Ipusta Mo Asawa Mo! (Episode 3)

‘Yung pakiramdam na nanduon ka pero wala kang magawa. Alam mo ang mga nagaganap sa paligid mo pero hindi mo maigalaw kahit man lang daliri mo.

Iyon ang mga huling ala-ala ni Gado bago siya tuluyang mawalan ng malay, matapos masaksak ng bagong trabahador na minalas pumusta sa nakalaban niya.

Sa nakalabang nilampaso niya. Si Richard Robles, na mas kilala sa pangalang Askad.

Pero sa isip ni Gado, siya naman ang nanalo bakit parang siya pa ngayon ang nadehado?

***

Ganoon na naman ang nararamdaman niya.

Bakit hindi siya makagalaw?

“Dalawang linggo ka nang nakaratay dito sa ospital.” sabi ni Poldo, ang matandang katrabaho niya sa construction, na mag-isang dumalaw sa kanya sa semi-private room ng ospital.

“‘Yung bagito na dumale sa iyo may nagpyansa, ngayon yata hindi na mahanap.” habang inilalapag ang ilang piraso ng prutas na kanyang nabili mula sa kanilang ambagan sa trabaho.

“Kaya nga nu’ng nalaman ko na nagising ka na, at wala ka na sa ICU, dinalaw na kita para mangumusta.”

Hirap man ay pinilit ni Gado na magsalita.

“Natamaan daw ang spine ko, pero konting therapy lang daw, baka maibalik na ang dating galaw ko.” sabi ni Gado na parang sarili niya ang kinakausap. Pilit pinapaniwala ang sarili na muli siyang makatatayo at makakalakad.

Pero sa kalagayan ni Gado ngayon na tila nakadikit ang likod sa kama ng ospital, parang mahirap nang maniwala. Hindi nga niya magawang magalaw ang kanyang ulo, katawan pa kaya.

Hindi na lang naiwasang tumulo ang luha sa kanyang mata, wala na siyang pakialam kung makita man ni Poldo na umiiyak siya.

Hindi lang siya ngayon inuulan ng kamalasan, nasa gitna na siya ng delubyo.

Naputol na lang ang usapan ni Gado at Poldo nang dumating si Loren kasama ang bestfriend nito na si Mika. Si Mika na nagtratrabaho sa canteen sa construction site, kung saan si Loren naman ang kahera. Mas bata ng dalawang taon si Mika kay Loren, mas malaman ito, pero maipagmamalaki rin ang hinaharap.

“Mahal, nagpasama lang ako kay Mika, na bumili ng makakain at supplies na kakailanganin dito.” paliwanag ni Loren habang ipinapatong sa ibabaw ng maliit na mesa ang isang plastic bag na naglalaman ng mga pinamili. “Mabuti na nga lang at nagkasya pa ang budget ko.” dugtong nito.

“Wag kang mag-alala sagot lahat ni Engr. Robles ang mga gastusin sa pagpapaospital sa iyo dito.” muling paalala ni Loren sa asawa kapag nababanggit ang pera.

“Eh, ‘sus dapat lang no! Ikaw ba naman magkaroon ng human cockfighting sa loob pa mismo ng kompanya mo, tapos nagkasaksakan pa!” mataray namang singit ni Mika, nakapamewang pa at parang sinesermonan ang kaibigan niyang si Loren.

“Kung magsalita ka naman parang hindi ka nakinabang sa mga pustahan doon,” sabat naman ni Poldo kay Mika. “Ilang beses ka ring humamig kapag pumupusta ka kay Gado.” pang-aasar pa ng matanda sa maganda at chubby na si Mika.

“Aba dapat lang ‘no, ilang beses na rin ako’ng naging premyo sa pustahan na ‘yan.”

Tinutukoy ni Mika na hindi lang si Loren ang pinaglalabanan sa fight club na iyon, kung tutuusin si Askad lang ang madalas na humirit na si Loren ang maging premyo. Sa ibang laban mas maraming beses na ring katawan ni Mika ang kanyang pinangtataya, kapag nanalo siya sa pustahan, pera ang panalo niya, pero kapag natalo siya kasta ang pambayad niya. Iyon ay kung sa ibang suntukan siya pupusta, pero kung kay Gado na laban, siguradong pera ang naiiuuwi niya.

“Kaya dapat Gado bilisan mo ang magpagaling para malampaso mo ulit mga maliligalig sa construction site.” pagbibigay lakas ng loob sa asawa ng kaibigan.

“Wala na. Itinigil na ni Engr. Robles ang fight club,” malungkot na sagot ni Poldo. “Ayaw niyang mademanda baka sa susunod tuluyan nang magkapatayan.”

