Wala muna ulit anuhan, build up muna ahahaha…
ENJOY READING!
Bago mananghali ay nagring cp niya, hindi registered ang number kaya ayaw sana niyangsagutin. Pero nang maisip na baka may balita ito sa lagay ng asawa ay sinagot na din niya.
Love: hello!
Phone: hello Ms. Lovely!
Love: who is this?
Phone: El-Husein.
Love: Sorry Architect, what can I do?
El: Are you okay?
Love: No.
El: Why?
Hindi na siya nakasagot dahil parang nanghihina siya at nahihiyang sabihin dito.
El: Ms. Lovely?
Love: My husband is missing, I don’t know where he is.
El: What do you mean? Did you fight?
Love: No, it is hard to explain Mr. El-Husein.
El: did you go to the police?
Love: No, not yet.
Bakit nga ba hindi niya naisip ito, sa dami ng kaibigan niyang tumawag at kumusta sa kanya ay wala ni isang nag ask na pumunta sa pulis.
El: Your still there?
Love: Yes, thank you for asking, I didn’t think of it.
El: Where are you now, I will assist you. I have some friends who we can ask.
Love: No need Mr. El-Husein.
El: No! I insist. Send me your location and I will be there in no time.
Gusto pa sana niyang makipag argumento dito pero ibinaba na ang telepono at kasunod namanay message para kunin ang location niya.
Wala sa sariling nag message para i-pin ang location niya. Inayos ang sarili para hintayin nalang ang binata.
El: What flat no? Floor?
Love: 5th floor, flat 14.
El: Copy.
Walang pa atang sampung minuto ay may nag doorbell na.
Dala lang ang wallet ay agad na niyang binuksan ang pintuan.
Bumungad sa kanya ang binatang kita ang pag aalala, naka fitted shirt na white kaya bakat na bakat ang hulma ng katawan nito. Dark gray shorts at rubber shoes. Sa porma ng binata ay parang nawala lahat ang iniisip niya.
“Everything will be okay Love, everything will be okay.”
Duon lang isya bumalik sa pag iisip, naiinis sa sarili dahil nakita lang niya ang binata ay parang nawala na ang problema niya. Para na siyang nagtaksil sa nawawalang asawa.
Nabigla pa siya ng hawakan nito ang kamay niya para kunin ang susi ng bahay, iginiya siya palabas at ito na ang nagsarado. Inalalayan siya sa elevator hanggang makarating sa Range Rover na itim.
Pinagbuksan pa siya ng pintuan bago umikot at sumakay sa driver’s seat.
“Love, I am here for you and for David okay.”
Tumango nalang siya na parang kahit paano ay gumaan ang nararamdaman, pero behind her head ay iba ang dating sa kanya.
Maayos itong nag maneho patungo sa isang police station.
“Now tell me what happened?”
Sinimulan niyang ikuwento sa lalaki ang nangyari, pati ang mga pagkakataon na naglalakad ang asawa habang natutulog. Matiim naman itong nakikinig habang nagmamaneho. Bago sila makarating sa station ay natapos na din ang kwento niya.
“Let’s believe that he is fine and he will come back soon.”
Duon tumulo ang luha niya, buti nalang at nasa kotse pa sila kaya ng yakapin ng lalaki ay walang makakakita. Nanuot sa ilong niya ang preskong amoy ng lalaki. Light scent na perfume at natural na singaw ng katawan kaya parang nakakalasing.
Nang dumikit ang mukha sa dibdib ni El-Husein ay naramdaman niya ang katatagan at tigas ng maskuladong katawan. Hindi naman sila nag tagal sa ganoon posisyon dahil kinailangan na nilang lumabas para mag report sa pulisya.
Muli ay pinagbuksan muna siya ng pintuan ng lalaki at saka inalalayan sa paglalakad. Ewan ba niya kung bakit naco-conciuos siya sa pagdaiti ng palad nito sa siko at ang paminsan minsang pagkiskis ng braso.
Pagpasok nila ay agad lumapit si El-Husein sa help desk, nakipag usap ng Arabic ng medyo mahaba bago bumalik. Alam niyang hindi maganda ang balita ng binata lalo at may lungkot na makikita sa guwapong mukha nito.
“Love, they will let us know once they hear any report from other stations.”
“What shall I do now?”
“Do not be dishearted, he will be fine, he will come home to you.”
“But what if not? What if something happened to David? What if?” hindi na niya nasabi paang huling bagay na naisip niya.
“No, don’t think like that. They promised that they will mobilize all units and also give informations to the hospitals. This will help us in locating him.”
“I don’t know El, I am afraid and I am tired. There are so many things running in my mind now.”
“I am here for you.” parang na blanko siya sa titig ng lalaki.
Daig pa ata niya ang na hipnotismo sa pagkakatingin sa guwapong mukha ng binata, ang labi nito na parang magbibigay ng kakaibang halik.
Ipinikit nalang niya ang mga mata para maialis sa isipan ang pagnanasang hagkan ang binata.
“Let’s eat, I know your not eating.”
“Just bring me home, I am not hungry.”
“Okay, but we will buy something to eat. Have pitty on me, I am starving.”
Hindi na siya nakipag argumento pa sa binata, dahil sa bawat pagkakataon na naririnig niya ito at ipanakikita ang concern ay iba ang nararamdaman niya.
MALI pero pagod siya para isipin pa ito.
Mabilis na dumaan sila sa isang Japanese restaurant, madami itong dala ng lumabas at nang maamoy ang pagkain ay biglang kumulo ang tiyan.
Lumingon si El-husein sa kanya at binigyan ng pilyong ngiti.
Pagdataing sa flat ay mabilis na inayos ng lalaki ang pagkain at niyaya na siyang kumain. Ngayun lang niya narealized na halos dalawang araw na pala siyang hindi kumain ng maayos at ng makita ang pagkaing binili ni El-Husein ay biglang naramdaman ang gutom.
Halos maubos niya ang pagkain at di na napansin na kaunti lang ang nakain ng binata. Nang nakitang siya lang halos ang umubos ay nahiya ngunit ang lalaki ay nakatingin lang sakaniya at parang lugod na logud siyang pinapanood.
“Why you are not eating?”
“Busog ako.” Matatas na sagot nito.
“You know how to speak tagalog.”
“Yeah, but not that much. And I understand well.”
“How?”
“My Mother is a Filipina and my father is Morocco. I stayed in Manila for more than 3 years.”
Noon niya naalala na ikinuwento nga pala ni David na half half ito.
Matapos kumain ay sinigurado lang nitong maayos siya, ipinangakong makikipag communicate sa mga kakilala at i-update siya.
Kahit papano ay napayapa siya at may inaasahan na siya na tutulong hindi katulad kagabi napawang mga pangungumusta lang ang naririnig sa mga kaibigan.
Pag-alis na lalaki ay parang gusto niyang hilingin na samahan siya nito at ayaw niyang mag-isa ngunit alam niya na hindi maari. At MALI.
Ilang araw pa siyang naghintay sa balita ngunit walang update kung nasaan an…