Habang nagtataas-baba ang balakang ng babae sa ibabaw ng lalaking may matipunong pangangatawan. Pinipisil pa ng lalake ang mabilog na puwet ng kanyang katalik, upang lalong bumaon ang matigas na 7 pulgada niyang burat sa naglalawang pekpek nito.
Napakagandang tingnan ng tumatalbog-talbog na suso ng babae, at ang maganda nitong mukha na nagpapakita ng ekspresyon na sarap na sarap sa kanilang ginagawa.
Hinanap-hanap niya ang sensasyong dala nito.
Bakit pa kasi sila nagkahiwalay?
Ngayon, kung magkikita man sila sa trabaho, tanging kaswal lang ang kanilang pagtuturingan. Walang ilangan. Anumang personal na nangyari sa kanila noon, wala na ‘yon.
Pero paminsan-minsan kapag tinatamaan sila pareho ng libog. Kapag ang isa ang nagyaya. Alam na na ang kasunod.
Sa motel na lang magkikita.
Katulad ngayon. kahit busy sa trabaho, matapos matangap ang text message na nagyayaya ang dating kasintahan. Hindi na siya nag atubili.
Kantutan kasama ang dating karelasyon. Since sanay na sila sa isa’t-isa. Kilala na nila ang kiliti ng kapareha. Fuck buddy ang naging bagsak nila.
Sex lang, wala ng feelings.
Pero sana magbalik pa sila sa dati nilang pagsasama. Binata siya. Dalaga naman ito.
Ang tanging humahadlang na lang ang kanilang trabaho.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” bagaman wala sa kanyang posisyon ang mag-alala, hindi pa rin naiwasang magtanong ni Jaime sa kanina lang ay katalik niya.
Katatapos lang mag shower ng babae, hubo’t-hubad na nagpapatuyo ng buhok na nakaupo sa tabi ng kama.
“Nag-aalala ka yata, Sir?” may tonong nang-aasar ang babae, patuloy sa pagkuskos ng tuwalya sa kanyang pinatutuyong buhok.
“Hindi ko naman maiiwasang hindi mag-alala,” lumapit pa ito sa babae at dahan-dahang hinimas ang makinis nitong hita. “Tiwala naman ako that you are well-trained para sa ganitong sitwasyon, pero…”
“Pero ano?” may pagkairitang tanong ng babae. “Gagawin ko ito dahil sa sinumpaan ko’ng tungkulin!”
Hindi na nakipagtalo si Col. Jaime Perez, sa kanyang dating kasintahan. Ang dedikasyon ng babae sa kaniyang trabaho ang naging dahilan nga ng kanilang paghihiwalay. Swerte na nga lang minsang nagagawa pa nilang magkantutan, kahit paminsan-minsan.
“Kapag nadeploy ka hindi na tayo magkikita madalas.” hinalikan na lang ni Jaime ang balikat ng babae tanda ng kanyang panunuyo dito. Dinakma ng kanyang kamay ang suso nito, dahan-dahan niya itong nilamas. “Hindi na natin ito magagawa Capt. Geraldine Santos.”
“Malay mo naman,” gumanti naman ng halik ang magandang opisyal. “Besides, don’t call me by my real name anymore.”
“Call me Lorena…”
…Lorena Madrigal
Maingay. Binabayo ng drilling machine ang matigas na lupa na pagbabaunan ng pundasyon. Mahirap magkarinigan.
“Loren for short.” iniabot ng magandang babae ang kanyang palad upang makipagkamay sa lalaking kaharap niya bilang tanda ng pakikipagkilala. “Ako ang bagong cashier sa canteen.”
“Hey, hindi mo ba siya kakamayan?” biglang nasabi ni Danny Robles, ang arkitekto na anak ng may-ari ng kompanya na nagpakilala sa dalawa. “Bakit natulala ka na d’yan? Hahaha!”
“Ha, ah eh Edgardo…Gado na lang.” sagot ng lalaki, nakahawak sa malambot na kamay ng bagong kahera sa canteen. Matagal-tagal na ring hindi nakadampi sa malambot na balat ang mga makalyong palad ni Gado. Kaagad naman niyang binawi ang kamay at mabilis na nagpaalam sa babaeng nagpakilala. “S-Sige Danny maiwan ko muna kayo, may iche-check lang ako. Loren, nice meeting you.”
