….kinabukasan habang ako ay nakaupo sa sofa sa sala, narinig ko ang sasakyan ni Sam na pumarada sa harap ng aming bahay. Hinanda ko na ang aking sa sarili sa panibagong araw ng aming pagtatalo. Hindi ako natinag sa aking pagkakaupo.. Habang hawak ko ang aking laptop at nakapatong ito sa aking kanlungan. Bumukas na ang pinto.. Nagulat ako sa aking nakita.. Ibang iba sa tumatakbo sa aking utak.. Si Sam na may dalang bulaklak at ang paborito kong chocolate cupcakes..
H_hi, H_hon.. Hindi ka papasok? Malumay nyang tanong sa akin..
Ako: H_hindi muna sana. H_hihintay talaga kita makauwi.. Sagot ko naman sa kanya na ang aking himig ay punong puno ng pagtataka, at pangamba.
Oo. Kailangan nga natin mag usap. We need to fix things. Basta lagi mo tatandaan, mahal na mahal kita.. Sagot naman nya sa akin. Hinawakan ni Sam ang aking kamay. At hinila paupo sa sofa. Ipinatong nya sa center table ang dalang bulaklak at ang isang box ng chocolate cupcake. Humarap sya sa akin ng bahagya.. Hindi nakuntento bumaba ito at naupo sa carpet. Nakapatong ang kanyang kaliwang braso sa aking mga hita. Sabay hinwakan ang aking dalawang kamay.. Habang ako naman ay binabalutan ng pagtataka.. Gulong gulo ang isip ko kung ano na ba ang nangyayare. Si Sam ang unang nagsalita..
Sam: Hon, sa lahat ng nagawa mong kasalanan sa akin, naisip mo ba na baka iwan kita o makipaghiwalay ako sayo? Malumay na tanong sa akin ni Sam.
Ako: O_oo.. Actually, akala ko sa una pa lang na nalaman mo yung sa amin nila Mik, eh hihiwalayan mo na ako. Sagot ko naman sa kanya.
Sam: Ma, mahal kita. At kahit ano pa ang nagawa mong kasalanan sa akin, hahanap ako ng dahilan para hindi ka iwan. Diba yun naman ang sinumpaan natin?
Ako: Oo. Alam ko yun. At nagsisisi ako sa lahat ng kasalanan ko sayo.
Sam: Honey, may g_gusto sana akong sabihin sayo.
Ano yon? Kinakabahan naman ako ng itanong iyun kay Sam.
Sam: Pakinggan mo itong mabuti. Diba nung nawala ako, ang totoo nyan, nagpunta ako sa Cebu. Sinadya ko patayin ang aking telepono para hindi mo ako macontact. I’ve stayed there for almost a week. Inom, sugal, at,…….
And what, Sam? Pag interrupt ko naman sa kwento ni Sam.. Sinong kasama mo? Patuloy kong tanong sa kanya..
Sam: S_si… J_Janica..,.. Matagal akong napatitig sa kanya. Walang kurap.. Namumuo na ang aking luha. Inaasahan na sana ay niloloko lamang ako nito.
Ako: Pa, if this is a joke, can you please just stop… H_hindi ito magandang biro.. Pakiusap ko naman sa kanya.
Sam: No, hon… I_Im telling you the truth.. I want all of these to end.. Gusto ko magsimula ulit tayo sa umpisa. Ako naman ay nanatiling nakatulala sa kanya. Patuloy ang agos ng luha sa aking mata. Pakiramdam ko sasabog ang aking puso sa kung anong sakit na nararamdaman ko noon..
Hon, kasama ko si Janica that time. Matagal tagal na nung magkaroon ulit kame ng communication..
Panong….Pagtataka ko.. May inilabas si Sam mula sa kanyang bulsa. Isang basic phone na magagamit mo lang pangtext and call.
Sam: E_eto yung ginamit kong phone sa kanya para kahit nandito ako sa bahay hindi mo malalaman na naguusap kame. Hon, I’m sorry.. Pagpapaliwanag nito sa akin.. Habang ako naman ay nakahawak sa aking dibdib at ang isa kong kamay ay nakatakip sa aking bibig. Pinipigilan ko ang paglabas ng aking malakas na hagulgol.. Para akong mauubusan ng hangin. At para bang gusto ko na lang kuhanin ng nasa taas para matapos na ang sakit na nararamdaman ko. Habang si Sam naman ay nanatiling nakayuko at humahagulgol na din.. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na sya nakaupo sa carpet. Nakaluhod na ito at nakaharap sa akin. Pinilit kong i-composed ang aking sarili. Kailangan ko magsalita. Kailangan naming magusap ng maayos, once and for all…
Hon, please,… Katulad ng sinabi mo sa akin nung mga panahong umaamin ako sayo, gusto ko malaman kung paano, at kailan pa to.. Gusto ko ikwento mo sa akin lahat. Lahat lahat…. Pakiusap ko naman sa kanya.. At nagpatuloy na nga si Sam sa kanyang kwento..
