“O paano, mauna na ako sa inyo at mukhang uulan, baka maabutan pa ako” Paalam ng nagmamadaling si Rebecca sa mga kasama sa isang buffet restaurant sa isang mall sa Quezon City.
“O sige, ingat na lang, ayaw mong papigil eh, baka bukas pa kame matatapos kumain dito”. Sagot ng isang kasamahan sa gitna ng malakas na tawanan ng grupo.
Mabilis ang lakad ni Rebeca palabas sa restaurant. Gusto niyang makauwi agad. Bukas na ang flight niya pauwing Cebu. Hindi niya pansin ang mga lalaking sinusundan siya ng tingin– may paghanga, may pagnanasa. Napaka smart at seksi niya sa suot na asul na mini skirt at putting blusa. Maganda si Rebecca at seksi sa paraang hindi bulgar o malaswa. May class at elegante ang dating. Sa edad na 33, parang dalaga pa si Rebecca. Hindi mo aakalain na dalawa na ang kanyang anak. Katamtaman ang taas, kayumanggi at magandang ang hubog ng katawan at malusog ang dibdib, bagay na bihira sa mga babaeng balingkinitan. Mahaba at malasutla ang itim niyang buhok.
Pababa na ng escalator si Rebecca, may ngiti pa sa mga labi–na sa isip pa rin ang mga kaganapan kanina sa restaurant–nang napadako ang tingin sa lalaking lulan ng paakyat na escalator at pasalubong sa kanya. Bigla, napalis ang ngiti sa mukha ni Rebecca. Nanlaki ang kanyang mga mata. Waring tumigil ang lahat sa buong paligid. Natahimik. Maliban sa malakas na pintig ng kanyang puso. Si Edwin!!. Hindi siya maaring magkamali. Si Edwin ang lalaking ito. Si Edwin, pagkalipas ng maraming taon. Paano.?
Rebecca? Rebecca!? Bakas din ang pagkabigla sa mukha ng lalake.
“Edwin?” Yun lang ang nasabi ni Rebecca. Nakapako ang tingin sa mukha ng lalake.
Ikalawang Yugto
Sa isang sikat na kapihan, nag usap ang dalawa. Halatang nagkakailangan pa. Mahaba ang katahimikang madalas pumutol sa kanilang paguusap. Hindi malaman kung ano ang kanilang sasabihin pagkaraan ng maraming taon. Kung paano uumpisahan ang mga katanugan na kay tagal na kinimkim.
“Andito lang ako sa Manila, dahil sa isang convention. Bukas na ang balik ko sa Cebu. Nag dinner lang kame ng mga kasamahan kong tagarito.” Bungad ni Rebecca.
“Ganun ba?, ako nag last-minute shopping. Mga pahabol na habilin. Alam no na, ugaling pinoy. Bakasyon lang ako dito galing Amerika.” Mabilis sa sagot ni Edwin. Hindi inaalis ang tingin sa magandang mukha ni Rebecca.
Kamusta ka na? Tanong ni Rebecca
Matagal bago nakasagot si Edwin.. nakatitig pa rin kay Rebecca. Malalim ang buntong hininga bago nagsalita. “Eto, okey lang, sunod lang sa agos ng buhay.” Pilit ang ngiti ni Edwin. “Ikaw, Rebecca, Kamusta ka na?”
“I am good, masaya ang buhay…masaya ako sa Cebu, sa work ko, sa bahay, sa pamilya sa…kaibigan….sa ……”. Biglang natigilan si Rebecca sa tangkang pagpigil sa umaalpas na damdamin. Nanatili siyang nakatitig sa mukha ni Edwin. Minamasdan ang mga pagbabagong likha ng mga nagdaang taon. Nawala na ang bakas ng kapusukan dala ng kabataan sa mukha ni Edwin. Napakakisig pa rin at simpatiko ng dating katipan. Ang lalaking laman ng kanyang mga panaginip. Walang araw na nawaglit sa kanyang isipan….ang una at tangi niyang pagibig.
Bakit hindi ka dumating. ? Bakit hind ka tumupad sa usapan natin? Nangako ka.!” Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Rebecca. Pilit na pinipigil ang kimkim na damdamin.