Sa dinami-dami ng tao dito bakit sa akin pa ipinakilala ni Danny ‘yun? tanong ni Gado sa sarili habang naglalakad papalayo. Pasimpleng sumulyap pabalik para muling masilayan ang kaninang nakamayan.
Ang ganda pala niya…
“Ser Gado…” tawag ng driver ng excavator na nakasalubong niya. “Balita ko may pa-tournament ka ulit na gagawin sa sabado, pwede ba sumali?”
—
Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang matinding galit sa kanyang puso.
Sinisisi ang sarili na naging sunud-sunuran sa lahat ng bagay na ipagagawa sa kanya.
Kung hindi lang siya nagpabaya buhay pa sana ang kapatid niya!
Buhay pa sana si Rhea!
“Kasal?” nabiglang nasabi ni Richard nang marinig ang paalam ng kanyang nakababatang kapatid, katabi nito na nakaupo ang kasintahan na 6 yrs ang tanda sa dalaga, si Edgardo ang kanyang kababata. “Ano’ng kalokohan ‘to Ed?”
“Brod alam mo namang matagal na kaming magkasintahan ni Rhea,” paliwanag ni Edgardo sa kababata. “Kaya nga kahit nasa tamang edad na siya ay nagpapaalam kami sa ‘yo bilang ikaw na lang ang natitirang pamilya niya.”
“Marami ako’ng pangarap sa kapatid ko Ed, masyado pa siyang bata.”
“Kuya naman eh, nung nagsabi ako sa’yo kagabi nag-okay ka naman.” pamaktol na sabat ni Rhea, nasa 24 yrs old, habang ang kanyang kasintahan na si Edgardo ay 30 yrs old na. “Tapos ngayon bigla kang magda-drama!”
“Bakit sino ba’ng may sabi na hindi ako papayag?”
“Eh kasi sabi mo…” napahinto sa kanyang pagsasalita si Rhea nang maisip ang nasabi ng nakatatandang kapatid. “Si Kuya talaga nakakainis!”
Napuno ng tawanan ang maliit na silid na siyang barracks ng construction site, na siyang tahanan ng mga stay-in na trabahador. Kung saan doon din pansamantalang nakatira sina Rhea at Richard.
“Basta brod, alagaan mo ang kapatid ko ha,” habang nakaakbay pa si Richard kay Edgardo. “Alam mo’ng nag-iisang prinsesa ko ‘yan.”
“Huwag kang mag-alala Richard, halos magkakadugtong na ang mga bituka natin.”
Handa ko’ng ialay buhay ko kay Rhea!
—
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo Richard?” tanong ng matanda habang inaalog ang yelo na nakababad sa brandy na nasa baso niya. “Bubot pa kung maituturing ang kapatid mo, tapos kasal na agad ang aatupagin?”
Maagang pinatawag ni Engr. Romeo Robles sa kanyang opisina ang tumatayong assistant niya na si Richard Robles.
Hindi maikakaila na ang dating magbabasura na literal na napulot ng tumatayong kumupkop sa kanila, ay isa na ngayong professional. Nakapagtapos ng Business Administration sa isang kilalang unibersidad, ginagamit ngayon ni Richard ang kaniyang natutunan upang manilbihan sa Robles Construction. Biglang pagtanaw ng utang na loob.
Inampon ni Engr Romeo Robles ang magkapatid na Richard na Rhea, matapos niyang nakitang nagkakalkal ito ng basura, naghahanap ng makakain. Itinuring niya itong parang tunay na anak, ngunit para sa magkapatid, kahit pamangkin lang ay sapat na sa kanila.
Sapagkat iisa lang naman ang anak ni Engr. Robles, Si Danilo Robles.
“Malapit nang bumalik galing Amerika si Danilo,” tinungga ni Engr. Robles ang brandy sa baso. “Gusto kong maging assistant niya si Rhea, kahit isang taon lang para naman mapakinabangan niya ang kanyang napag-aralan.”
