Ipusta Mo Asawa Mo! (Episode 8)

“Welcome back!”

Isang maliit na salo-salo ang ihinanda ni Engr. Robles sa kanyang opisina para sa opisyal na pagbabalik ni Gado.

Matapos ang walong buwan, matapos ang pagkakasaksak sa kanya ay sa wakas ay nabigyan na siya ng medical clearance upang makabalik sa trabaho.

“Akala namin hindi ka na makakabalik eh,” biro ni Danny kay Gado kaharap ang kanyang ama at si Loren habang nasa opisina. “Sa araw-araw na kasama ko si Loren, napapagkamalan na kaming mag-asawa. Hehehehe!

“Hey Danny, Ed is here.” saway ni Engr. Robles sa kanyang anak. “Behave.”

“Aw, c’mon Dad, alam naman ni Gado that I’m just kidding!” biglang bawi ni Danny.

Kahit alam ni Gado na biro lamang ni Danny ang lahat hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng kaunting pagseselos, dahil nga sa ilang buwang magkasama si Danny at Loren. Na hindi imposibleng may mangyari sa pagitan ng dalawa, tanging ngiti na lamang ang isinusukli ni Loren noong mga oras na iyon.

“Maraming salamat ulit Engr. Robles, sa pagpapatuloy ninyo sa amin sa compound, Danny malaki ang utang na loob naming mag-asawa sa inyo.” pag-iiba ni Gado ng usapan. ‘Bigyan n’yo lang kami ng ilang buwan at magagawa na namin na tuluyang makabangon.”

“Feel free to stay there all you want, besides para naman talaga sa employee ang unit na tinitirahan ninyo.” sagot ni Engr. Robles. “Mas napapalagay ang loob ko na kayo ang nakatira sa poder ko, lalo na’t madalas akong wala.”

“By the way Dad, nasabi mo na ba kay Gado?” biglang singit ni Danny sa usapan. “We’ve been looking for an assistant for so long, ito palang si Loren ay college graduate, bakit ka nagta-tyaga sa canteen?”

Alam ni Gado na graduate ng kolehiyo ang kanyang asawa ng kursong Commerce, pero hindi niya alam na balak pala nito ang mag-apply sa mga Robles. Parang muling may kumurot sa kanyang puso nang muling marinig ang mga senaryo na iyon. Ayaw na niyang maulit ang mapait na nakaraang pinagdaanan.

“Hindi pa naman namin napapag-usapan iyon.” sagot ni Loren, nakatingin sa naguguluhang si Gado. “Pero kung papayag si mahal, malaking tulong din iyon.”

“Ha…ah, eh. Ikaw ang may desisyon n’yan mahal.” walang nagawang sagot ni Gado, na daig pa ang natutukan ng spotlight sa mga oras na iyon. “Kailan n’yo pa napag-usapan ‘yan?

“Kahapon lang, nung dumating ako,” singit ni Engr. Robles. “Alam mo ba’ng bago magtrabaho sa canteen si Loren, dati siyang nagtrabaho sa isang shipping company?”

“Nasabi nga niya sa akin dati ‘yan, pero katulad ng sinabi ko kanina desisyon ni Loren yan kung mag-aapply siya sa kumpanya.”

“Iyon naman pala, eh di wala nang problema! Let’s have a toast for that!” masayang hirit ni Danny nang magyaya ng toast dahil sa magandang balita na narinig.

Mabilis na naisaayos ang pag lipat ni Loren mula sa pagiging cashier sa canteen upang maging assistant ni Engr. Robles. Si Mika naman ang naging cashier matapos marekomenda ni Loren. Dahil sa opisina naman magtatrabaho si Loren, naging panatag naman ang loob ni Gado.

Dahil sa balik-trabaho na si Gado, siya na ang laging kasabay ni Loren sa tuwing umuuwi sila. Doon na rin sila nakakapamasyal, naging madalas pa ang pagbisita nila sa breakwater para makapag relax ng kaunti. Minsan manonood sila ng sine, o di kaya’y mag de-date para lang makapag-unwind.

Hindi na rin masyado nakikita ni Loren si Mika, dahil sa ibang construction site ang canteen nito na-assign. Pero nakakapag-usap pa rin naman sila sa telepono paminsan-minsan.