“Pinalabas na nga nilang dahilan ng away sa pera ang saksakan na nangyari, malaking eskandalo kung malaman ng mga developer na may kalokohang ginagawa mga contractor na kinuha nila.” dagdag pa nito.

“Oh siya, uuwi na ako Gado…” napatingin pa sa kanyang relo si Poldo habang nagpapalam. “Loren, Mika kayo na bahala d’yan sa tropa ko.”

Nakaalis na ang matanda nang biglang humirit si Mika.

“Tingnan mo yung matandang ‘yon, akala mo ang bait-bait, kung makakantot sa akin daig pa ang hinete ginawa akong kabayo, hmp!” naalala tuloy ni Mika nang minsang nakapustahan niya si Poldo at natalo siya. Parang bata na nakabusangot, na siya namang tinawanan ni Loren habang si Gado naman ay pilit na rin nakikitawa.

Sanay na ang mag-asawa sa asal ni Mika, dati kasi itong call girl, pero noong nakilala si Loren ay nagbagong-buhay na daw siya. Ngayon serbidora na sa canteen, at madalas kasa-kasama ni Loren sa mga online video niya na nagsasayaw.

“Hoy, kung alam nyo lang pati puwet ko gustong butasin ng kumag na ‘yan!” nakapagsasalita ng malaya si Mika sapagkat sila lang ang tao sa semi-private na kuwarto na kumpanya na ang sumagot.

Bagama’t alam ni Gado na may nangyayaring ganoong pustahan, wala siyang alam na pati ang kaibigan ng kanyang asawa ay kasali sa ganoong bagay. Malayo sa orihinal na plano ng fight club ang nangyari, dapat sana ay isang mano-mano upang hindi lang maipakita kung sino ang matatapang at matitibay, kung hindi pati na rin makapagpalabas ng anumang sama ng loob, samakatuwid isang stress-reliever lang dapat ang fight club, parang yung sa pelikula. Pagkatapos ng suntukan, walang pikunan.

***

Matulin namang lumipas ang ilang linggo, nagagawa nang maiupo si Gado at naigagalaw na niya ang kanyang kamay at braso, ngunit sadyang mahina pa rin ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, may mga therapy session naman para muling bumalik ang lakas sa mga ito, sadyang nakukulangan lang si Gado at gusto na niyang kumawala sa tila kulungan na kinalulugmukan niyang wheelchair ngayon!

Hindi naman nagkukulang sa pag-aalaga si Loren sa kanya, halos hindi na nga siya iwanan nito sa pagbabantay. Hindi na ito nakakapasok sa canteen bilang kahera. Nawawala lang ito sa paningin ni Gado kung pupunta sa opisina para kumuha ng panggastos. At sa mga oras na wala si Loren lalo na at nasa opisina para makipagkita kina Engr. Robles, iba ang naiisip niya.

Malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang pagbabanta na nabasa niya. Na may nagtatangkang umasawa kay Loren, lalo na ngayon at baldado siya. Kung sino man iyon, malaya nitong magagawa mga maiitim na plano niya. Dahil walang matapang na Gado ang haharang at magpapatumba sa kanya.

Ayon sa mga nasagap ni Gado na impormasyon, simula nang malipat si Askad sa ibang site, maging sa opisina ay madalang na itong magpakita. Dahil sa pamangkin ito ni Engr. Robles, sa loob din ito ng Robles compound nakatira, may sarili siyang bahay na tinutuluyan kung kaya’t pagkatapos ng shift nito, ay hindi na ito naglalagi sa loob ng construction site, kung hindi kinakailangan.

“Oh Mahal, gising ka na pala?” kadarating lang ni Loren, at dahil sa nakapang-alis na suot nito, alam ni Gado na galing ito sa opisina.

“May maganda akong balita sa iyo, sabi ni Doc, baka next week maaari ka nang makalabas,” excited pa na napaupo si Loren sa tabi ni Gado para ibigay ang balita. “Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Ang makalanghap ng hangin sa labas ng ospital?”

“Maganda nga’ng balita yan.” alangan na sagot ni Gado. May halong kaba dahil kahit makalabas sila sa ospital alam niyang isa siyang malaking alagain para sa kanyang asawa.

“Oh bakit parang hindi ka masaya?” hinimas pa ni Loren ang mukha ng asawa, matapos makita ang lungkot sa mata ng lalaki.

“Pasiyensya ka na mahal, hindi ko gustong pahirapan ka sa pag-aalaga mo sa akin.”