“Rebecca… Rebeccca” bakas sa mga mata ni Edwin ang labis na kalungkutan, ang paghihinayang. “Im sooooo soorrry..patawarin mo ako…batid ng Diyos, hindi ko gustong saktan ka !”
“Ang tagal kong naghintay duon?” Naginginig ang boses ni Rebecca Tahimik si Edwin, gayun din si Rebecca.
Sa labas, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan.
Ikatlong yugto
Umuulan din nuong araw na yon…labingtatlong taon na ang nakalipas. Nakatakdang magtanan sina Rebecca at Edwin… isang buwan matapos ang graduation ni Rebecca. Pinauuwi na siya ng kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ama. Pilit na nga siyang sinasama pauwi ng mga ito ng lumuwas sila para sa graduation ni Rebecca. Nagdahilan lang si Rebecca na marami pang aasikasuhin sa eskwela. Sa isang primera klaseng boarding house na malapit sa eskwela nakatira si Rebecca mula ng magkolehiyo siya sa Manila.
Katulad ni Rebecca, magisa din si Edwin sa Manila. Sa isang boarding house din ito nakatira. Nasa Davao ang mga kamaganak nito. Ulilang lubos na si Edwin. Maliit pa siya ng mamatay sa aksidente ang mga magulang. Ang lola niya ang nagpalaki at nagtaguyod sa kanya. Kamamatay lang nito nuong isang taon.
Tatlong taon ng magkasintahan ang dalawa. Matanda si Edwin ng dalawang taon sa dalaga, may trabaho na siya sa isang malaking IT company ng magtapos sa kolehiyo si Rebecca. Mahal na mahal nila ang isat isa. Si Edwin ang unang pagibig ni Rebecca. Balak nila na dito sa Manila magtrabaho si Rebecca at magpapakasal pag matatag na ang kanilang kalagayan.
Pero, iba ang plano ng mga magulang ni Rebecca, kaya tutol sila dito, lalo na ang ama niya. May kutob si Rebecca na gusto siyang ipakasal ng ama sa anak ng kaibigan nito na isa ding retiradong heneral.
Araw ng kanilang pagtatanan. Taranta nuon si Rebecca sa paghahanda. Bukas na ang dating ng mga magulang upang siguraduhin na sasama na siya pauwi sa Cebu. Sakto alas singko ng hapon, nasa loob na siya ng simbahan ng Quiapo. Ang lakas ng kaba ng dibdib, excited na hindi mawari. Naguumapaw ang puso sa kaligayahan at kasabikan. Maraming mga bagay ang naglalaro sa kanyan isipan. Mga eksena ng buhay nila pag nagsasama na sila. Ipinangako sa sarile na magiging mabuti siyang asawa kay Edwin, mapagmahal na ina sa kanilang magiging mga anak. Napangiti si Rebecca sa mga naiisip, waring nahihiya sa sarile at masyadong pinangungunahan ang mga pangyayari.
Sa labas ng simbahan, nagbabanta na ng pag ulan ang kaulapan sa langit. Alas otso ng gabi.. pero walang Edwin na dumating. Naiiyak na sa pagaalala ang dalaga. Ilang ulit na siyang tumawag, pudpud na rin ang mga daliri sa pag text. Pero hindi sumasagot si Edwin. Tumawag siya sa boarding house. Wala daw duon si Edwin. Walang na siyang alam na maaring pang makontak upang alamin ang nangyari sa katipan. Hating gabi na ng bumalik sa boarding house si Rebecca. Wala sa sarile. Humiga sa kama, dilat ang mga mata, nakatingin sa kawalan. Wala ng mailuha. Ganun siya dinatnan ng mga magulang kinabukasan ng hapon.
Ika-apat ng Yugto
“Siguro naman may karapatan akong malaman kung bakit mo ako pinaghintay sa wala.” Hindi napigilan ni Rebecca ang hinanakit sa kanyang tinig.
May pait ang ngiti ni Edwin ng magsalita. Nasa alaala pa ang sakit ng mga pangyayari.
