Ipusta Mo Asawa Mo! (Episode 3)

‘Yung pakiramdam na nanduon ka pero wala kang magawa. Alam mo ang mga nagaganap sa paligid mo pero hindi mo maigalaw kahit man lang daliri mo.

Iyon ang mga huling ala-ala ni Gado bago siya tuluyang mawalan ng malay, matapos masaksak ng bagong trabahador na minalas pumusta sa nakalaban niya.

Sa nakalabang nilampaso niya. Si Richard Robles, na mas kilala sa pangalang Askad.

Pero sa isip ni Gado, siya naman ang nanalo bakit parang siya pa ngayon ang nadehado?

***

Ganoon na naman ang nararamdaman niya.

Bakit hindi siya makagalaw?

“Dalawang linggo ka nang nakaratay dito sa ospital.” sabi ni Poldo, ang matandang katrabaho niya sa construction, na mag-isang dumalaw sa kanya sa semi-private room ng ospital.

“‘Yung bagito na dumale sa iyo may nagpyansa, ngayon yata hindi na mahanap.” habang inilalapag ang ilang piraso ng prutas na kanyang nabili mula sa kanilang ambagan sa trabaho.

“Kaya nga nu’ng nalaman ko na nagising ka na, at wala ka na sa ICU, dinalaw na kita para mangumusta.”

Hirap man ay pinilit ni Gado na magsalita.

“Natamaan daw ang spine ko, pero konting therapy lang daw, baka maibalik na ang dating galaw ko.” sabi ni Gado na parang sarili niya ang kinakausap. Pilit pinapaniwala ang sarili na muli siyang makatatayo at makakalakad.

Pero sa kalagayan ni Gado ngayon na tila nakadikit ang likod sa kama ng ospital, parang mahirap nang maniwala. Hindi nga niya magawang magalaw ang kanyang ulo, katawan pa kaya.

Hindi na lang naiwasang tumulo ang luha sa kanyang mata, wala na siyang pakialam kung makita man ni Poldo na umiiyak siya.

Hindi lang siya ngayon inuulan ng kamalasan, nasa gitna na siya ng delubyo.

Naputol na lang ang usapan ni Gado at Poldo nang dumating si Loren kasama ang bestfriend nito na si Mika. Si Mika na nagtratrabaho sa canteen sa construction site, kung saan si Loren naman ang kahera. Mas bata ng dalawang taon si Mika kay Loren, mas malaman ito, pero maipagmamalaki rin ang hinaharap.

“Mahal, nagpasama lang ako kay Mika, na bumili ng makakain at supplies na kakailanganin dito.” paliwanag ni Loren habang ipinapatong sa ibabaw ng maliit na mesa ang isang plastic bag na naglalaman ng mga pinamili. “Mabuti na nga lang at nagkasya pa ang budget ko.” dugtong nito.

“Wag kang mag-alala sagot lahat ni Engr. Robles ang mga gastusin sa pagpapaospital sa iyo dito.” muling paalala ni Loren sa asawa kapag nababanggit ang pera.

“Eh, ‘sus dapat lang no! Ikaw ba naman magkaroon ng human cockfighting sa loob pa mismo ng kompanya mo, tapos nagkasaksakan pa!” mataray namang singit ni Mika, nakapamewang pa at parang sinesermonan ang kaibigan niyang si Loren.

“Kung magsalita ka naman parang hindi ka nakinabang sa mga pustahan doon,” sabat naman ni Poldo kay Mika. “Ilang beses ka ring humamig kapag pumupusta ka kay Gado.” pang-aasar pa ng matanda sa maganda at chubby na si Mika.

“Aba dapat lang ‘no, ilang beses na rin ako’ng naging premyo sa pustahan na ‘yan.”

Tinutukoy ni Mika na hindi lang si Loren ang pinaglalabanan sa fight club na iyon, kung tutuusin si Askad lang ang madalas na humirit na si Loren ang maging premyo. Sa ibang laban mas maraming beses na ring katawan ni Mika ang kanyang pinangtataya, kapag nanalo siya sa pustahan, pera ang panalo niya, pero kapag natalo siya kasta ang pambayad niya. Iyon ay kung sa ibang suntukan siya pupusta, pero kung kay Gado na laban, siguradong pera ang naiiuuwi niya.

“Kaya dapat Gado bilisan mo ang magpagaling para malampaso mo ulit mga maliligalig sa construction site.” pagbibigay lakas ng loob sa asawa ng kaibigan.

“Wala na. Itinigil na ni Engr. Robles ang fight club,” malungkot na sagot ni Poldo. “Ayaw niyang mademanda baka sa susunod tuluyan nang magkapatayan.”

