Incel

Mula sa bayan sa probinsya lumaki si Rey, binatang nasa wastong gulang at kasalukuyang nagaaral sa high school. Iniwanan sya ng kanyang ina noong sya ay bata pa lamang at ngayon nga ay naninirahan sya kasama ng kanyang ama sa taniman ng palay. Sabi sa kanya ng kanyang ama ay sumama sa ibang lalake ang kanyang ina kaya naman si rey ay nagtanim ng masamang loob sa kanyang ina simula bata pa lamang.

Binagyo ang kanilang palayan sa panahon ng tag ulan at ngayon nga ay hirap na hirap na sila sa buhay kaya napagpasyahan ng kanyang ama na patirahin muna si rey sa kanyang tita na nakababatang kapatid ng kanyang ina.

“kila tita julie? Hindi ba ang layo non tay tsaka maynila yon hindi ba nakakahiya sa kanila?”

“wala tayong magagawa anak wala na tayong makain. Kung ako lang kaya kong magtiis pero ikaw hindi pwede dahil ikaw lang ang inaasahan kong magaahon sa atin sa hirap. Nagusap na kami ni tita mo payag sya tutal maganda ang grades mo at sya rin nag alaga sayo noong maliit ka pa kaya naman magaan ang loob nya sayo.”

Kinaumagahan nga ay lumuwas na sila sa maynila. Dumating sila sa isang kahit papaano’y magandag bahay. Dalawang palapag, kulay puti, hindi kahirapan at hindi rin naman kayamanang hitsura ng bahay tamang tama lang sa isang may kayang pamilya.

Pumasok sila sa gate at kumatok sa pinto. Pagbukas ay bumungad sa kanila ang isang magandang babae na mga nasa edad 30+. Pinapasok sila at pinaupo sa sala. Ipinakilala sa kanya ng kanyang ama si tita julie nya na isang guro sa high school.

Maliit lang itong babae at kaunti lang ang tangkad sa kanya. Maganda at sexy din ito. Hanggang balikat lang ang buhok na may shade ng brown kapag natatamaan ng liwanag. Kahit na 30+ na ang kanyang tita julie ay mukha parin itong nasa 20’s pa hindi pa nagaasawa. Ang asawa ng kanyang tita julie ay ofw sa saudi bilang isang family driver ng pamilyang arabo.

May dalawang anak ang kanyang tita na sina anne at mary. Si a…