“Ay ‘sus nagdrama ang mama!” sabay pisil ni Loren sa pisngi ni Gado.

“A-ARAAY!” halos mapasigaw si Gado sa gulat, nang panggigilan ng magandang asawa ang kanyang mukha.

“Ang isipin mo, na mapabilis ang recovery mo. Hindi naman tayo habangbuhay papasanin ng mga Robles.” sabi ni Loren. “Kaya’t kailangan mo nang makatayo at makabalik sa pagtatrabaho.”

“Ano ba’ng sabi sa opisina?” tanong ni Gado sa asawa, sapagkat alam niyang doon galing ang asawa.

“Hindi ko alam.” sagot naman ni Loren.

Sa sinabi ni Loren biglang naguluhan si Gado. Dahil sa tuwing umaalis ang asawa, alam niyang sa opisina lang ang dapat na pinupuntahan nito.

Napansin naman ni Loren ang tanong sa mga mata ni Gado.

“Naka leave si Engr. Robles mga dalawang linggo na. Kaya sa bahay nila ako pinapupunta, para kumuha ng allowance, at magbigay ng resibo.” paliwanag ni Loren.

“Eh di nakikita mo si Askad doon?” biglang tanong ni Gado sa magandang asawa.

“Ano ka ba Gado, ang tanda-tanda mo na Askad pa rin tawag mo mo kay Richard, eh ‘di ba kababata mo rin yun?” tanong ni Loren sa kanyang asawa.

“Alam mo naman ang dahilan ng lagi naming pagtatalo eh,” hindi maiwasan ni Gado na mainis ng kaunti nang malaman na hindi sa opisina nagpupunta si Loren, kung hindi sa Robles compound, kung saan pwede siyang makita ni Askad.”Masama balak sa iyo nung taong ‘yun!”

“Kung kaya niya ito.” pangisi-ngisi pa si Loren habang nagflex ng kanyang maliit na muscle sa braso, na parang pinapakitang hindi uubra sa lakas niya si Askad. Isa pa kahit, nakakabangga ni Gado si Askad, naituturing pa rin ni Loren na isa nila itong kaibigan, medyo nagiging presko lang si Askad lalo na kapag nalalasing, kung ano-ano’ng kalokohan ang lumalabas sa bibig nito. Wala naman iyon kay Loren, sanay na siya sa mga ganoong klaseng pambobola.

“Pero maiba ako, dahil nalaman ng may-ari ng apartment ang nangyari sa iyo at halos dalawang buwan na tayong hindi nakakabayad sa renta, nagtext sila sa akin na humanap na daw tayo ng malilipatan.” balita ni Loren sa kanyang asawa habang nagpapainit ng tubig sa electric pot. “Kaya’t nagtanong-tanong na rin ako kay Mika baka may kakilala siyang nagpaparenta kahit room for rent.”

“Walang problema sa bagay na ‘yon.”

Nagulat ang mag-asawa nang biglang may nagsalita sa kanilang likuran, hindi nila namalayan ang pagdating ng isang bisita.

“Oh Danny, pupunta ka pala dito kakagaling ko lang sa inyo kanina.” masayang bungad ni Loren sa dumating na matalik na kaibigan ng kanyang asawa. Ngunit dirediretso lang ito papunta sa tabi ng kamang kinahihigaan ni Gado.

“‘Yung problema ninyo sa malilipatan ako na bahalang kumausap kay Daddy,” habang inilalagay ang isang basket ng prutas sa bahagi ng paanan ni Gado. “May bakanteng unit sa compound, habang nagpapagaling ka Gado, pwede kayo doon tumuloy.”

“Sabihan mo lang ako Loren kung kailan hahakutin mga gamit ninyo para ma set ko schedule ng delivery truck na gagamitin.”

“S-Salamat pare…” nahihiyang pasasalamat ni Gado.

“Huwag mo’ng intindihin ‘yon p’re, sa tagal ng ating pinagsamahan tayo-tayo lang ang magtutulungan.” sabay mabilis na kindat ni Danny kay Loren na hindi naman nakaligtas sa mabilis na paningin ni Gado. Na siya namang parang nagpakilig kay Loren.

“Okay then, napadaan lang ako dito para ihatid ‘tong fruit basket, sige alis na ako text mo ako Loren ha.” nagmamadaling paalam ni Danny.

“Sige bye.” kakaiba ang ngiti ni Loren habang nagpapaalam kay Danny.

Nakaalis na si Danny nang hindi mapigilan ni Gado ang magtanong.

“Textmate kayo ni Danny?”

“Ano namang masama doon? Remember siya pa nga ang nagpakilala sa ating dalawa?”

