Init At Lamig Ch 2: Heaven’s Gate

PAUNAWA: Ang mga sumusunod na sulat ay may tema na di angkop sa ilang mga magbabasa. Paumanhin po sa mga maaring magulat sa mga tema ng aking kwento. At Muli lahat ng ito ay gawa lamang sa aking imahinasyon. Salamat at mag-enjoy po sana kayo.

SA PAGPAPATULOY…

Gumising ng maaga si Carlos, parang hindi man lang siya natulog sa ikli ng tulog niya. Nag-simula siyang mag push up at pull up para pampagising ng laman.

Naisip naman ni Carlos ang nangyare kagabi, ng halikan siya ng kanyang pinsan. Di niya inaasahan ang halik na natikman niya sa labi ni Cris ngunit lahat naman ay napapa-loob sa kanyang mga plano, ang plano na dalawampung taon niya pinag-isipan at pinag-handaan.

Lumabas si Carlos sa kanilang mansion para mag-jogging sa palibot nito. Dito nakasalubong niya si Nanay Esther, ang punong kasambahay ng kanyang Lola.

“Nanay Esther!” sabi ni Carlos ng nakangiti at nagmano pa ito ditto

“Oh iho! Ang aga mo naman nagising! Magluluto pa lang ako eh” sabi ni Nanay Esther

“Ayos lang yun Nanay, mag ikot ikot muna ako” sagot ng binata.

“Ah sige, tapos eh iluto naming ang paborito mo, sabi ng iyong lola eh yun daw ang iluto” sabi ng matandang dalaga

“Sige po Nanay, abangan ko po iyan!” sabi ni Carlos bago ito nagsimulang mag ikot at nag jogging ito.

Sa pag-iikot niya sa kanilang lupain ay Nakita niya ang lumang treehouse na ginawa ng kanyang ama para sa kanya.

Saglit siyang tumigil at huminga ng malalim ng Makita ang bahay-bahayan.

“Buhay pa pala to…” sabi niya sa kanyang sarili at naupo sandal sa paanan ng puno.

Bigla naman siyang nakarinig ng yapak sanhi para mapatayo ito at naghanap ng matataguan dahil di niya kilala ang babae.

May katangkaran ito sa height na 5’5-5’6, maganda din ang hubog ng kanyang katawan, lalo na ang sakto sa palad na dibdib at maganda at malaking puwet. Morena siya ngunit matangos ang ilong at kulay brown ang buhok ngunit alam niya din na kulay lamang ito.

May dalang bulaklak ang dalaga na siya naman niyang inilagay sa paanan ng puno at nagdasal siya at ngumiti.

“Sana naman okay ka lang, kung nasaan ka man Caloy” sabi ng Dalaga.

Tinignan naman ito ni Carlos at napag tanto niya na hindi niya ito kalaban kaya naman lumabas ito sa kanyang pinagtataguan.

“hmmmm okay naman ako Miss” sabi neto sa likod ng dalaga

Nagulat naman ang dalaga at napalayo ito sa kanya habang nakangiti lamang ang binatang nakatitig sa kanya

“S-Sino ka?! Bat ka nagtatago?” sabi ng dalaga

Natawa naman ang binata at tinignan niya eto “Ako si Carlos Mateo Victorio, at your service Madam” sabi niya at ngumiti sa dalaga.

Nagulat naman ang dalaga at tinignan ng dalaga ang binate ay namukhaan niya ito.

“Caloy?! Ikaw bay an talaga? Huh?” tanong ng dalaga

Napatawa ang binata at umikot ikot ito sa harapan niya mismo “tingin ko naman oo, ako nga ito, bakit?” tanong niya sa dalaga

Natawa ang dalaga at napapunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit at halos maluha-luha.

“Sira ka talaga! Ako ito! Si Shaira, yung kalaro mo nung bata ka pa” sabi ng dalagang nagngangalang Shaira

“Shaira?! Shai? Ikaw na bay an?” tanong ng lalaki sa kanya

Npahagikgik naman ang dalaga at tinignan niya ang lalake “tangkad mo na ah! Gulat ka sa akin no? gandan ko na?” sabi niya kay Carlos at natawa ito

“Oo nga eh, biruin mo dati bulingit ka pa lang, tapos pagbalik ko ang tangkad mo na!” sabi ng lalaki sa kanya

“Eh Malamang! Dalawang dekada ka kaya Nawala no!” sabi ng dalaga

“OO nga eh, kala ko si Nanay Esther lang andito, wala ka kasi kahapon eh” sabi ni Carlos sa dalaga.

“Ah oo, nag overtime kasi ako sa trabaho kagabi kaya nakitulog ako sa kaibigan kong babae” sabi naman ni Shaira.

Si Shaira Dela Cruz, ampon na anak ni Nanay Esther matapos iwanan sa tinutuluyan ng matandang dalaga. Maganda ito na pwedeng ibang laban sa isang beauty contest ngunit di niya ito gusto. Nagtra-trabaho ito sa isang banko sa siudad ng Villaverde bilang isang Manager. Siya ay NBSB o No Boyfriend Since Birth dahil sa isang lihim na pagtingin.

Natawa naman si Carlos at tinignan niya ang bulaklak “bakit naman may bulaklak ditto? Di pa naman ako patay” sabi niya sa dalaga

“Hindi naman talaga para sa patay yan, para yan sa alaala ng magulang mo at ikaw ditto sa hacienda niyo, lalo na’t Nawala ka ng matagal.” Sabi naman ito ni Shaira.

Natawa naman si Carlos at tumango “well now I’m back, so we could make new memories now” sabi naman niya

Natango naman ang dalaga at nag stretch ito ng konti at ngumiti “tara na, breakfast time mon a Caloy” sabi ng dalaga.

Nangiti naman ang lalaki at tumango ito “tara, gutom na din ako eh” sabi ng binata at naglakad na sila pabalik ng mansion.

Samantala, mga ilang oras pa lang ang nakararaan, habang tulog si Caloy, Shaira at karamihan ng tao sa Villaverde. Sa isang maliit na building na nagbabalatkayo na isang restaurant sa babaa ay pumasok ang isang babaeng may mga kasamang bodyguards.

May lalaking lumapit sa babae at nginitian “Congresswoman Salazar, kamusta po kayo?” tanong ng lalaki sa kanya.

Ngumiti naman ng Congresswoman at sinagot ang lalaki “okay naman ako, andito ako para tikman ang inyong sopas at champorado”

Ngumiti ang lalaki at tumango “halika Congresswoman, pwede na kayo pumasok” sabi ng lalaki.

Ginabayan ng lalaki ang Politico papasok sa taas ng restaurant. Ang restaurant ay nakalagay sa isang building, sa ground floor ang magandang restaurant ngunit may tatlong palapag sa taas nito. Dito mo makikita ang isang problema sa bayan ng Villaverde, andito ang tinatawag na heaven’s gate.

Ang Heaven…