pia. Kikukuha para maging kandidata sa BB Pilipinas.
Mrs Samonte: Talaga??? Nanay Maria pinaka sikat na beauty pageant sa buong Pilipinas yon.
Maria: Maam di ko po kasi maisip na rarampa ang anak kong kapiraso lang ang saplot sa katawan.
Mrs Samonte: Nay hindi naman porket ganun ang suot ng anak mo eh pakawala na siyang babae. Nakikita mo naman damit ng anak kong babae di ba? Naayon lang sa uso pero hindi naman pinapakita an…