Joy: Sa Kamay Ni Mr Gervacio – (End)

Chapter 6 (end)

Sa loob ng sine, hinayaan niyang hawakan ni Jerry ang kanyang kamay. Pati na rin ang pagupo nito ng dikit na dikit sa kanya. Shoulder to shoulder. Paminsan minsan ay halos dikit na ang pisngi nito kay Joy kapag may ibinubulong si Jerry. Puro “thank you” sa pagpayag ni Joy sa imbitasyon nito.

Dama ani Joy na hindi mapakali ang binatang kaibigan. Alam niya ang intension nito kahit wala pa itong sinasabi. Expected niya na anytime soon ay magtatapat ito at hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Hindi niya maitatanggi na kahit papano ay may feelings siya sa binatang kaopisina. Magiliw at masuyo si Jerry. Hayagan na sa kanilang opisina ang pagkagusto nito sa kanya. At talagang nakaka-flatter ang atensyon at panahong binubuhos nito sa kanya. Dito siya sabik dahil sa malaking pagkukulang ng asawa mula pa ng malulong ito sa sugal. Dagdag pa rito ang marahas na trato at pagbababoy sa kanya ng dalawang manyakis.

————–

Sa isang magarbong restaurant sila nag dinner. Asiwa si Joy dahil alam niyang napakamahal sa lugar na yon. Pawang masasarap na pagkain ng nakahatag sa la mesa. Mamahalin din ang red wine. Sinikap naman ni Joy na sabayan ang masayang mood ng binata. Gusto niyang mag enjoy si Jerry sa kaarawan nito. Pinalampas niya ang madalas na haplos nito sa kanyang braso, ang paghawak sa kanyang kamay sa ibabaw ng mesa.

Sa loob ng kotse habang papauwi sa tinitirahan ni Joy, masaya silang naguusap ng mga bagay bagay tungkol sa mga kasamahan nila sa opisina. Nang biglang ipinara ni Jery ang sasakyan sa sidewalk sa hilera ng mga malalaking puno. . Ang mga malamlam na ilaw mula sa poste at mga nagdadaang mga sasakyan ang tanging nilang liwanag.

“Joy, I really like you.. I like to be with you not as a friend” Pagkasabi nito, niyakap sabay halik sa mga labi ni Joy. Medyo nagulat si Joy sa bilis ng pangyayari kaya napanganga ng bahagya. Sinamantala ito ni Jerry, pinasok ang dila ..hinagilap ang dila ni Joy.

Mahusay humalik si Jerry.

“Hmmmmmmmpp” Itutulak sana ni Joy ang binata pero nag dalawang isip. Hinayaan ng ilang sandali. Hindi niya alam kung ang init na unti unting bumabalot sa kanyang katawan ay ang naparaming inom ng red wine o sadyang sabik na rin siya sa romansa.

Ang halik na gusto sanang tikman sandal ay tumagal. Lumalim. Uminit.

Kapwa habol hinga ang dalawa ng matapos,

“Jeeerry.. wait…Jerry” hindi na natapos ang sasabihin pa ni Joy.

Muling naglapat ang kanilang mga labi. Humigpit ang yakapan. Ang haplos sa kanyang likuran ay gumilid, sumagi sa maumbok na dibdib hanggang ganap sa pumatong sa kabuuan nito. Gentle, napaka gentle ng masahe ni Jerry sa kaliwang suso ng asawa ni Victor. Namalayan na lamang ni Joy na nakapasok na ang kamay sa bra ng maradaman ang naglilikot na mga daliri sa kanyang utong. Tayong tayo ang utong.. Naninigas. Sabik na sabik sa hipo.

Ang lalim ng mga hininga. Ang singhap na pumuno sa loob ng sasakyan.

Patuloy ang mainit na sipsipan ng dila. Singhap lamang ang pahinga.

Lumakas ang loob ng binata. Pinasok ang isang kamay sa maigsing skirt ni Joy ..Bumaybay sa pagitan ng mga hita bago dahan dahan sumapo sa matambok na kalamnan. Kuminig ang kamay ni Jerry ng madama ang init duon. Hindi ito kayang ikubli ng manipis saplot na tumatabing duon. Bahagya na ring basa ang harapan.

Wala ng control ang binata. Naghalo ang damdamin at libog na kay tagal tinimpi, Sinalat ang guhit ng pagkababae ni Joy …bumaon ang manipis na panty sa namamasang gatla.