___
“Bakit ka pumayag?” naguguluhang tanong ni Edgardo sa sinabi ng kanyang nobya na si Rhea nang dumalaw siya sa bahay nito.
“Isang taon lang naman Ed,” sagot ni Rhea sa kanyang katipan, hindi maiwasang mayakap ang lalaki upang mawala ang tampo nito. “At saka, hindi naman ako mawawala, magkikita pa rin naman tayo dito.”
“Hindi naman iyon ang problema ko du’n Rhea, pwede ka naman magtrabaho sa kanila,” paliwanag ni Edgardo kay Rhea. “Pero bakit pati ang kasal natin kailangang madamay?”
Isang mahigpit na yakap na lamang ang isinukli ni Rhea kay Edgardo. Wala na rin namang mangyayari kung magtatalo pa sila. Bilang kanilang pagtanaw ng utang na loob sa mga Robles, kailangan niyang magtrabaho kay Danny bilang assistant nito.
“Salamat nga pala dito sa regalo mo na singsing ha,” ipinakita ni Rhea kasy Edgardo na suot na niya ang singsing na may paru-parong dekorasyon, nakabukas ang pakpak nito ay nagyayaya na abutin nila pareho ang kanilang mga pangarap. “Hayaan mo mabilis naman lilipas ang isang taon, pagkatapos noon ay iyong-iyo na ako.”
—
Lumipas ang ilang buwan nang magtrabaho si Rhea kay Danny, napansin ni Edgardo na naging madalang na ang pagkikita nila ng kanyang nobya, kung kaya’t nakipagkita na siya kay Richard upang makibalita.
“Kahapon pa siya hindi umuwi, akala ko nga sa iyo siya tumutuloy, hindi lang isang beses nangyari ito.” sagot ni Richard, halatang kulang pa sa tulog at nag-aalala sa kanyang nakababatang kapatid. “Kapag tatanungin mo naman kung ano’ng nangyayari hindi naman sumasagot.”
“Nakausap mo ba si Danny tungkol dito?” tanong ni Edgardo sa kanyang kaibigan. Sa ilang buwan na hindi nila pagkikita ng kaibigan kaagad napansin ni Edgardo ang malaking pagbabago dito, na ang dating mukhang kagalang-galang ay nagmukha ng tambay, ang bigote’t balbas ay hinayaan nang tumubo, ang buhok ay hindi na nasusuklay, at panay-panay na ang hithit ni Richard ng sigarilyo, habang ang damit na dati ay plantsado ngayon ay nagta-tyaga sa pagsusuot ng gusot-gusot.
Nakatulala lang si Richard, hinihithit ang sigarilyo at inuubos ang kape. Doon lang din nabalitaan ni Edgardo na naiba na ng trabaho si Richard mula sa pagiging assistant ni Engr. Robles, at ngayon ay naging property custodian.
Dahil sa walang nakuhang impormasyon mula kay Richard, nakipagkita na lang si Edgardo kay Danny upang makakuha ng impormasyon.
“Ah,. Ga’do my man!” salubong ni Danny kay Edgardo nang makitang palapit ito sa kanya. “What brings you here my boy?”
“Sir Danny, Edgardo po ang pangalan ko.”
“I know, but your name sucks! From now on you will be called Gado, short for Edgardo, yuck!!! Saying your name out loud really leaves a bad taste in my mouth!” maarteng pagkakasabi ni Danny habang kaharap si Edgardo.
Hindi na lang pinansin ni Edgardo ang mga naging komento ng kaharap. Mas mahalaga ang impormasyon na kailangan niyang malaman.
“Gusto ko lang po’ng malaman kung mayroon kayong balita tungkol kay Rhea?”
“I heard she’s your girlfriend, right?” pangisi-ngising tanong ni Danny kay Edgardo. “That girl’s something else, alam mo ba’ng ilang araw na siyang hindi nagrereport sa akin? Baka akala niya hindi dahil binigay ni Dad ang kanyang pangalan sa kaniya ay magagawa na niya lahat ng gusto niya?”
“Hindi naman po ganu’n si Rhea.” depensa ni Edgardo sa kanyang nobya.
