Naging abala si Luz sa pag aasikaso ng pagkain at iba pa dahil sa mga bisita ng kanyang alaga na si Angel. Habang si Mat at Tyrone din naman ay abala sa pag aayos ng ibang gamit ni Tyrone na iiwan sa poder ni Mat. Napakasarap isipin na nag plano si Ty na sa kanya muna mag-stay sa loob ng 2 linggo bago ito umuwi sa kanyang mag-ina. At sinabi nito na palaging ganun ang magiging set-up nya tuwing uuwi ng Pilipinas. Ilang araw muna sya kay Matilda bago sa kanila.
Nang hapon na iyon ay nag palit ng duty ang mga security guards Ipinakilala sa kanila si Tyrone at ipinaalam sa kanila ang sitwasyon. Wala naman sila masyadong tanong at napakababait naman ng mga ito. Si Drew na 40 taon gulang, byudo at may isang anak, ang mag take over ng gabing schedule. Papalitan nya si Alec na 50 taon gulang at binata pa.
Alec: “Ay sya nga pala Mam Mat, pinapasok ko po pala ung isang kaibigan ni Mam Angela na si Faith. Itinawag ko…