Sam: N_magsimula yun nung nag out of town ako para sa isang project. Remember the time na umakyat ka ng bundok, nung papunta na ako sa airport, nagkita ulit kami ni Janica. Nagkakamustahan. Pero hindi iyun nagtagal, dahil baka maiwan ako ng sasakyan kong eroplano. Nung nagpaalam na ako sa kanya, naisip ko na k_kuhanin ang kanyang number. At ibinigay naman nya ito. Habang nasa eroplano ako, iniisip ko kung itetext ko ba sya. Pero naisip ko na hindi ko pwede gamitin itong cellphone ko. Kaya napagdesisyunan ko na itago muna ang maliit na papel kung saan nakasulat ang numero ni Janica. Inilagay ko yun sa bulsa ng aking jacket sa kaliwang dibdib. Hanggang sa umalis na ang eroplanong sinakyan ko.. Hanggang sa makababa ako at makasakay sa sasakyang ipinadala ng kumpanya para sumundo sa akin. Bigla ko naalala ang papel na inilagay ko sa bulsa ng aking jacket. Kinuha ko iyun at muling nagisip. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na pinahinto ang kotse na aking sinasakyan sa isang mall malapit sa aiport at b_binili ko na nag cellphone na ito. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse, agad ko iyung binuksan at nilagyan ng simcard. At tinawagan ko si Janica..
Nung umakyat ako ng bundok? That was 6 months ago.. Ibig sabihin, 6 months mo na akong niloloko. Singit ko naman sa kanya. Sa pagkakatong ito, kalmado na ako. Tila naubos na lahat ang aking luha at wala na akong mailalabas pa..
Ma, please, listen to me first. Pagpapatuloy ni Sam.. Nagtuloy tuloy ang communication namen ni Janica.. At nung nagka project ako sa Cebu, nag decide ako na isama sya. Gumawa sya ng isang dummy account na facebook upang may magamit kame to………to communicate with other couple… Sabay yuko nito..
Ako: Shit…….”to communicate with other couple”, you mean to say nakipagplay……. Bumalik kayo sa ganun at sya pa ang kasama mo? Muli namang bumagsak ang sunod sunod na butil ng aking luha. Napasandal ako sa sofa, habang hawak aking batok. Na pakiramdam ko ay konti pa at mawawalan na ako ng malay tao.
Sam: Kath, look.. Sinasabi ko to sayo dahil sobrang unfair ko na sayo. Hindi ko na to kayang itago… Gusto kong ayusin natin to.. Pagpapaliwanag nya sa akin..
Ngayon sinasabi mo ito sa akin lahat dahil umamin ako sa mga nagawa kong kasalanan. Bakit Sam,kung sakali ba na wala akong nagawang kasalanan sayo, aaminin mo ba yan lahat sa akin, huh? Nung nawala ka para akong mababaliw. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Inisip ko pa na ako ang may kasalanan. Pilit kong iniisip kung anu ang nagawa kong mali sayo at bigla ka nawala. Fuck….. Patuloy ang pag bagsak ng aking mga luha. Habang si Sam ay nakayuko at patuloy sa pagiyak.. Ibig sabihin, yung pagtawag mo kayna Lance para ayain sa isang event, si Janica ang kasama mo? At ano, anong plano mo sa akin.. Ang gawing tanga, bobo sa harap nila. Alam nilang ako ang asawa mo, and yet may ipapakilala ka na ibang babae. Pagpapatuloy ko naman. Sam, ilang araw ako hindi makakaen. Hindi makatulog. Napabayaan ko ang trabaho ko.. Ang sarili ko, dahil kakaisip kung saan ka pupuntahan. Hiyang hiya ako sa mga magulang ko sa tuwing tinatanong nila ako kung nasaan ka wala akong maisagot. Hiyang hiya ako sa mga magulang mo pag tinatanong nila kung okay lang ba ako.. Kung okay lang ba tayo.. Shit Sam, anu pa bang hinahanap mo? Anung klase bang puke ang gusto mo,huh.. Sigaw ko sa kanya at napatingin sya sa akin.. Kitang kita ko ang kanyang mukha na basang basa ng kanyang luha.. Oh, masakit ba? Pagpapatuloy ko.. Yan din yung eksaktong sinabi mo sa akin nung halos patayin moko sa mga tingin mo, halos durugin mu ang pagkatao ko sa mga mura mo, pero ang kapal naman ng mukha mo, dahil kahit ikaw sa sarili mo, hindi ka malinis.. Punong puno ng emosyon ang aking dibdib.. Tumayo ako at paikot ikot na naglalakad sa buong sala. Habang si Sam ay tumayo din at naupo sa sofa. Nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang mukha habang humahagulgol…
Hiniling ko pa sa iyo noon na sana mapatawad mo ako.. Na sana mahanap mo dyan sa puso mo yung pagmamahal mo sa akin, at kalimutan lahat ng nangyare. Pero hindi ko akalain na dyan sa mukhang yan, sa likod ng mukhang yan, may tinatago din pala na baho… Now, tell me Sam…. Mas masarap pa din ba sya? Mas magaling ba sya gumiling? Mas magaling ba sya dumila ng titi? Huh? Putang ina…… Tinanggap ko lahat ng klase ng lifestyle na gusto mo.. Kinalimutan ko yung totoong ako para lang hindi mo hanapin sa labas ang lahat ng pagkukulang ko.. Pero shit anu pang kulang Sam… Ano pa? Pwede mo namang sabihin, ibibigay ko!!!!!!!!!!! At hindi ko na nga napigilan ang aking sarili. Napaluhod na ako sa sahig habang humahagulgol. Lumapit naman sa akin si Sam at niyakap ako..
