Kung kaya’t muling nabalot ng takot ang mga taga-baryo, na kung maaari ay iniiwasan nila ang maabutang nasa labas ng bahay ng dis-oras ng gabi.
Kabilugan ng buwan.
Kahit nakasarado na ang lahat ng bahay sa paligid, nananatiling bukas at may ilaw ang bilyaran na madalas tambayan ng mga kabataan sa maliit na baryo.
Ngunit simula nang kumalat ang balita tungkol sa namiminsalang aswang, wala nang nangahas na magpaabot pa ng gabi sa kalsada.
“Mga bahag ang buntot!” bulalas ni Bruno, nasa 30 yrs old kilalang maton sa kanilang baryo, sabay tungga sa maliit na baso na naglalaman ng gin na itinagay sa kanya.
“Nag-iingat lang siguro pare, mahirap na baka nga totoo ang sinasabing aswang na gumagala.” paliwanang ni Fredo, kaedaran ni Bruno, at matalik na kaibigan na siyang mag-ari ng bilyaran at bahay kung saan laging nakatambay ang magkakabarkada.
“Pati ba naman ikaw pareng Fredo naniniwala sa mga aswang-aswang na iyan?!” medyo napalakas ang boses ni Bruno, marahil ay dahil na rin sa kalasingan. “Makabago na ang mundo ngayon!”
“Basta pareng Bruno huling bote na ‘to ha, magsasara na ako, kanina pa ako tinatawag ni misis sa loob.” sabi ni Fredo habang unti-unting nagliligpit ng kalat sa bilyaran.
“Nanghihinayang ako sa kinikita mo pare eh, dati inaabot ka ng madaling araw dito, ngayon alas-siete pa lang sarado ka na!” patuloy na paliwanag ni Bruno sa kaibigan.
“Okey lang iyon pare, importante ay ligtas ang pamilya ko.” ipinatong na ni Fredo ang tolda sa ibabaw ng pool table upang matakpan ito, senyales na oras na ng ligpitan at tuluyan nang magsasara.
Habang abala si Fredo sa pagliligpit, hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang tila isang tao na nagmamasid sa kanila ni Bruno, nakatago pa ito sa sagingan katapat ng bilyaran.
“P’re, simplehan mo lang ha, parang may nakatingin sa atin nakatago sa sagingan.” bulong ni Fredo kay Bruno, nang makalapit ito sa kaibigan na tuloy pa rin sa pag-inom ng alak.
“S-Saan?!” alisto si Bruno na tila nawala ang pagkalasing nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Kaagad niyang hinawakan ang dala niyang itak at nagpalingon-lingon.
Nang tingnan ni Fredo ang direksyon ng sagingan nakita niyang nanduon pa rin ang nagtatago na nakatingin sa kanila. Doon lang napansin ni Fredo na isa pala itong babae.
“Sino ka?” tanong ni Bruno, sa babaeng nagtatago sa sagingan. Nagsimula na silang lumapit doon, nakahandang bunutin ang dala-dalang itak.
Sa halip na sumagot bigla na lang tumakbo palayo ang babae.
“Hoy! Bumalik ka dito!” sigaw ni Fredo sa papatakbong babae.
“Kilala mo ba yun?” tanong ni Bruno kay Fredo habang hinahabol ang babae.
Hindi na nagawang makasagot pa ni Fredo, dahil nakihabol na rin ito sa tumatakbong babae.
Mabuti na lang at maliwanag sa sagingan dahil na rin sa kabilugan ng buwan, kitang-kita ng dalawa ang mabilis na pagtakbo ng babae.
Maliksi ang kilos ng babae, paliko-liko sa mga puno ng saging, nililito ang dalawang humahabol sa kanya.
Nang walang anu-ano’y biglang nagbago ang anyo ng babae, naging isang malaking paniki na ikinabigla nila Fredo at Bruno.
“N-Nakita mo ba ‘yun?!” tanong ni Bruno kay Fredo. Napahinto ang dalawa nang makita ang pagbabago ng anyo ng babae.
“Aswang yun pare…!” sabi ni Fredo na natigilan na rin habang minamasdan ang papalayong malaking paniki.
Pumapagaspas ang malaking pakpak ng aswang habang ito ay lumilipad papalayo.
Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumakbo pabalik sila Fredo at Bruno. Nabalot ng nerbiyos ang katawan nang makakita ng babaeng naging paniki, ng isang babaeng aswang!
Wala pang isang minuto narating nila ang bilyaran, tuluyan nang nawala ang pagkalasing ni Bruno, matapos pagpawisan ng matindi sa dahil sa ginawang paghabol sa aswang.
“Tanginang yan, nawala amats ko dun, ah!” reklamo ni Bruno, habang habol-hininga na nagpapahinga sa bilyaran ni Fredo.
“Kung ano-ano kasing pinag-gagawa ninyo, eh!” singit ni Minda, habang inaabutan ng tubig na maiinom sina Fredo at Bruno.
Si Minda, nasa 29 yrs. old, asawa ni Fredo. Seksi, maputi, may malulusog na dibdib. Dati nang niligawan ni Bruno, ngunit si Fredo ang kanyang nakatuluyan. Kahit may isa nang anak ay mukha pa ring dalaga.
“Naku Be, kung nakita mo ‘yung babae kanina, naging paniki!” sabi ni Fredo sa kanyang asawa. “Kaya pala ang bilis tumakbo may sa dimonyo pala!
“Aber, kung naging paniki yung aswang, nasaan yung damit niya nung nagbago iyon ng anyo?” sabi ni Minda, pilit pinapagaan ang usapan.
“Aba malay ko! Ako ba yung aswang?!” medyo napipikon na sagot ni Fredo sa biro ng asawa.
“Naku, pare tama na ‘yan. Basta alam natin ang nakita natin.” sabat naman ni Bruno na nahimasmasan na.
“Alam mo pare mabuti pa dito ka na magpalipas ng gabi, baka bumalik pa ‘yung aswang.” sabi ni Fredo kay Bruno.
“Okey lang ba kay Minda? Baka makaistorbo pa ako sa labing-labing ninyong dalawa, hehehe.” biro ni Bruno sa mag-asawa.
“Bakit? Hindi ka na…