Chapter 3: Kaibigan Sa Villaverde
SA PAGPAPATULOY…
Kumakain ng agahan ang pamilya Victorio, kasabay nila sila Shaira at Nanay Esther sa pagkain, nasa puno ng mesa si Don Arturo at nasa kanan niya ang kanyang asawang si Donya Elenita, katabi ng Donya si Cris, tapos is Nanay Esther at si Shaira. Sa Kaliwa naman ni Don Arturo ay si Julio, katabi niya ang asawang si Cristine, tapos si Marco, at huli si Patrice, sa kabilang dulo naman ay si Caloy ang nakaupo.
“Ano pala plano mo ngayon Caloy? May plano ka bang pumasok sa business natin?” sabi ni Julio at ngumiti lang si Caloy “Hmmmm pwede naman tito, pero not sure kung makakapasok ba ako at kung may lugar ba ako doon” sabi ni Caloy at ngumiti ito
“Aba’y meron naman lagi Hijo! Shipping company man or kay Papa sa Coprahan niya” sabi ni Julio at ngumiti naman si Don Arturo. “Eh Mas marami pang pera sa akin yang si Caloy eh” sabi ni Don Arturo at napatigil naman ang lahat maliban kay Caloy sa pagkain
“Ano Lo? Si Kuya Caloy Madaming pera?” sabi ni Patrice at natawa naman si Arturo at ngumiti din ang lola nila na si Elenita “Aba oo naman, alam mo bang pinalagay niya sa Amazon stocks ang perang iniwan ng magulang niya sa kanya? At recently binili it ni Jeff Bezos sa halagang three hundred Million?” sabi ni Arturo at ngumiti ito “Dollars yun ah” sabi niya at natawa naman si Caloy
“Lo naman eh, kala ko naman secret na natin iyon” sabi naman ni Caloy, iniwanan kasi ang binata ng isang million dolyar para pamana naman. Sinabi ng binata na mag-invest na lang si Arturo sa isang company, nag-invest ito sa isang start-up company na Amazon at kumita si Khel ng milyon milyon matapos ang investment.
“Wait so ibig sabihin Caloy, you can buy yung shipping company at coprahan natin in just one go?!” sabi ni Cris na di pa din sana titingin kay Caloy pero napatingin ito sa sinabi ni Arturo sa kanila. “Hmmmmm pwede naman pero ayaw ko, isa pa I want to donate sa foundation fifty Million pesos para maayos yung projects ninyo” sabi ni Caloy at natawa naman ang Lolo nila
“Oh ayan Cris, may budget ka na galing sa paborito mong pinsan” sabi ni Arturo at ngumiti naman si Caloy, si Marco naman ay nagsalita “Pa, I think we should have Caloy see our proposal, baka pwede siyang mag-invest sa atin, tutal may pera naman siya” sabi ni Marco at tumango si Julio
“Sige, Caloy, pwede ka ba naming kausapin ni Marco para sa isang investment opportunity?” sabi naman ng tiyuhin ng binata at natawa ito at umiling “Wag na tito, magkano ba ang kailangan?” sabi ni Caloy at ngumiti ito sa tiyuhin niya at ngumiti si Julio.
“Twenty Million pesos ang kailangan namin” sabi ni Julio at tumango si Caloy “Sige tito, I’ll get my checkbook mamaya and write out your checks, para naman okay na” sabi ni Caloy at nagbibilang pala “Kuya! Meron kang 14 Billion pesos?!” sabi ni Patrice at natawa naman si Caloy sa reaksyon niya
“Oo Pateng, bakit?” sabi ni Caloy at natawa ito at umiling lang si Shaira sa kanya “Baka naman di ka na magtrabaho niyan Caloy ah” sabi ni Shaira at natawa naman si Caloy “Di naman pero gusto kong magtayo ng garage dito eh, si Mang Johnny ba nasaan na ngayon?” sabi ni Caloy
Ngumiti naman si Shaira at tumango ito “Oh nasa isang garage ito ngayon, may maliit siyang vulcanizing shop kaya pwede mo siyang makuha” sabi ni Shaira at tumango naman si Caloy “Sige samahan moa ko mamaya, sabay bisitahin natin si James, tutal sabi niya eh dumaan daw ako sa kanya” sabi ni Caloy at tumango si Shaira “SIge, para mabisita natin si Konsehal James Salazar” sabi ni Shaira at natawa ang dalawa.
“Uy ate Shai, di ba nanligaw sa iyo Konsehal?” sabi ni Patrice at natawa naman ang dalaga “binasted ko yun eh, magkaibigan kami and I’d rather we stay that way” sabi ni Shaira at ngumiti naman si Caloy dito. Natapos silang kumain at kinuha ni Caloy ang Checkbook niya at ipinangalan sa Foundation at sa Shipping company sa kanyang checke.
“Wag ka mag-alala Caloy bibigyan ka namin ng ten percent share sa kumpanya” sabi naman ni Julio at tumango lang si Caloy “Sure po tito, no problem” sabi naman ni Caloy. Ginawa naman ni Caloy ang checke sa foundation at binigay niya ito kay Cris “Here you go bestie, you use that any way you think na makakatulong sa atin” sabi ni Caloy at ngumiti naman si Cris dito “Salamat, I’ll make your parents proud” sabi ni Cris at tumango naman si Caloy
Nagbihis naman si Caloy matapos maligo at tumingin siya kay Shaira, di ito naka uniform at ngumiti ito “Wala ka palang pasok?” sabi ni Caloy at tumingin ito sa kanya “I called in Sick, andito ka eh” sabi ni Shaira at natawa naman si Caloy at tumango “Lakas ko naman sayo” sabi niya at natawa ang dalaga “Kung alam mo lang” sabi naman ni Shaira
Sumakay naman sila sa mustang ni Caloy pero sumigaw si Patrice “Kuya! Sama ako sa inyo!” sabi ni Patrice at bumaba ito mula sa bahay nila. Naka dress si Shaira at skinny jeans, disente ang bihis at halatang walang makikitang pintas dito, pero si Patrice ay iba ang datingan dahil naka spaghetti dress ito kaya naman kitang kita ang maputing kutis nito.