“Whatever, just tell her when you see her, that she’s fired!” galit na sagot ni Danny, at kaagad na tinalikuran si Edgardo.
Naguguluhan man ang isipan kaagad na nagpunta si Edgardo kay Engr. Robles, nagbabakasakaling makakuha ng impormasyon tungkol sa kanyang nawawalang nobya.
“Alam mo Edgardo, may nakapagsabi sa akin na sumama daw si Rhea sa isa sa mga kliyente,” sabi ni Engr. Robles habang tinitingnan ang mga files sa kanyang mesa, na tila may hinahanap. “Baka may nakarelasyon siya hindi natin alam.”
“Hindi ho ganoon si Rhea, alam n’yo ho iyon.” depensa ni Edgardo na nagtitimpi dahil sa pagbibintang na ibinibigay ng mag-ama sa kanyang nobya.
“Hindi natin masasabi, iba na ang nagagawa ng pera ngayon.”
Masakit man sa loob ni Edgardo, upang makaiwas sa malaking gulo lumabas na lamang siya ng opisina ni Engr. Robles. Hindi niya alam kung saan hahagilapin ang nawawalang nobya. Mahirap hanapin ang ayaw magpakita sabi ng mag-ama.
—
Lumipas ang ilang buwan, kahit anino ni Rhea ay hindi na nagpakita kina Richard at Edgardo. Dahil doon, lalong nalulong sa alak at bisyo si Richard at tuluyan nang napabayaan ang sarili. Samantalang si Edgardo naman ay tumutok na lamang sa pagtatrabaho.
Patuloy sa pagpasok ng mga bagong kliyente sa kompanya. Kung saan-saan nadestino si Edgardo para isupervise ang mga operator sa construction site. Hindi na niya rin madalas makita ang mag-amang Robles.
Ngunit hindi niya nakakalimutan si Rhea.
Ang galit na namumuo sa puso ni Edgardo ay nalalapit nang sumabog. Minsan gusto na niya sumigaw ng malakas. Gusto niyang manakit. Gusto niyang makita si Rhea, gusto niyang malaman kung nasaan na ang minamahal niya.
Hindi niya nakakalimutan si Rhea.
Nang makita ni Richard si Rhea isa na lang itong malamig na bangkay, nabubulok na itinambak sa isa nilang construction site na na-abandona dahil sa kakulangan sa pondo. Walang naging imbestigasyon na naganap dahil ang sabi sa medico-legal ay drug overdose ang sanhi ng kanyang ikinamatay, tatlong-buwan itong buntis at sinasabing doon sa mismong lugar na iyon siya binawian ng buwan.
Kung papaano nakarating si Rhea sa lugar na iyon, walang nakakaalam.
Kung sino ang nakasama ni Rhea, walang nakakaalam.
Isang malagim na ala-ala na lamang si Rhea.
Ala-ala ng nalimot na nakalipas.
—
“Bakit tayo nandito Richard?”
“Dito sa lugar na ito namatay si Rhea, Ed. Dito namatay ang kapatid ko!”
“Pitong taon na ang nakalilipas brod, patahimikin na natin ang kaluluwa ng kapatid mo.”
“Hindi mo naiintindihan kung papaano ko gustong maghiganti, gusto ko’ng durugin ang mag-amang Robles, dahil alam ko’ng may kinalaman sila sa nangyari sa kapatid ko!”
“Alam ko iyon pero, pero hindi naman napatunayan ang koneksyon nila sa pagkamatay ni Rhea. Kung gaganti ka sa kanila ikaw lang ang mapapasama!”
“Madali para sa iyo ang magsalita ng ganyan Ed, kasi may Loren ka na! Samantalang ako kahit kailan hindi na maibabalik ang kapatid ko! Huhuhu!”
“Kahit kailan hindi ko nakakalimutan si Rhea, alam mo ‘yan. Walang kinalaman si Loren dito!”
“Pwes patunayan mo! May plano ako para mapabagsak ang mga Robles, kailangan ko ng tulong mo!”
“Isa lang ang mahihiling ko Richard, anuman ang gagawin natin huwag na huwag mong idadamay si Loren.”
“Si Loren? Kailangan siyang madamay dahil siya ang ipupusta mo!”