“Sakay ako ng jeep nuon papunta sa Quiapo ng hinold up kami sa loob ng sasakyan. Tangkang sasaksakin ng isa yung babae dahil ayaw ibigay yung bag kaya tinangka kong pigilan. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. Sa ospital na ako natauhan. Ang sabi ng doctor, isang linggo daw akong walang malay. Mahigit isang buwan ako sa ospital, nakaraos sa awa ng mga nurses at ibang tao.
Patuloy ni Edwin. “Ayon sa mga pulis, may pumalo daw ng baril sa aking batok at pagkatapos ay inihulog ako sa jeep. Tumama ang ulo ko sa kalsada, nabalian din ako ng balikat.” “Ilang beses kong pinatext sa nurse ang number mo pero hindi ka sumasagot. Matagal bago ako ganap na gumaling. Nagastos sa ospital at gamot ang savings ko na para sana sa kasal natin. Mabuti na lang at may trabaho pa ako.”
“Hindi ko alam, Edwin…hindi ko alam..” halos pabulong na wika ni Rebecca.
“Nalaman ko na rin na ikinasal ka na sa Cebu.” Hindi ako alam kung paano ako nabuhay ng mga sumunod na taon. Salamat sa Diyos at nakapagtrabho ako sa Amerika. Mga walong taon ako duon. Duon na rin ako nakapagasawa. Pilipina rin siya …. nurse. Isa lang ang anak naming, apat na taon na siya. Hindi sila nakasama dito dahil sa work ni misis.”
Bakas sa mukha ni Rebecca ang lungkot, ang pait, ang panghihinayang at pagaalala. Hindi malaman kung tatawa o iiyak sa mapait na biro ng kapalaran. May munting kirot din sa kanyang puso ng malamang may asawa na si Edwin.
“Lumipad kame papuntang Cebu makalipas ang ilang araw. Paliwanag ni Rebecca. Isang linggo din ako naospital sa Cebu. “Fatigue” daw ayun sa doctor. Kinuha ni Daddy ang phone ko. Galit nag galit siya. Pagkatapos nuon, naging sunod sunuran ako sa kagustuhan ni Daddy. Ikinasal kame ng anak ng kaibigan nIya. Sa kababata ko. Dalawa na ang anak namin.”
Muli, matagal ang kataimikan namagitan sa kanila. Bago nagsalita si Edwin. “Rebecca, sana, huwag mong isiping iniwan kita, na pinabayaan kita… alam mong hindi ko magagawa yun. Alam mo kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita, Rebecca”
Nagkatinginan muli ang dalawa. Mahabang katahimikan. Hindi namamalayan, mahigpit na magkahawak ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng mesa.
Ika-limang Yugto
Parang isang surreal na panaginip ang mga sumunod na pangyayari. Natagpuan na lang nila ang mga sarili sa silid ng condo na pansamantalang tinutuluyan ni Edwin. Walang lakas si Rebecca na tumanggi sa pakiusap ni Edwin na sumama sa kanya.
Magkaharap na nakatayo sa may bintana ang dalawa. Magkahawak kamay. Kapwa hubot hubad. Walang alinlangan, hindi asiwa, parang walang dapat ikahiya sa mga katawan na sadyang dapat sana ay para isa’t isa lamang. Maiinit ang dampi ng mga halik ni Edwin kay Rebecca…sa nuo, sa ilong, sa pisngi, sa baba. Malalim ang halik sa mga labi. Matindi ang pananabik sa isat isa. Humagod ang mga kamay ni Edwin sa likod ni Rebecca…pababa. Sapo ang magkabilang pisngi ng matambok na puwet ni Rebecca, kinabig ito ng mariin sa kanyang harapan. Dikit ang mga hubad na katawan. Tumusok sa dibdib ni Edwin and mga utong ni Rebecca. Ramdam naman ni Rebecca ang haba at tigas ng ari ni Edwin sa kanyang puson. Bahagyang nanginig ang kanyang katawan.
Tahimik ang dalawa maliban sa malakas ng tibok ng kanilang mga puso. Sa labas, malakas na ang buhos ng ulan, Nagsisimula ng bumaha sa mga lansangan.
Kay init ng mga palad at dila na nagpapala sa malusog na dibdib ni Rebecca. N…