Naalala nga ni Gado na si Danny ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Loren, tatlong taon na ang nakararaan.

Kay Richard, o Askad dapat irereto ni Danny si Loren, pero aksidenteng naunang nakilala ni Loren si Gado. Tuluyan nang binakuran ni Gado si Loren, at dahil sa tikas ng tindig at pananaw sa buhay ng binata mabilis nahulog ang loob ng magandang dalaga, hanggang sa makasal sila.

“At saka ite-text ko siya kung kailan maglilipat ng bahay, ang dumi ng isip nito.” pagbibiro pa ni Loren.

***

Dumating ang araw ng paglilipat ng bahay, halos buong araw walang paramdam si Loren. Masama ang loob ni Gado sa sarili, na sa halip na siya ang namamahala sa paghahakot ng kanilang mga gamit, ang kanyang asawa pa tuloy ang mamomroblema.

Naputol lang ang pag-iisip ni Gado nang makareceive siya ng isang message mula sa kanyang misis.

Dito na kami. Hay, sa wakas nahakot na lahat ng gamit.

Ang message na ipinadala ni Loren, kasunod ang ilang pictures na nagpapakita ng mga hinakot na gamit sa bago nilang tutuluyang bahay, sa loob ng Robles compound.

Ilan din ang mga nakita ni Gado sa picture na kanyang mga kasamahan sa trabaho, na tumulong sa paghahakot ng kanilang gamit.

Baka sa makalawa makita mo na ito.

Tinutukoy ni Loren ang nalalapit niyang paglabas sa ospital, ang kanyang therapy session ay gagawin na lamang sa out-patient department sa schedule ng balik niya. Samakatuwid, duon na rin siya tutuloy sa bagong bahay sa loob ng compound, pansamantalang maninirahan hanggang sa gumaling at makabawi siya.

Sa pagscroll niya sa mga pictures na kanyang nareceive hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang pamilyar na mukha.

Si Askad!

Napapagitnaan nila ni Danny at Askad si Loren, nang kunan ang picture na ito. Nagawa pang umakbay kay misis, ang kupal!

Dahil sa kalagayan ni Gado, muli na namang umatake ang kanyang insecurities. Naririto siya lugmok sa wheelchair kahit na ilang araw na lang at makakalabas na siya ng ospital, pero alam niyang hindi na maibabalik ang dati niyang tindig.

Sa ilang buwang nakaratay siya, may mga araw na wala si Loren sa kanyang tabi. Ano ba ang malay niya kung may ibang pumupuno sa mga nagiging pagkukulang niya sa kanyang magandang asawa? Magtatatlong buwan na ring walang dilig si Loren, mula nang maospital siya.

Ang isipin na may ibang kumakantot kay Loren, hindi na yata kakayanin ni Gado!

Ngayon sa kanilang pagtira sa poder ng mga Robles, muli na namang pumupusta si Gado.

At si Loren na naman ang maipangtataya niya.

Suntukan. Basagan ng mukha. Sa kalagayan ngayon ni Gado, wala na itong kwenta.

Dahil ang ikapapanalo niya sa laban na ito, ay nakasalalay kay Loren. Sa mismong tao na ipupusta niya.

Hindi na ang pagiging astig niya ang alas niya sa larong ito.

Kung hindi ang pagiging tapat ni Loren sa sinumpaan nilang pagmamahalan.

***

3 yrs ago.

Incoming call…

“Bro may ipakikilala ako sa ‘yo, panalo ‘to.”

“Oh, masarap ba?”

“Garantisado bro, subok na ‘yan! Send ko picture sa’yo.”

“Ang hot bro, saan mo nakilala ‘yan?”

“Sikretong malupet! He he he! Pero wag kang mag-alala, hindi tayo kumukuha ng may sabit!”

“Pucha, kung saan-saan ka na naman kumukuha ng bebot, magkano ba ‘yan?”

“Iyun nga lang medyo pricey bro, mataas pa rating, pero within budget mo ‘yakang-yaka!”

“—-“

“Wag kang mag-alala ‘Chad, bago pa ako nakasubok d’yan, dumaan na kay Daddy ‘yan!”

“Mga malulupet talaga ang mag-amang Robles, he he he. Kailan mo ba ako ipakikilala?”

“Easy ka lang ‘tol, ka-message ko na siya ngayon, dadalhin ko sa site, doon kita introduce.”

“Pero parang pamilyar sa akin ang mukha n’yang chick na ‘yan…?”

“Dami niyang video online, lambot ng katawan, sarap gumiling.”

–End call–