“Ay ganun ba? Ano ba yun, kaasar naman, sana magkasabay na lang tayo, 5 yung break namin eh”
“Edi mamaya na lang kaya bago ka umuwi, kain ulit tayo, 8 or 9 naman ang tapos nang training ko eh”
“Tagal ah, sige sige, saan ba tayo kakain?”
“Di ko alam, kung anong makita natin yun na lang”
“Adik lang? hahaha”
“Bahala na mamaya. Text kita pagnasa mega na ako ok?”
Then di na siya nagreply so kumain na ako. Then lumapit sa akin si Amanda and sit beside me dala yung tray nang pagkain niya, nagulat naman ako sa kinakain niya, half rice, vegies at tubig, parang ako ang nabitin eh.
“Ano ba namang pagkain yan? Parang di pa yata sasayad yan sa lalamunan ko ah?”
“Di kasi ako sanay kumain nang madami, kasi nga di ba, nagmomodel ako dati, so ayun, nasanay ako sa ganitong pagkain”
Habang kumakain ako, di ko naiwasan na mapansin ang paraan nang pagkain niya, ang tagal masundan nang isang subo nang kanin, siguro, if we do the math, ang ratio eh 1:3, nakakasubo ako nang 3 beses while siya eh 1 lang, talagang nginunguya nya yung food.
“Ang bagal mo pala kumain, hahahaha nakakatuwa ka panuorin ang sarap mong tignan kumain”
Napangiti siya noon mga time na yun at kinurot ako sa tagiliran
“ikaw pa nga, teka, may gagawin ka ba mamaya?”
“Meron eh, bakit?”
“Wala naman natanong ko lang”
Then after eating bumalik na kami sa training room at nagsimula na ang training. 1st day palang so wala masyadong ginawa kundi magpakilala, pagusapan ang mga basic knowledge na dapat namin malaman regarding sa mga dapat gawin sa work namin, parang ang dating eh orientation din. Matapo yun eh pumunta kami sa magiging working place namin at pinakita yung iba’t ibang tools na gagamitin, 2 lang naman yun eh, phone and computer, at meron pang 2 phone, the hard phone and soft phone. Then siguro medyo tinamad na din yung trainor namin, so pinauwi kami 45 minutes earlier. So nagamadali akong umalis. Then I texted Jamaica
“Maaga kami pinauwi, saan ka kumakain ngaun?”
Natataka ako kasi wala siyang reply sa akin, inisip ko na siguro eh may ginagawa lang siya, so I waited for 5 minutes bago ulet magtext and still no answer. Then nagdecide ako na pumunta sa workplace niya, baka sakaling nandun siya, pero di naman ako totally na pumunta, sa may harap lang at kunwari, nagwiwindow shopping ako, pero di ko inaasahan ang makikita ko, nandoon si PJ sa harap nang work ni Jamaica, may dala pang rose at regalo, maya maya, nakita ko si Jamaica na lumabas. Di ko alam kung anong gagawin ko so tumayo ako malapit sa may escalator, I camoulage myself along sa mga tao na nakatambay doon at nakatingin sa baba. I saw PJ, gave the rose and the gift, then he hugs her, medyo may konting kirot akong naramdaman noong time na yun, then, gusto ko sanang lumapit, kaso, inisip ko na baka mapasama pa si Jamaica. Then nagulat ako sa ginawa ni Jamaica, tinulak niya yung lalake at binato sa mukha nito yung bulaklak, lumabas yung isa sa kasamahan ni Jamaica kasi nakita nila na hinila ni PJ ang kamay ni Jamaica, ayaw pa din bitiwan ni PJ ang kamay niya at may lumapit na guard sa kanila at dun lamang bumitaw si PJ at dinuro pa si Jamaica. Kiunuha ulet ni PJ yung bulaklak at regalo at naglakad papalayo, then, nakita ko na parang umiiyak si Jamaica at inaalo siya nang 2 niyang kasama. Then, I saw her texting, nagulat siya nang marinig niya yung phone ko na tumunog, nakita niya ako na nakatingin sa kanya, she then walk papunta sa akin at niyakap niya ako. I did not say a word, and huged her back. Lumapit yung dalawa niyang kasamahan at tinanong
“Jam sino yan? Siya ba yung sinasabi mong bago mo?”
“Anong pangalan mo?”
Then binulungan nya yung kasama nyang isa, at pumasok sa loob, then nang lumabas dala na yung bag niya
“Ikaw na bahala magexplain kay madam ha, aalis na muna kami…”
“Jam, ingat kayo ha, mukhang may di gagawing maganda yung hudas na BF mo”
Then we walk habang nagpupunas siya nang mata.
“tong nina talaga yung hayop na yun, di na ako binigyan nang kahihiyan, nakakaasar, sinabi kong wala ako panahon para makipagkita sa kanya pero ang kapal pa din nang mukha para pumunta doon,”
Then I just hold her hands and ask her to sit for a while sa may upuan na malapiit sa amin, nadaan kasi kami sa tapat nang fastfood chain.
“Pasensya na ha, siguro nakita mo na niyakap ako nang gagong yun, galit ka ba?”
Hinawakan ko ang kamay nya at sinabing
“Oo galit ako, nagagalit ako di sayo, kundi sa sarili ko, kasi kung lumapit kaagad ako at di na nagalangan pa na pumunta agad, edi di kasana nya nasaktan na naman.”
Tinignan ko yung braso niya at nakita ko ang namumulang bahagi nito. Maputi kasi siya so kitang kita yung pamumula,
“g*g* yun, eto na ang huling paglapit na sa iyo, subukan ka pa nyang lapitan at di ko na alam kung anong mangyayari”
Ang sabi ko then tumayo siya sa likod ko at niyakap ako.
“Im really sorry, hayaan mo, di ko na siya rereplayan pa pagnagtext siya”
Then tumayo ako at ngumiti and then holds her hand and ask her
“Tara, gimmik tayo, punta tayo kung saan mo gusto, ikaw na bahala”
She then texted someone at nang nagreply sinabi niya sa akin
“Tara dun tau sa tinatambayan ko dati nung college ako, pakikilala kita sa mga college friends ko”