Dito na napaigtad si Joy. Bahagyang naitulak ang binata, bigla rin ang pag sara ng mga hita.

“Jerry wait…I’m sorry I can’t” Hindi makatingin sa binata habang inaayos ang kasuotan.

“Joy I’m sorry, I got carried away. Please don’t get mad at me”

“No, No Jerry, its not your fault. I wanted it too but I just can’t now ..you see. I ..I “

Sa taranta sa mga pangyayari hindi nito alam kung anu-ano ang pinagsasabi niya kay Jerry.

“Just take me home please” yun na lang ang minabuting sabihin .

————————

Matapos ang panyayaring yon ay medyo awkward ang sitwasyon nila Jerry. Partikular na para kay Joy. Pero hindi naman nagtagal at balik na muli sila sa dati. Pero hindi tumigil si Jerry sa panunuyo nito. Magkasabay pa rin sila mag lunch break. Minsan mag dinner sa labas at magsine. Pero maingat na si Joy. Hanggang halikan lamang sila at paminsan minsang haplos sa dibdib. Matiyaga naman si Jerry, Umaasang darating din ang araw at bibigay din ang mabait na asawa ni Victor.

Paminsan minsan namna ay sumasagi sa isip ni Joy ang asawa, Hindi maalis na magaalala. Kahit na nag memessage at tawag naman ito sa kanya tuwing may okasyon, Paasko, New Year, birthday niya at weding anniversary nila. Maikling kamustahn lang. Kaya hindi niya alam ang tunay na kalagayan ni Victor . Umaasa na lamang si Joy na maayos na ang buhay nito.

——————-

Patuloy naman ang pagdaan ng panahon.

——————

Sa klinika ni Dr Morales, isang psychiatrist.

“I must say your progress has been very impressive Victor. I am amazed, it takes a lot of will power and determination. Congratulations.” Nakangiting kinamayan nito si Victor.

“Thank you Dr Morales.” Ani ni Victor.

In this case, you need not see me every three months anymore. Lets see, hhmmmm”

“Okay, your consultation will be twice a year na lang.”

Hindi maalis-alis ang ngiti ni Victor habang nagmamaneho. Labis ang kaligayahan, habang binabalikan ang nakaraan.

Tandang-tanda pa niya nuong mga unang araw niya sa klinika ni Dr Morales.

Sa umpisa, bantulot siyang mag-open. Asiwa na magsalita tungkol sa kanyang damdamin at saloobin sa harap ng isang estranghero.

Pero nung mga sumunod na pagbisita niya dito ay unti-unting napapalagay ang kanyang kalooban.

Hanggang parang agos na dumaloy palabas ang kanyang saloobin…klaro at tuloy-tuloy ang kanyang paglalahad ng mga sensitibong bahagi ng kanyang buhay. Wala siyang tinago.

Ang panlalait na inabot sa kanyang Kuya Ver. Ang hayagang pagpabor na ama dito. Ang walang kapaguran niyang pagpupursige na umunlad, at mag-excel sa lahat ng bagay kahit pa walang suportang nakuha sa ama at kapatid .

Ang lahat ay para lamang niya makamit ang respeto… ang ganap na pagtanggap bilang anak, bilang kapatid. Kahit hindi na siya mahalin.

Kahit pa sobrang miss niya ang pagmamahal dahil sa unconditional na pagmamahal na naranasan sa yumao niyang ina.

“You know you have been emotionally scarred. And your deep and should I say, manic desire to prove yourself to your father and brother has taken its toll on your psyche” It has made you emotionally unstable and as such , you are very vulnerable, susceptible to any form of addiction as a coping and defense mechanism”.

You have become a compulsive gambler, an addict to gambling. Some people turn to drugs, alcohol or sex …even food.”

“Akala mo kasi pag nanalo ka at yumaman ka sa pamamagitan ng pagsusugal, ay matatanggap ka na nila. Rerespetuhin ka na nila. You are wrong Victor, VERY WRONG”

“Una, dahil kahit malaking pera na ang mapanalunan mo ay hindi ka pa rin titigil. Because it is the excitement , the thrill of winning and losing…the high you get from gambling is what drives you, is what you enjoy,. Why?, because it makes you forget everything that you want to forget.

