Ipusta Mo Asawa Mo! (Finale)

“What do you mean he got arrested?”

Naguguluhang tanong ni Danny sa kanilang abogado na nasa kabilang linya, nang mabalitaang dinakip ang kanyang ama na si Engr. Romeo Robles. “Do you have an idea where he is?”

“Do you know how much we pay you, you useless piece of—?” galit an tanong ni Danny sa kanyang kausap sa telepono, ngunit binabaan na siya ng kausap bago pa man niya matapos ang sasabihin. “Hello..? Hello..? You motherfucking leech!”

SHIT! SHIT! SHIT! SHIT!

Pinagsisipa na lang ni Danny and bangkay ng lalaki na nakagapos at nakahandusay sa harapan niya. Ibinubuhos ang kanyang gigil sa bugbog sarado na katawan na kanina lamang ay tinadtad ng bala pagkatapos nilang pinahirapan.

“You! You worthless piece of shit!” halos mahiwalay na ang ulo ng bangkay nang sabunutan ni Danny ang buhok ng lalaki na maga ang mukha sa gulpi. “We trusted you, we fed you, and this is the return that we got!”

Muling ibinalibag ni Danny sa sahig ang ulo ng bangkay. Gugulong pa sana ito palayo kung hindi lang nakakapit pa ang maliit na piraso ng laman na nakadugtong sa leeg nito.

“Ihanda ang mga bata, kailangan nating ilabas si Daddy!” utos ni Danny sa kanyang mga tauhan, habang isinusukbit ang kanyang 10mm Smith & Wesson na revolver.

“Paano ‘to boss?” tanong ng kanyang tauhan kung ano ang gagawin sa bangkay.

“Hayaan mo na ‘yan dito mabulok.” dire-diretsong lakad ni Danny palabas. “Bagay naman ‘yan si Askad dito! Hehehe.”

Duguan at butas butas ang katawan, matapos paulanan ng bala si Richard Robles, na kilala rin sa pangalang Askad. Pinahirapan ng todo at pinaamin ng grupo ni Danny ang ampon ng kanyang ama. Nais nilang malaman kung sino ang asset ng mga pulis na nagsusumbong ng kanilang mga galaw.

Ngunit higit pa sa bugbog na natanggap ni Askad kanina, ang sakit na kanyang nadama matapos aminin sa kanya ni Danny na mismong si Engr. Robles pa ang gumahasa at pumatay kay Rhea.

Sinabi ni Danny na parusa niya iyon sa kanyang ama, dahil alam niyang kaya na-assign si Rhea bilang kanyang assistant halos sampung taon na ang nakararaan, ay upang manmanan siya.

Ngunit mas tuso siya sa kanyang ama.

Sinabi ni Danny na isang business meeting ang kanilang dadaluhan nang sadya niyang pinagamit ng droga ang ama, at nang malakas na ang tama nito ay ipinagahasa at ipinapatay na rin niya si Rhea dito, magmula noon ay hawak na ni Danny sa leeg ang kanyang ama. Hindi na ito maka-kontra sa kanyang mga plano nang magsanib sila ng pwersa ng drug cartel sampung taon na ang nakararaan.

Alam ni Richard na doon na matatapos ang kanyang hinagpis, at muli na silang magkakasama ng minamahal niyang kapatid na si Rhea. Kahit makailang ulit hampasin ang kanyang lamog na katawan, tanging ngiti na lamang ng kanyang kapatid ang kanyang nakikita.

Sa tuluyang pag-upos ng kanyang buhay, kahit maga-maga ang kanyang mukha isang ngiti sa kanyang mga labi ang sadyang mapapansin.

Ang hinihintay na lang ni Richard, ang muling pagdampi ng malambot na palad ni Rhea na susundo sa kanya patungo sa walang-hanggang kapayapaan.

Breaking News!!!

Nasakote ng pinagsamang pwersa ng Drug Enforcement Agency, at Anti-Organized Task Force ang kinikilalang drug lord na si Romeo Robles, na maliban sa koneksyon nito sa drug cartel ay sinasabing sangkot din sa ilang serye ng pagpatay…

…natagpuan din sa property nito ang tone-toneladang ipinagbabawal na gamot at sinasabing isa sa mga exit point na kumukunekta sa serye ng tunnel sa kailaliman ng kalakhang metro manila!

