Isang Minuto Part 5

Umiiling lang ako.

“Kumain ka na ba?” Tanong niya muli.

Napatingin ako sa kanya, at muling umiling.

“Halika, nag luto ako. Sabayan mo ako. Late na nag text si Eric na uumagahin siya.. baka mapanis ito.”

Buti pa si Bing. Parang masaya at normal lang ang lahat. Buti pa silang mag-asawa siguro’y mas nadagdagan ang init nila sa kama matapos ang gabing yun. Tumayo ako at inilatag sa pasamano ang aking gitara. Saka sumunod sa loob ng bahay nina Bing.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

Nakaramdam ako ng lungkot sa bahay na ito na dati’y puno ng sigla. Hindi nalalayo sa simoy ng aming bahay ngayon. Sa hapag kainan nakahanda na ang pag kain, na sana’y para sa kanila ni Eric. Hanggang sa paupuin ako ni Bing. At lagyan ng aking pinggan. Inaagaw ko sana, ngunit nagpumilit siyang pag silbihan ako. Nakikiramdam lang ako sa bawat kilos niya. Hindi ko alam kung ang bahay, ako o siya pero nababalot ng kalungkutan ang tagpong ito.

Walang nagsasalita sa amin, hanggang inumpisahan niya ang maliliit na subo habang pilit na inilalayo ang kanyang mukha sa aking paningin. Natanto ko na tila bigat ring pasan ngayon, ang balikat ni Bing kaya’t minabuti kung huwag ng dagdagan pa at isantabi ang mga naguunahang mga tanong sa aking isip.

Nung natapos ako, kusa kung dinala ang aking plato upang huagasan. Sumunod na rin si Bing at inilagay niya ang plato niya doon. Tinapos ko na lahat habang nililinis niya ang dining table. Nagpupunas ako ng kamay, saka ko lang muli narinig ang tinig nito.

“May beer sa ref, if you want.”

Pero sa kalagayang ito, hindi beer ang panangga ng aking isip, upang maging matatag.

“Thanks, I think matutulog na ako.” Sabi ko. “Salamat sa dinner.”

Naglakad ako papalabas, ngunit hindi pa ako nakararating ng pinto.

“Jason, nag-usap na ba kayo ni Kim?”

Nilingon ko lang siya at umiling.

“You have to talk to her, otherwise you could lose her.”

Natigilan ako. May malalim na ibig sabihin ang mga katagang iyon ni Bing. Tuluyan ko na siyang hinarap siya habang nakasandal sa pinto. Pinagmasdan ko si Bing habang nakatayo rin malapit sa kanilang sofa.

“Iba ang nararamdaman ko.” Sabi niya. Mahina, marahan.

Nangungusap na ang aking mata. Gusto kung arukin ang isip na nais ipahiwatig ni Bing. Pero gusto kong mas konkreto. Hanggang sa umusad ito..

“I think they’re having an affair.” Mahina pa rin ang tinig niya pero umaalingawngaw ang sinabing iyon ni Bing.

Nagkatitigan kami.

“Talk to her.” Sabi niya.

Tumango lang ako. Tumalikod.

***

Isang napakahabang araw sa opisina, na sa kabila ng mga trabaho at mga papel at mga tawag — isang napaka bilis rin para sa akin dahil halos wala ako sa sarili, buong maghapon. Inisip ko ang sinabi ni Bing. Paulit-ulit nan aka rehistro sa aking isip.

“I think they’re having an affair.” Mabigat na husga, pero napaka hina dahil walang basehan liban sa pakiramdam. Pero tama, dapat na nga siguro kaming mag usap ni Kim.

3:00pm, sa orasan ng opisina, tumunog ang aking cellphone. Text mula sa aking asawa. Naka hinga ako ng maluwag, ng makita ko ang kanyang pangalan. Binuksan ko ang inbox at saka binasa. Doon, parang kinuyog ang aking puso sa maikli niyang mensahe.

‘Jay, we need to talk. Wait u sa hosp. 5pm now.’

Kung dati me nasisilip pa akong pag-asa, sa istilo ng mensaheng ito — tinutuldukan na ni Kim ang aming pagsasama.

Parang pinupunit ang aking damdamin sa naiisip kung mangyayari ng mga sandaling iyon. Pero kailangan ko siyang harapin.

***

Bagamat madamdamin ang aming pagtatagpo nung hapong iyon sa harap ng ospital, pilit kung linakasan ang aking loob . Hindi ako nagtanong kung bakit at hindi ako nagmaka-awa para mag bago ang kanyang isip.

Hindi ko siya pinigilan.

Ipinag tapat sa akin ni Kim ang pagkikita nila ni Eric, halos araw-araw isang linggo lang matapos ang naganap sa aming apat. Nahihirapan na siya sa pagtataksil na ito, kaya minabuti niyang tapusin na lang ang lahat sa amin.

Mahal niya si Eric. Doon niya naramdaman ang hinahanap ng kanyang katawan.

Bagamat malungkot, malugod kung tinangggap ang pagkatalo at ibinaba ang aking aking mga kamay. Wala ng dahilan upang ipag laban ko pa ang aking karapatan dahil masyado ng malawak ang lamat na namamagitan sa amin. Sinabi ko ki Kim na mahal ko siya, at ang nais kung maging maligaya siya.

Hindi ako umiyak o nagpakita ng lungkot, lalo na nung huling hagkan ko siya at magpa alam. Nilabanan ko ang aking damdamin hanggang sa lumisan at tuluyang siyang mawala sa aking paningin.

Ang hindi ko nalabanan ay ang nadatnan ko sa aming bahay. Tahimik. Bukas ang aming closet at wala na ang mga gamit ni Kim. Malungkot sa tagpong ito, kaya naiyak ako sa aming silid.

Nanlalamig ang aking katawan, habang sinisinghot ang mga natitirang samy ni Kim na nakadikit pa rin sa unan at kumot. Hindi ko na nagawang buksan ang ilaw, o makapag bihis. Wala akong ganang kumain. hanggang sa makatulog akong lumuluha dahil sa panghihinayang sa aming magandang nasimulan.

Madaling araw na siguro nung ako’y naalimpungatan. Tila panaginip ang lahat, kaya kinapa ko ang aking kama ngunit ako lang ang tanging sarili ko lang ang nakahimlay roon. Gusto kung bumangon, pero parang hindi ko mai-angat ang aking sarili. Parang Pinupunit ang aking mga kalamnanan at tila minamartilyo ang aking ulo sa sakit na aking nararamdaman. Nahihilo ako kaya’t minabuti kung ihiga na lang ang sarili. Hanggang sa muli akong makatulog.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero me nararamdaman akong kaloskos sa aking silid.

“Jay..”

Naaninag ng halos pikit ko pang mata ang mukha na ang akala ko ay si Kim, papalapit sa akin. Gusto ko siyang tawagin, pero walang maiusal ang na tinig aking bibig, dahil masakit ang aking lalamunan.

“Jay..”

Nung tuluyan akong matauhan nakikilala ko kung sino ang bumubuhay sa aking ulirat.

Si Bing.

“Jay..”

Ginalaw ko ang aking kamay. Lumapit sa akin at dinampian ng palad ang aking noo.

“Me lagnat ka. Ang taas ah, ilang oras ka na bang ganito..”

Pages: 1 2 3 4