“Mahal, ilang buwan na rin tayo dito sa mga Robles nakatira, gusto mo na ba’ng lumipat na tayo?” tanong ni Gado sa kanyang asawa, habang nakahiga na sila at naghahanda ng matulog. “Para kasing wala tayong privacy dito, marami ako’ng napapansin na bagong mukha na nakatira dito sa loob ng compound.”

“Nahalata mo rin pala ‘yun?” tanong ni Loren. “Sabi ni Mika, mga kinuhang tao ni Engr. Robles, na galing sa probinsya na maa-assign sa ibang site na pamsamantala na muna niyang pinatuloy dito sa loob ng compound.”

“Ano gusto mo na ba’ng lumipat tayo?” muling tanong ni Gado.

“Huwag na muna mahal, since nagtatrabaho na ako na assistant ni Engr. Robles, mas kailangang malapit tayo sa kanila para in case magpatawag siya mabilis ko siyang mapupuntahan sa kanila.”

“Ikaw bahala, sige mahal tulog na tayo.”

Katulad ng dati naging busy sa trabaho si Gado, hinabol ang matagal na panahong hindi siya nakapagtrabaho. Balik sa pagsu-supervise sa mga equipment operators.

RIIIINNNNGGGGG!!!

“Mahal, mauna ka na’ng umuwi ha.” paalam ni Gado sa kanyang asawa nang tawagan ito sa telepono. “May dadaanan lang ako.”

Isang tip ang natanggap ni Gado na may nakakita sa nakasaksak sa kanya at gusto niyang alamin ang tunay na dahilan kung bakit siya pinagtangkaang patayin. Nais niyang ilihim muna pansamantala kay Loren ang lahat, at kapag dumating ang tamang pagkakataon aaminin na niya ang totoong dahilan kung bakit siya patuloy na nagta-trabaho sa mga Robles.

Sa isang lumang sinehan sa may Recto ang napiling tagpuan nila ng magbibigay ng impormasyon sa kanya. Nakapagtataka na biglang magkaroon ng balita tungkol sa taong ilang buwan nang nawawala. May halo man na pagdududa kailangang malaman ni Gado ang katotohanan.

Walang katao-tao sa loob ng madilim na sinehan kahit patuloy ang palabas ng pelikula. Nagpalinga-linga si Gado nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa malapit sa fire exit at kanya itong nilapitan.

“Ikaw ba ang nag text sa akin?” tanong ni Gado habang dahan-dahang lumalapit sa nakaupong lalaki, na tahimik na na nanunood ng pelikula.

“H-Ha…ano ‘to?”

Hindi makapaniwala si Gado nang kalabitin ang lalaki, doon lang niya napansin na isang mannequin pala ang nakaupo dito. Na para siyang usa na nahuli sa patibong ng mga leon.

“Huwag kang gagalaw kung ayaw mo’ng magkalat ang utak mo sa sahig!”

“Danny ano’ng ginagawa natin dito?” hindi siya pamilyar sa lugar na pinagdalhan sa kanya ng boyfriend. Ang huli niyang naalala ay sakay siya sa kotse ni Danny at ngayon ay nangingibabaw ang dilim sa paligid, tanging ilang ilaw lamang ng gasera sa paligid ang makikita.

“Huwag kang mag-alala babe, ‘di ba marami kang tanong tungkol sa lakad namin?” papalapit si Danny na may kakaibang ngiti ngunit may itinatagong galit sa kanyang mga mata. “Ang dami mo’ng tanong tungkol sa kung saan kami pupunta… ano’ng gagawin namin… sino mga kliyente namin…”

“Alam mo ang bobo ko! Bakit ngayon ko lang naisip na ikaw ang nagbibigay ng tip sa mga pulis, dinaan mo ako sa kantot mo eh!” biglang sinunggaban ang buhok ng babaeng kaharap. “Marami kang tanong ‘di ba Mika? Para marami kang isususumbong!”

“ARAAAYYY! Danny hindi ko alam sinasabi mo!!” iyak na pagmamakaawa ni Mika na nanlalambot pa rin, marahil sa gamot na ginamit sa kanya na pampatulog. Kinakaladkad na siya ni Danny noon lang napansin ni Mika ang ilang tao na nakapaligid at nanonood lang sa kanila.

“Malaking pera ang mawala sa amin nang lumubog ang shipment! Namatayan pa kami ng kasosyo puta ka!” inginudngod ni Danny sa lupa si Mika. “Mabuti na…