“Now we’re fucked!” sabi ni Danny habang pinanonood ang balita sa TV tungkol sa pagkakaaresto ng kanyang ama. “We cannot even post bail…FUCK!!!”

“Sayang lang ang perang binabayad namin sa inyo kung hindi ninyo siya kayang ilabas!” hindi na malaman ni Danny ang kanyang gagawin, matapos malaman sa kanilang mga abugado na wala silang magagawa para makalaya si Engr. Robles.

Ang masaklap pa nito noon lang nalaman ni Danny na si Loren ang siyang undercover agent na siyang naging mata at tenga ng mga awtoridad sa kanilang kumpanya.

“Si Gado? May nakakaalam ba kung nasaan si Gado?” tanong ni Danny sa kanyang mga tauhan.

“Kalma lang…”

Hindi makapaniwala si Gado na siya ay mabibihag ng mga armadong kalalakihan sa lumang sinehan sa Recto. Ilang araw na rin siyang nakatali sa kanyang kinauupuan, nag-aalala kung ano na ang nangyari sa kanyang minamahal na asawa, si Loren.

“Sino kayo…?”

Nagdatingan ang ilang unipormadong pulis, hindi makita ni Gado ang iba sapagkat nakatalikod ang pwesto niya sa pintuan.

“Hindi mo kami kaaway Edgardo.” sagot ng isang unipormadong pulis na humarap kay Gado. “Ako si Col. Jaime Perez, mula sa Drug Enforcement Agency.”

“Kung ganoon bakit ako nandito?” kahit wala sa posisyon na magtanong nilakasan na lamang niya ang kanyang loob, halos rinig na ang pagkabog ng kanyang puso sa kaba.

“Kami ang magbibigay sa iyo ng proteksyon.”

Pamilyar kay Gado ang boses na kanyang narinig, sa ilang taon na nilang pagsasama alam niya ang boses ng kanyang asawa…

“Edgardo, meet Capt. Geraldine Santos, pero mas kilala mo siya sa pangalang…”

“…Lorena?” hindi maintindihan ni Gado ang mga nangyayari. “Prank ba’to?”

“This is not a prank Edgardo,” tatawa-tawang paliwanag ng unipormadong pulis. “I will let Capt. Santos explain all the details.”

Habang nakagapos si Gado, nanlulumo sa kanyang mga narinig na eksplanasyon mula sa babae na kanyang minamahal na si Lorena. Hindi maiwasan ni Gado mapatingin sa ganda ng kanyang asawa kahit ngayon ay nakausot pa ito ng uniporme ng pulis. Malayo sa nakasanayan niyang makita sa kinikilala niyang asawa.

“Ibig mo’ng sabihin, walang bisa ang ating kasal dahil hindi mo naman totoong pangalan ang ginamit mo?” maluha-luhang tanong ni Gado sa babaeng kanyang kaharap.

“I’m sorry Mr. Torres, kinailangan ko’ng mag undercover upang mapalapit sa mga Robles at ikaw ang tao na tanging makakatulong sa akin.” sagot ni Capt. Santos sa tanong ni Gado. “Noong una, isa ka sa mga suspect dahil sa fighting competition na isinasagawa mo, akala namin na kasama sa pagsasanay ng mga tauhan ng mag-amang Robles ang ginagawa ninyong suntukan.”

“Pero noong pinagbalakan ka rin nilang ipapatay, doon na naging malinaw sa amin ang lahat na wala kang kinalaman sa organisasyon nila.” sagot naman ng isa sa mga opisyal na nanduon.

“Alam mo ba na kaya ka gustong ipapatay ay para maagaw nila si Capt. Satos, si Loren sa iyo?” sabat ng opisyal ng pulis. “And the audacity na gawin mong pantaya si Capt. Santos sa mga kalokohan ninyo! Para sa akin sapat na dahilan na iyon para mabulok ka sa kulungan!”

“I went along with it as part of my cover.” biglang singit ni Capt. Santos, nang nararamdamang umiinit na ang usapan. “Luckily hindi natalo si Gado sa mga laban niya.”

“Pero si Askad…si Richard?” muling naalala ni Gado ang kanyang kababata, kung ilang araw na siyang nanduon, ano na ang balita sa kaibigan niya?

“Ilang araw na kaming walang balita sa kanya. Suspetsya namin na ipinadukot siya ni Danny, maging si Mika nga ay nawawala rin!” sagot ni…