“Pinalabas na nga nilang dahilan ng away sa pera ang saksakan na nangyari, malaking eskandalo kung malaman ng mga developer na may kalokohang ginagawa mga contractor na kinuha nila.” dagdag pa nito.

“Oh siya, uuwi na ako Gado…” napatingin pa sa kanyang relo si Poldo habang nagpapalam. “Loren, Mika kayo na bahala d’yan sa tropa ko.”

Nakaalis na ang matanda nang biglang humirit si Mika.

“Tingnan mo yung matandang ‘yon, akala mo ang bait-bait, kung makakantot sa akin daig pa ang hinete ginawa akong kabayo, hmp!” naalala tuloy ni Mika nang minsang nakapustahan niya si Poldo at natalo siya. Parang bata na nakabusangot, na siya namang tinawanan ni Loren habang si Gado naman ay pilit na rin nakikitawa.

Sanay na ang mag-asawa sa asal ni Mika, dati kasi itong call girl, pero noong nakilala si Loren ay nagbagong-buhay na daw siya. Ngayon serbidora na sa canteen, at madalas kasa-kasama ni Loren sa mga online video niya na nagsasayaw.

“Hoy, kung alam nyo lang pati puwet ko gustong butasin ng kumag na ‘yan!” nakapagsasalita ng malaya si Mika sapagkat sila lang ang tao sa semi-private na kuwarto na kumpanya na ang sumagot.

Bagama’t alam ni Gado na may nangyayaring ganoong pustahan, wala siyang alam na pati ang kaibigan ng kanyang asawa ay kasali sa ganoong bagay. Malayo sa orihinal na plano ng fight club ang nangyari, dapat sana ay isang mano-mano upang hindi lang maipakita kung sino ang matatapang at matitibay, kung hindi pati na rin makapagpalabas ng anumang sama ng loob, samakatuwid isang stress-reliever lang dapat ang fight club, parang yung sa pelikula. Pagkatapos ng suntukan, walang pikunan.

***

Matulin namang lumipas ang ilang linggo, nagagawa nang maiupo si Gado at naigagalaw na niya ang kanyang kamay at braso, ngunit sadyang mahina pa rin ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, may mga therapy session naman para muling bumalik ang lakas sa mga ito, sadyang nakukulangan lang si Gado at gusto na niyang kumawala sa tila kulungan na kinalulugmukan niyang wheelchair ngayon!

Hindi naman nagkukulang sa pag-aalaga si Loren sa kanya, halos hindi na nga siya iwanan nito sa pagbabantay. Hindi na ito nakakapasok sa canteen bilang kahera. Nawawala lang ito sa paningin ni Gado kung pupunta sa opisina para kumuha ng panggastos. At sa mga oras na wala si Loren lalo na at nasa opisina para makipagkita kina Engr. Robles, iba ang naiisip niya.

Malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang pagbabanta na nabasa niya. Na may nagtatangkang umasawa kay Loren, lalo na ngayon at baldado siya. Kung sino man iyon, malaya nitong magagawa mga maiitim na plano niya. Dahil walang matapang na Gado ang haharang at magpapatumba sa kanya.

Ayon sa mga nasagap ni Gado na impormasyon, simula nang malipat si Askad sa ibang site, maging sa opisina ay madalang na itong magpakita. Dahil sa pamangkin ito ni Engr. Robles, sa loob din ito ng Robles compound nakatira, may sarili siyang bahay na tinutuluyan kung kaya’t pagkatapos ng shift nito, ay hindi na ito naglalagi sa loob ng construction site, kung hindi kinakailangan.

“Oh Mahal, gising ka na pala?” kadarating lang ni Loren, at dahil sa nakapang-alis na suot nito, alam ni Gado na galing ito sa opisina.

“May maganda akong balita sa iyo, sabi ni Doc, baka next week maaari ka nang makalabas,” excited pa na napaupo si Loren sa tabi ni Gado para ibigay ang balita. “Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Ang makalanghap ng hangin sa labas ng ospital?”

“Maganda nga’ng balita yan.” alangan na sagot ni Gado. May halong kaba dahil kahit makalabas sila sa ospital alam niyang isa siyang malaking alagain para sa kanyang asawa.

“Oh bakit parang hindi ka masaya?” hinimas pa ni Loren ang mukha ng asawa, matapos makita ang lungkot sa mata ng lalaki.

“Pasiyensya ka na mahal, hindi ko gustong pahirapan ka sa pag-aalaga mo sa akin.”

“Ay ‘sus nagdrama ang mama!” sabay pisil ni Loren sa pisngi ni Gado.

“A-ARAAY!” halos mapasigaw si Gado sa gulat, nang panggigilan ng magandang asawa ang kanyang mukha.

“Ang isipin…