“Sige Pateng, tara na” sabi naman ni Caloy at binuksan niya ang makina at bumukas ang makina ng mustang niya at umalis na sila “Wow kuya ah, luma pero okay naman itong kotse mo ah” sabi ni Patrice at natawa naman si Khel “Tawag dito eh vintage kasi, pero plano kong bumili ng bagong kotse pang araw-araw” sabi ni Caloy at natawa naman si Patrice
“Ay Kuya, alam ko na papabili ko sayo!” sabi ni Patrice at natawa naman si Caloy “Ano? Kotse?” sabi ni Caloy at natawa si Shaira sa narinig niya “Hala ka ah! Naku Caloy ayaw ibili ng papa niya ng kotse yan kaya sa iyo nagpapabili” sabi ni Shaira at natawa naman si Caloy dito
“Ah ganon pala iyon pag ako na-ano ni papa mo ah” sabi ni Caloy at ngumiti naman si Patrice “Wala naman na magagawa si papa Kuya eh, tsaka po sa laki ng investment mo sa kanila ni Kuya Marco eh wala talaga silang masasabi” sabi naman ni Patrice at ngumiti naman ang binata “Okay, Sige, bibili ko kayo ng kotse, ano pa mga dealers dito?” sabi ni Caloy at nagulat si Shaira
“Kami? Bakit kami?” sabi ni Shaira at natawa si Caloy “Aba malamang kasama ka, you need it naman, you a license naman di ba? Lolo told me when he visited me in Germany” sabi ng binata at tumango naman si Shaira sa kanya “pinahihiram kasi sa akin ng lolo mo dati yung kotse niyo eh” sabi ni Shaira at ngumiti naman si Caloy
“Okay then, so bisita muna tayo kay Konsehal at tsaka tayo bumili, anong dealers ba meron dito?” sabi ni Caloy at ngumiti naman ang dalagang pinsan niya “Kuya may Mitsubishi, Toyota, Honda, Ford, Isuzu, at Suzuki” sabi ni Patrice at tumango si Caloy dito
“Isip kayo kung ano gusto niyo” sabi ni Caloy at tumingin si Shaira sa dalaga at ngumiti “Ikaw na lang mag-isip Patrice ah” sabi naman ni Shaira at tumango nag dalaga at ngumiti ito. Nakarating naman sila sa city hall at ngumiti sila Shaira at Patrice sa binata at pumasok sila. Nagpunta naman sila sa labas ng opisina ni James at ngumiti ito ng pagbuksan siya ng pinto ng binata.
“CALOY!” sigaw ng binata at ngumiti ito at nagyakap silang dalawa, ngumiti ang binata naman ay natawa “Hey Konsehal James, kamusta?” sabi ni Caloy at natawa naman ang dalawa sa sinabi niya, ngumiti naman si Patrice at si Shaira sa kanya at ngumiti ito “Okay naman ako bestfriend, pero I can’t stay and talk long, may meeting pala ang konseho” sabi ni James at ngumiti naman si Patrice.
“Ah okay lang James, napadaan lang kami, lets meet na lang after siguro para we can catch up din” sabi ng binata at tumango naman si James “Oo nga! Let me have your number, tapos lets meet up after work okay?” sabi ni James at tumango naman si Caloy “Sure! Teka may tanong ako, anong kotse magandang bilin?” sabi ni Caloy at tumango naman ang binata.
“Ah para kanino ba?” sabi ni James at tinuro niya ang mga dalagang kasama niya “Sa kanila, tapos ako din bibili, may pambili dito eh” sabi ni Caloy at natawa naman ang binata at tumango “Ah may kakilala ako sa Suzuki, iisa lang may-ari nung Suzuki tsaka Isuzu dito eh, so pwede kayo doon” sabi ni James at tumango si Caloy
“Sige pa ano naman please? Plano kong bumili ng pick-up eh” sabi ni Caloy at tumango si James at ngumiti “Sige no problem” sabi ng binata at tinawag niya ang kanyang sekretarya para tawagan ang dealership “So paano, kit ana lang tayo Caloy ah, you need to make lots of kwento, isa pa eh si Janice panigurado eh gusto ka niyang makita” sabi ni James at tumango na lang binata at ngumisi si Patrice sa binata at nagpaalam din si Shaira.
Lumabas naman sila sa opisina ni James at Nakita nila ang isang magandang dalaga na ngumiti dito kila Shaira, “Oh Kuya, tara na, pag na-late tayo patay tayo kila lolo” sabi ng dalaga at natawa naman si James dito at ngumiti “Sorry bumisita kasi si Caloy eh” sabi ni James at namilog ang mata niya.
“Si Caloy? As in si Carlos Mateo Victorio?” sabi ng dalaga at ngumiti si Caloy na lumabas sa opisina at nagulat si ang dalaga, ang dalaga ay ang kapatid ni James na si Janice, isang magandang dilag na matagal ng may crush sa binata lalo na nung nagkita sila sa abroad ng minsang magbakasyon sila doon.
“Hey Janice” sabi ni Caloy at yumakap ang magandang dalaga sa kanya at ngumiti naman si Caloy at yumakap din ito sa dalaga at ngumiti ito “My God Caloy! I heard you wer…