Sam: I’m sorry Kath, patawarin mo ako.. Magsimula ulit tayo sa umpisa.. Pinapangako ko magiging masaya tayo ulit.. Pakiusap ni Sam sa akin.. Ako naman ay kumalas mula sa kanyang pagkakayakap. At lumayo ng kaunti habang nakaupo pa din sa sahig..
Ako: Bakit Sam, ikaw ba, napatawad mo na ba ang sarili mo? Alam mo na ba kung anong gusto mo? Ano, aaminin mo to lahat saken? Dahil lang umamin ako sayo? Para san yung ginawa mo? To get even? Alam mo na ba kung kaninong puki ang gusto mo pasukan at kainin for the rest of your life? Nung iniwan moko ng wala akong kaalam alam kung anong nangyari sa atin, gumuho ang mundo ko noon Sam…. Pinatay mo ako Sam…. Pero pinilit kong mabuhay para sa pagbalik mo, andito pa din ako.. Pinilit kong umamin sayo dahil hindi ko na kaya ang dinadala ko.. Hindi kita matingnan ng diretcho habang magkatabi tayo sa kama. Pero ikaw, pagdating mo ni isang paliwanag wala akong narinig mula sayo. Inisip ko pa noon na hindi ako pwedeng magtanong dahil may tinatago akong sikreto at ayokong maging unfair sayo.. Tapos eto ka ngayon, umaamin sa kasalanan? Putang ina Sam, asaan naman ang itlog mu non? Punong puno ng dalamhati ang bawat salita na lumabas sa aking bibig.. Habang si Sam ay nananatili lamang sa kanyang pwesto na para bang bata na nagsusumamo na lapitan ng kanyang ina at kargahin habang hinahalikan.. Tumayo ako.. Tumalikod ako kay Sam aktong aakyat na ako sa aming kwarto..
Bago mo hingin ang isang bagay sa isang tao, siguraduhin mu muna na naibigay mo na yun sa sarili mo.. Patalikod kong sinabi kay Sam..
Sam: Aalis na lang ako para mabigyan ka ng pagkakataon na makapg isip. Ika ni Sama habang nakayuko.
Para ano? Para makakita ka ulit ng pagkakataon para lokohin ako? Walang aalis ng bahay na to.. Pero kung gusto mo talaga, hindi kita pipigilan. Pero siguraduhin mu lang na pag umalis ka, wag ka nang babalik.. Now, Sam, you wanted to get even, right? Now, patas na tayo.. At kung sa tingin mo may utang pa ako, wag ka magalala, dodoblehin ko ang bayad sayo.. Tigas ko namang sambit sa kanya.. At alam ni Sam kung ano ang ibig ko sabihin sa huli ko nasambit..
Patuloy na akong umakyat sa aming kwarto. Iniwan ko si Sam sa sala. Sa ngayon, wala akong ibang iniisip kundi saan ako nagkulang… At pilit kong hinahanap sa aking puso ang kapatawaran. Ayoko syang patawarin dahil lang sa may nagawa din akong pagkakamali sa kanya. I want to forgive him cause he deserve it.. Because everybody deserves a second chance. Pero sa ngayon hindi ko alam kung kaya ko na ba iyung ibigay. Kailangan ko muna sigurong patawarin ang sarili ko. Muling mahalin ang aking sarili, at baka doon ko makita ang kapatawaran na ibibigay ko kay Sam…
It is not easy to stay inlove with the person you chose to live your life with. Everyday is a battle that you need to win. Hindi sa lahat ng oras masaya ang bawat magasawa. Darating ang oras ng pagbusok to test how strong you are to stay. Despite of all the hurts and burdens that I may encounter, I still chooses to stay. I still want to stay with the person who always make my heart beat.. Regardless on how painful he did, still, I need to find the love that bind us eversince we’ve met…
Love will not be as easy as most of the people think,( specially millenials). Cause when you love, you need to be ready to give yourself and your soul as well. You don’t need to love perfectly, actually.. Cause there will be no perfect love.. All we can do is to make everyday perfect, and love ourselves so we can give the love that other person deserves..