H_hi, H_hon.. Hindi ka papasok? Malumay nyang tanong sa akin..
Ako: H_hindi muna sana. H_hihintay talaga kita makauwi.. Sagot ko naman sa kanya na ang aking himig ay punong puno ng pagtataka, at pangamba.
Oo. Kailangan nga natin mag usap. We need to fix things. Basta lagi mo tatandaan, mahal na mahal kita.. Sagot naman nya sa akin. Hinawakan ni Sam ang aking kamay. At hinila paupo sa sofa. Ipinatong nya sa center table ang dalang bulaklak at ang isang box ng chocolate cupcake. Humarap sya sa akin ng bahagya.. Hindi nakuntento bumaba ito at naupo sa carpet. Nakapatong ang kanyang kaliwang braso sa aking mga hita. Sabay hinwakan ang aking dalawang kamay.. Habang ako naman ay binabalutan ng pagtataka.. Gulong gulo ang isip ko kung ano na ba ang nangyayare. Si Sam ang unang nagsalita..
Sam: Hon, sa lahat ng nagawa mong kasalanan sa akin, naisip mo ba na baka iwan kita o makipaghiwalay ako sayo? Malumay na tanong sa akin ni Sam.
Ako: O_oo.. Actually, akala ko sa una pa lang na nalaman mo yung sa amin nila Mik, eh hihiwalayan mo na ako. Sagot ko naman sa kanya.
Sam: Ma, mahal kita. At kahit ano pa ang nagawa mong kasalanan sa akin, hahanap ako ng dahilan para hindi ka iwan. Diba yun naman ang sinumpaan natin?
Ako: Oo. Alam ko yun. At nagsisisi ako sa lahat ng kasalanan ko sayo.
Sam: Honey, may g_gusto sana akong sabihin sayo.
Ano yon? Kinakabahan naman ako ng itanong iyun kay Sam.
Sam: Pakinggan mo itong mabuti. Diba nung nawala ako, ang totoo nyan, nagpunta ako sa Cebu. Sinadya ko patayin ang aking telepono para hindi mo ako macontact. I’ve stayed there for almost a week. Inom, sugal, at,…….
And what, Sam? Pag interrupt ko naman sa kwento ni Sam.. Sinong kasama mo? Patuloy kong tanong sa kanya..
Sam: S_si… J_Janica..,.. Matagal akong napatitig sa kanya. Walang kurap.. Namumuo na ang aking luha. Inaasahan na sana ay niloloko lamang ako nito.
Ako: Pa, if this is a joke, can you please just stop… H_hindi ito magandang biro.. Pakiusap ko naman sa kanya.
Sam: No, hon… I_Im telling you the truth.. I want all of these to end.. Gusto ko magsimula ulit tayo sa umpisa. Ako naman ay nanatiling nakatulala sa kanya. Patuloy ang agos ng luha sa aking mata. Pakiramdam ko sasabog ang aking puso sa kung anong sakit na nararamdaman ko noon..
Hon, kasama ko si Janica that time. Matagal tagal na nung magkaroon ulit kame ng communication..
Panong….Pagtataka ko.. May inilabas si Sam mula sa kanyang bulsa. Isang basic phone na magagamit mo lang pangtext and call.
Sam: E_eto yung ginamit kong phone sa kanya para kahit nandito ako sa bahay hindi mo malalaman na naguusap kame. Hon, I’m sorry.. Pagpapaliwanag nito sa akin.. Habang ako naman ay nakahawak sa aking dibdib at ang isa kong kamay ay nakatakip sa aking bibig. Pinipigilan ko ang paglabas ng aking malakas na hagulgol.. Para akong mauubusan ng hangin. At para bang gusto ko na lang kuhanin ng nasa taas para matapos na ang sakit na nararamdaman ko. Habang si Sam naman ay nanatiling nakayuko at humahagulgol na din.. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na sya nakaupo sa carpet. Nakaluhod na ito at nakaharap sa akin. Pinilit kong i-composed ang aking sarili. Kailangan ko magsalita. Kailangan naming magusap ng maayos, once and for all…
Hon, please,… Katulad ng sinabi mo sa akin nung mga panahong umaamin ako sayo, gusto ko malaman kung paano, at kailan pa to.. Gusto ko ikwento mo sa akin lahat. Lahat lahat…. Pakiusap ko naman sa kanya.. At nagpatuloy na nga si Sam sa kanyang kwento..
Sam: N_magsimula yun nung nag out of town ako para sa isang project. Remember the time na umakyat ka ng bundok, nung papunta na ako sa airport, nagkita ulit kami ni Janica. Nagkakamustahan. Pero hindi iyun nagtagal, dahil baka maiwan ako ng sasakyan kong eroplano. Nung nagpaalam na ako sa kanya, naisip ko na k_kuhanin ang kanyang number. At ibinigay naman nya ito. Habang nasa eroplano ako, iniisip ko kung itetext ko ba sya. Pero naisip ko na hindi ko pwede gamitin itong cellphone ko. Kaya napagdesisyunan ko na itago muna ang maliit na papel kung saan nakasulat ang numero ni Janica. Inilagay ko yun sa bulsa ng aking jacket sa kaliwang dibdib. Hanggang sa umalis na ang eroplanong sinakyan ko.. Hanggang sa makababa ako at makasakay sa sasakyang ipinadala ng kumpanya para sumundo sa akin. Bigla ko naalala ang papel na inilagay ko sa bulsa ng aking jacket. Kinuha ko iyun at muling nagisip. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na pinahinto ang kotse na aking sinasakyan sa isang mall malapit sa aiport at b_binili ko na nag cellphone na ito. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse, agad ko iyung binuksan at nilagyan ng simcard. At tinawagan ko si Janica..
Nung umakyat ako ng bundok? That was 6 months ago.. Ibig sabihin, 6 months mo na akong niloloko. Singit ko naman sa kanya. Sa pagkakatong ito, kalmado na ako. Tila naubos na lahat ang aking luha at wala na akong mailalabas pa..
Ma, please, listen to me first. Pagpapatuloy ni Sam.. Nagtuloy tuloy ang communication namen ni Janica.. At nung nagka project ako sa Cebu, nag decide ako na isama sya. Gumawa sya ng isang dummy account na facebook upang may magamit kame to………to communicate with other couple… Sabay yuko nito..
Ako: Shit…….”to communicate with other couple”, you mean to say nakipagplay……. Bumalik kayo sa ganun at sya pa ang kasama mo? Muli namang bumagsak ang sunod sunod na butil ng aking luha. Napasandal ako sa sofa, habang hawak aking batok. Na pakiramdam ko ay konti pa at mawawalan na ako ng malay tao.
Sam: Kath, look.. Sinasabi ko to sayo dahil sobrang unfair ko na sayo. Hindi ko na to kayang…
I’m A Sinner (Sam Reveals)
….kinabukasan habang ako ay nakaupo sa sofa sa sala, narinig ko ang sasakyan ni Sam na pumarada sa harap ng aming bahay. Hinanda ko na ang aking sa sarili sa panibagong araw ng aming pagtatalo. Hindi ako natinag sa aking pagkakaupo.. Habang hawak ko ang aking laptop at nakapatong ito sa aking kanlungan. Bumukas na ang pinto.. Nagulat ako sa aking nakita.. Ibang iba sa tumatakbo sa aking utak.. Si Sam na may dalang bulaklak at ang paborito kong chocolate cupcakes..