Sa kada sabong ay nananalo ako ng beinte hanggang otsenta pesos. Kung tutuusin, maliit na halaga lang ‘yan sa ngayon ngunit tatlong dekada na ang nakakaraan ay malaking halaga na ‘yan kaya nabibili ko halos lahat ng gustuhin ko. Doon nagsimula ang hilig ko sa pakikipag-pustahan.
Upang mas tumaas pa lalo ang tsansa kong manalo ay ginagawa ko ang mga payo ng kaibigan ko para mas maging malakas at matapang ang alaga kong gagamba…
Ginugutom ko ang mga alaga ko isang araw bago ang laban nila para hayok sila sa pagpatay sa makakalaban nila. Sinusunog ko ang kanilang mga itlog pati na mga anak matapos iyon ay ipalalanghap sa kanila ang usok upang mas lalo silang maging mabangis!
Wala akong pakialam sa kung ano pa man ang mararamdaman ng munting gagamba. Ang tanging mahalaga para sa akin ay ang sarap ng pakiramdam sa tuwing nananalo ako sa laban…
Higit sa lahat ay ang mga perang naibubulsa ko kapalit ang buhay nila.
“Oliver! Diyos ko! Pati ba naman ang pambayad natin sa tubig at kuryente winaldas mo lang sa putang inang sabong na ‘yan?” hiyaw ng misis kong si Linda na bumasag sa malalim kong pagmumuni-muni tungkol sa nakaraan.
Halos kakaupo ko lang sa sofa upang magpahinga galing sa nakakapagod na pagtatrabaho, pero heto ang misis ko at mabahong bunganga agad ang isinalubong sa akin! Natalo lang ako ng limang libo sa sabong ng manok ay pumuputok na agad ang butse n’ya!
“Saan na tayo kukuha ngayon ng pera pambayad?” desperadong tanong ng asawa kong nilosyang na ng panahon. Napaluhod siya sa sahig, humihikbi habang inis na sinasabunutan ang sarili, masyadong madrama, akala n’ya yata’y nasa PBB kami. “Kahit nga pambili ng pandesal bukas wala na tayo!”singhal pa niya.
Napa-iling na lang ako matapos iyon ay marahas na nagbuga ng malalim na buntong hininga. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating sexy at katakam-takam kong asawa ay tila isa nang gorilyang busog ngayon. Bukod sa tumaba na siya ng makailang beses ay nangitim pa ang leeg at batok niya! Tama talaga ang kasabihang madali lang kumupas ang kagandahan.
Noong nasa kolehiyo pa lang kami ni Linda’y isa siya sa pinakamaganda at seksing estudyante sa kampus. Tanda ko pa kung paano ako nabighani ng husto sa kanyang mapanghalinang alindog kaya ginawa ko ang lahat para maging akin siya.
Marami akong kaagaw sa panliligaw kay Linda, mayaman at mapera ang iba, mayroon pang mga de-kotse at matalino. Habang ako nama’y hamak na gwapo lang, karismatiko at talaga namang makalaglag bra at panty ang appeal.
Dahil nga sa artistahin kong dating at porma ay ako ang napili ni Linda sa dami ng manliligaw niya. Pagkatapos niya akong sagutin ay agad-agad kong inangkin ang kanyang pagkababae… Wala na akong intensyong pakawalan pa si Linda kaya binuntis ko na agad siya. Dahilan upang mahinto siya sa pag-aaral. At least ay solong solo ko na siya at wala nang makakaagaw pa.
Nakakalungkot lang na tuluyan nang naglaho ang ganda at kaseksihan ng asawa ko. Mahigpit ko naman kasing ibinilin sa kanyang h’wag maglalako ng turong saging at banana cue kada hapon. Kaya ko naman silang buhayin na mag-ina basta swertehin lang ako sa pagtaya…
Mayroon naman akong matatag na trabaho bilang ahente sa isang sikat na pharmaceutical company dito sa Laguna. Maganda ang sahod ko pati mga benepisyo, kada buwan ay may nakukuha akong bonus dahil palagi kong nahihigitan ang sales quota… Marami kasi akong suking botika at doktora, salamat sa karisma at galing ko sa kama kasama na syempre ‘don ang mataba at mahaba akong alaga.
Ang mga target ko tala…