Pangalawa, kahit pa yumaman ka ng husto, kapag talagang ayaw nila sa iyo, bale wala rin lahat yun.

Look Victor, remember this: You can control your feelings and actions towards other people. But, YOU HAVE NO CONTROL OVER WHAT OTHER PEOPLE SAY OF YOU..THINK OF YOU, THEIR ATTITUDE TOWARDS YOU” You cannot force your father and brother to accept you…no matter what you do. So stop proving yourself to them. It is eating you up…..destroying everything that is good in you. “

——————————-

At sa pagdaan ng mga araw, unti-unting nahahawi ang ulap na lumukob sa kanyang pagiisip. Tumimo sa kanyang puso at isipan ang mga sinabe ni Dr Morales. Lalo na bilin nito nuong huli niyang dalaw sa klinika.

“Tandaan mo hindi porke napipigilan mo na ang sarile mo na magpunta sa Casino, ay magaling ka na. You are not totally cured yet . Maari pang muling magbalik ang addiction mo, once dumanas ka na naman ng matinding emotional stress”

Salamat at naisipan niyang gamitin ang huling 150k na napalunan niya nun. Bago pa maubos ito ay nakahanap naman siya ng maayos na trabaho. Dahil likas naman siyang matalino (ang tanging magandang bagay na nakuha sa kanyang ama) at hindi naman siya nilaglag ng dating opisina ng hiningian ito ng referral ng bago niyang employer.

Maayos na ang kanyang buhay. Nagpapasalamat siya sa bawat araw na magdaan na hindi siya natutuksong mag casino.

Sa buong panahon na yun ay hindi niya ginambala si Joy. Nirespeto niya ang kahilingan nito. Pero paminsan minsan ay tinatawagan niya ito para kamustahin. Lalo na pag birthday nito. Pasko, Bagong taon at valentine’s Day. Kasama na ang kanilang anibersaryo. Saglit lang kung sila ay magusap. Para kasing laging nagmamadali si Joy at gusto ng putulin ang kanilang paguusap.

“Pero okay lang, sa bigat ba naman ng kanyang kasalanan” Aniya sa sarile. Tanggap na niya na wala na talaga sila.

——————

Likas na matalino at masipag sa trabaho. Kaya naging mabilis ang kanyang pag-asenso.

Maayos na ang kanyang kita. May inuupahan na siyang townhouse.

Madalas siyang maipadala sa iba-ibang bansa para sa mga conference, workshop/training. Meron din siyang alok na magtrabaho sa Amerika. Matagal na siyang kinukulet ng Amerikanong consultant ng kanilang opisina. Ilang buwan na rin niyang pinagiisipan kung tatanggapin ito.

Minsan sa isang mall sa Singapore, matapos ang isang morning conference , napadaan siya sa isang jewelry shop. Napatigil ng makita ang isang gold bracelet…paborito ni Joy ang ganung design… ang “Ankh” isang Egyptian symbol for “Life/fertility”. May isang maliit na diamond ito. Halos ganun din ang regalo niya nuon kay Joy nuong una nilang anibersaryo. Wala nga lang diamond.

Nanariwa sa kanyang alaala ang araw na kinumpronta siya ni Joy, umiiyak sa sama ng loob ng madiskubre na naibenta niya ang bracelet dahil sa sugal. Nangako siyang papalitan yun. Katulad ng mga pangako sa iba pang mahahalagang bagay na naisanla at naibenta niya.

Mga pangakong napako.

——————————-

Isang araw, lunch break. Lumabas ng opisina si Victor. Lakas loob na pununtahan ang asawa sa opisina nito. Birthday ni Joy.

Sa lobby, ang lakas ng kabog ng dibdib Victor habang naghihintay sa elevator paakyat sa 18th floor, pinapraktis ni Victor kung ano ang magandang sasabihin sa asawa.

Nang bumukas ang pinto ng elevator. Nagulat si Victor ng makita si Joy. Masaya ang mukha. Nakangiti. Napapagitnaan ito ng mga kasama. Mga babae at lalake. Mukhang may lakad. May katabing lalake. Magkahawak kamay.

Masakit man ang kalooban, sinikap nitong maging normal ang kilos.

Maging si Joy ay nagulat din. Nawala ang ngiti sa mga labi. Kumalas ang kamay sa pagkakahawak kay Jerry. Namula ang mukha.