Isang Minuto Part 1

BINABASA KO ANG sulat na ito gabi-gabi. Ipinabaon niya ang sulat na ito sa akin nung minsan ay pumunta ako sa Cebu para sa isang business summit.

Dear Jason,

From the moment our eyes met, our hearts knew what our minds couldn’t comprehend. I have never felt such an unexplainable love that we share. I could never find enough words to express my love for you. The feeling is so overwhelming that a moment without you is like a thousand years with the sun. I want to give to you the joy you have brought to my life.

You are…

Page 1 of 2

~~~

Nakilala ko si Kimberly sa birthday party ng aming big boss. Kaklase niya ang isa sa mga anak ni boss na noon ay nagdaraos ng kanyang ika-65 taong kaarawan. Napilitan daw sumama si Kim dahil na rin sa pangungulit ng kaibigan.

Nataon na magkatabi lang ang table namin kaya’t di ko siya malubayan ng tingin. Nahuhuli ko ang mga sulyap niya sa akin. Kumakabog ang dibdib ko, hindi sa nerbyos kundi dahil sa parang excitement. Si Kim, ay morena, maliit sa taas na 5’1. Mahamba ang buhok, na simpleng naka laso lang sa likod. Payat. Sa distansiya nang aking kinauupuan, hindi ako maaring magkamali kung sino ang kahawig niyang artista – Angel Aquino.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

Ang party ay ginawa sa isang ballroom ng isang hotel. Marami ang dumalo dito dahil bukod sa mga kliyente ng aming kumpanya, naging tanyag ang aming boss dahil dati siyang kalihim ng noon ng Ministry of Budget, dekada otsienta bago pa man tumiklop ang Rehimen Marcos.

Gusto ko ang aking posisyon, dahil magkatabi kami ni Kim. Maamo ang kanyang nag niningning na mga mata.

Nasira lang ang mood ko ng marinig ko ang aming division chief na nasa stage, hawak ang microphone..

“Ladies and gentlemen, at this point, we’d like to call our representative from our division, our newly hired accountant Mr. Jason Sedilla, whom we’ve heard, have this gift in music..”

Isa itong supresesa at wala naman talaga sa lista ng programa.

“Mr. Sedilla, if you could please join me here, and share with us a number or two.. of your talent, aside from calculus of course.. please..?

Nagtawanan at nagpalakpakan. Nakatingin na lahat sa akin ang mga tao, pati ang celebrant na nasa presedential table.

Nakangiti ako pero ang totoo, asar na asar ako. Ayoko ng ganitong surpresa. Ayoko na kasi ng kumakanta sa entablado. At sana hangga’t maaari kalimutan ko na ang aking nakaraan sa paglilibut kung saan-saan sulok na may mga folk houses sa Metro Manila — me maitustus lang ako sa aking pag aaral.

Sinulyapan ko si Kim, medyo may halong ningning ang mata niya ng makitang ako ang tinatawag dahil sa akin nakatingin ang mga tao sa paligid. Sa Dami ng alam kung kanta, tila wala akong maisip ng gabing iyon. Pero parang ang babaeng ito sa tabi ko ang nagsilbing inspirayon sa naisip kung kanta.

Lumakas ang loob ko. Tumayo at tinungo ang mababang platform sa unahan. Dinampot ko ang isang acoustic guitar duon saka pumuwesto sa stool na nasa gitna na meron ng nakahandang mikropono. Ikinabit ko sa second fret ang capo.

“Ah, pagpasensiyahan nyo na po, it’s been years since ng natigil ako, kaya wala na pong practice. Pero para po ki Sir Louie ang aming boss, Happy Birthday po. Para din po ito sa lahat at mga kasama ko sa SGV Company.”

Ibinaling ko ang paningin sa bisitang si Kim. Tahimik ang paligid ng laruin ko ang kuwerdas sa kantang pinasikat ni Sting.

SHAPE OF MY HEART.

Sa intro pa lang, narinig ko ang malakas na palakpalakan ng lahat. Kahit medyo nasisilaw ako sa spot light, nakita ko si Kim, tila na-impress sa itinatago kung talent.

Hanggang sa matapos ako.

***

Pasado alas dyes na ng medyo kukunti na lang ang mga tao, nagpa-alam na ako sa aking ibang kasama na umiinom pa. Sa lobby, nadaanan ko si Kim na naka-upo at naglalaro sa kanyan cellphone. Napansin niya ako.

Nagka ngitian kami.

“Hi..” Sabi ko.

“Hello. Ang galing mo kanina. I like the song. Very romantic.”

Nahiya ako pero, nagpasalamat na rin.

“T-Thank you.”

Napansin niyang paalis at palabas na ako.

“Medyo maulan sa labas, kaya hinihintay ko tumila.” Sabi uli nito.

“Ha ..?” Liningon ko ang aking kaliwa kung saan makikita sa glass wall, malakas nga ang ulan.

Mag-co-commute lang ako, kung susugod ako sa labas tiyak mababasa ako. Sa kanan, bukas pa ang restaurant at jazz bar ng hotel.

“B-baka, gusto mo, mag coffee muna tayo..” Sabi ko sa kanya, sana pumayag.

Nilinga niya ang bukas na Resto sa hotel.

“Hindi ako nagkakape eh”

Patay. Nagkamot ako ng ulo.

“Pwede ako ng tea.”

Napangiti ako.

***

Sa tig-isang tasa ng kape at tsa at dalawang slices ng ref-mango creamed cake, marami kaming nalaman sa isa’t isa sa loob ng mahigit dalawang oras. Ewan kung bakit panatag si Kim sa akin. Napasarap ang kwentuhan namin dahil tila walang balak tumigil ang ulan sa labas. Nalaman ko na si Kimberly ay katatapos lang ng medical proper sa UP. Taga Cabanatuan. Nag-iisang anak. Doktor ang kanyang ama at dating nurse ang kanyang ina. Naghahanda na siyang kumuha residency, baka daw sa Ospital ng Maynila o sa PGH.

Naikwento ko naman sa kanya na ako ay taga Legazpi City. Hindi ko na inabutan ang aking ina na namatay ng maaga dahil sa atake sa puso. Lasenggo to-the-max ang aking ama, na ang huling balita ko, apat na taon ng hindi umuuwi. Pinag aral ako ng aking lola hanggang high school. Nakahanap ng scholarship at sinuwerte namang makapag aral sa San Beda. Me dalawa pa akong kapatid na nag aaral sa probinsiya. Dalawang taon na akong nakapagtapos ng accountancy at pinalad na makapasa agad sa CPA board. Ang SGV Accounting firm ay pangalawa ko ng trabaho. Galing na ako sa Department of Finance. Halos wala pang isang taon, nilayasan ko ang gobyerno, dahil hindi kinaya ng aking sikmura ang malawak palakasan, pakapalan at harap-harapang nakawan.

Pages: 1 2 3 4