Isang Minuto Part 8 Finale

“Babes. Ano ba.. hoy..”

Paglingon ko, nakita ko si Kim. Luminga ako sa paligid. Nasa kotse kami. Ma-traffic.

Magkahawak ang kamay namin.

“Bilisan mo nagsisigawan na..” Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nanaginip ba ako? Mula sa aking bintana, me sumisigaw na isang driver.

“Putang ina kung di ka aalis, itabi mo kotse mo!”

Nasa Pedro Gil kami, papunta sa Aloha. Pagtingin ko sa relo ng dashboard..

5:01pm

Napasandal ako sa upuan. Hindi ako makapaniwala.

“So ano, mag decide ka..” Tinig ni Kim.

Sinamantala ko ang pagkakataon, hindi ako umimik, hinawakan ko ang manibela at inapakan ang gas pedal upang itakbo ang sasakyan. Makikita ang dadaanan ko sa intersection, ang kaliwang service road papunta sa hotel.

Kinabig ko ang manibela sa kanan. Alam ko na ang mangyayari sa kaliwa.

“Hindi tayo tutuloy..” Sabi ko.

“Hay salamat.. whew! Kanina pa ako nenernerbyos” Sabi ni Kim. “Yoko lang pangunahan ka pero hindi talaga kaya ng kunsensiya ko Babes. Thank you.”

Inabut ng labi niya ang pisngi ko at hinalikan. Mainit.

Tumango lang ako. Natauhan na ako. Hindi ako nanaginip. Totoo ito. Hanggang sa may marinig akong text message beep mula sa cellphone ni Kim.

“O, nagtext si Ate Bing.” Sabi niya.

Napapikit ako. ‘Buhay si Bing. Buhay si Bing’ Sabi ko sa sarili.

“Anong sabi?” Tanong ko.

“Ito, sabi niya. Kim, Jason, sorry pero I can’t do it. I don’t know kung bakit we are letting ourselves na mahulog sa sa trap ni Eric. Hindi ito tama. Selfish si Eric. I am leaving him. Finally. Hindi ako na makakarating sa hotel. Please love each other and live happy forever. I love you both. You’re so perfect to each other at nakaka-inggit kayo. Ingat. –Ate Bing.”

“Awwww ang sweet ni Ate Bing. Buti nga ki Eric.” Sabi ni Kim.

Nakahinga ako ng maluwag habang binabagtas ang papalayong daan sa Aloha.

“So, saan na tayo..?” Lambing ni Kim.

“Tagaytay, Batanggas anywhere.. naka leave ka naman.”

“Nong gagawin natin?” nakangiti si Kim, nakatingin sa akin.

Tiningnan ko ang rearview mirror, wala akong kasunod kaya itinabi ko ang kotse at ihininto.

Tiningnan ko si Kim. Hinawakan ko ang kanyang batok at siniil ko siya ng halik. Bagamat nabigla, bumigay rin si Kim. Saglit na nag iskrima ang aming dila.

“I love you Kim. Mahal na mahal kita.” Sabi ko. “Huwag mo akong iwan please..”

Napahawak ang kamay niya sa bibig upang pigilan ang pagtawa.

“Loko, ba’t kita iiwan hihihi” Sabi niya. “So, ano nga’ng gagawin natin?” Lambing nito.

Nakangiti ako sa tuwa. Nag-uumapaw ang kaligayahan.

“Aanakan kita Kim”

“Wow, ang sweet.” Yinakap niya ako ng mahigpit at hinalikan. “Sige, let’s do that. Let’s do that babes.. I love you. I love you very much” Bulong niya.

Umiling-iling ako. Hindi ako makapaniwala. Parang tumigil ng saglit ang aking kasalukuyan upang tuklasin kung ano ang aking kapalaran. At lahat na ito mabilis na pinag-daanan ko sa loob nang..

Isang minuto lang.

WAKAS