Juan T.amad

Episode 1

Ako nga pala si Juan T-Amad, bente anyos. Ako ay may lahing arabo kaya ganyan ang aking apelyido.

Kayumanggi ako at may makapal na balbas at bigote. Pero wala akong putok.

Nag iisa lamang ako ngayon sa maliit na kubo dahil si Lola na dati kong kasama ay nasa isang anak nito sa Bisaya. Habang ang aking mga magulang ay hiwalay na at may kanya kanyang buhay na.

Isang simpleng magsasaka lamang ako sa aming probinsya ng makatanggap ako ng isang telegrama.

Nasa may kubo ako malapit sa aming taniman at kasalukuyan na nakahiga sa papag sa labas ng lumapit ang kartero sa akin dahil kakatapos ko lamang mag almusal.

” Juan, sulat para sa iyo” ang sabi ng kartero sa amin. Kilala na namin ang kartero dito sa lugar namin dahil sa wala kasing signal dito sa amin lugar kaya tanging telegrama pa din ang pinaka main source ng aming komunikasyon.

” Salamat po” ang sabi ko dito at kaagad ko kinuha ang sulat.

” Saan kaya galing ito?” ang tanong ko sa aking sarili habang tinitignan ang paligid ng sulat.

” Kay Tyong Kadyo” ang sagot ko sa aking sarili dahil nakita ko ang pangalan nito sa envelope.

” Bakit kaya siya na pasulat?” ang tanong ko habang binubuksan ko ang sulat.

” Pinapapunta ako nito sa Maynila para makatulong daw ako sa kanila” ng mabasa ko ang sulat.

At talaga ata sigurado siya na hindi ako makakatanggi dahil may pinadala itong 1k na nakaipit sa loob ng sulat.

Kaya agad din ako nag impake at naligo para makapagbiyahe na ako.

Hinabilin ko ang aking lumang kubo sa aking mga kapitbahay. At kaagad ako sumakay ng trike tungo sa terminal ng bus

=======================

Sa loob ng isang maliit na bahay sa may kamaynilaan.

Isang lalaki ang kasalukuyan na pinapakain ng isang babae na naka duster lamang.

Nasa wheelchair ang lalaki at nakatingin lamang ito sa malayo habang sinusubuan ito ng babae.

” Kadyo, kumain ka na” ang sabi ng babae habang tinatapat nito ang isang kutsara na may kanin at ulam sa bibig nito.

Binuka naman ng lalaki ang bibig nito at ngumuya. Matapos niya ito nguyain ay inabot naman ng babae ang baso na may tubig.

” Nakuha na kaya ni Juan ang sulat ko?” ang tanong ng lalaki sa babae.

” Siguro naman mahal, ang hirap kasi sa iyo eh. Andami naman diyan na mas malapit” ang sabi nito sa lalaki na asawa pala niya.

” Mahal, ayaw ko basta magtiwala at isa pa alam ko na mapagkakatiwalaan yan si Juan” ang sagot ng lalaki.

” Ikaw bahala mahal” ang maikling sagot nito sa lalaki at bumalik na siya sa pagpapakain dito.

Malalim naman ang tingin ng babae habang pinapakain nito ang asawa niya

========================

Dapit Hapon.

Kakapasok lamang ng bus na aking sinasakyan sa loob ng istasyon.

Kaagad naman ako bumaba sa bus at lumakad tungo sa gwardya na nasa di kalayuan. Tanging isang lumang backpack lamang ang dala ko.

” Boss alam nyo po ba kung paano pumunta dito” sabay pakita ko sa isang kapirasong papel.

” First time ko po kasi dito” ang pahabol ko dito.

” Sumakay ka doon sa dyip na iyon” sabay turo sa dyip na nasa dulo at kasalukuyan na nagsasakay ng pasahero.

” Pag dating mo sa dulo ng ruta niya. Hanapin mo ang jollibee. Sumakay ka ng trike at turo mo lang ang address na yan” ang sunod sunod na instructions nito.

Kaya mabilis kong tinandaan ang sinabi nito. Sumakay na ako sa dyip at nagbayad.

Sa may tabi ako ng driver sumakay dahil nakiusap ako dito na ibaba ako sa dulo ng ruta niya kung saan may Jollibee.

Halos isang oras din ang naging biyahe namin dahil sa trapik pero binaba nito sa ako sa tapat ng Jollibee at nakita ko naman ang sinasabing mga nagtrike ng guard kanina.

Kaagad ako lumapit dito at pinakita ang papel. Medyo mahirap daw at nagtanong tanong pa ito sa mga kasamahan niya.

Maswerte naman at may isa sa kanila na nakakaalam ng lugar. Sinabi naman nito na doon na daw ako sumakay.

Kaya sumakay agad ako at tinungo namin ang lugar ng aking Tiyo Kadyo.

Tumigil ang tricycle sa isang maliit na compound. Bumaba ako sa trike at pinagmasdan ko ang paligid.

May sari sari store sa tapat. May mga maliit na bahay sa paligid nito at ang bahay ng aking tiyo kadyo ang may pinaka malaki.

Kahit medyo luma na ito ay ayos lang dahil sa malawak ang harap nito. May nakaparadang lumang kotse dito.

” Kay Tiyo Kadyo siguro ito” ang sabi ko sa aking sarili. Lumapit ako sa lumang bakal na gate at kumatok.

” Tao po, Tiyo Kadyo!Tao po, Tiyo Kadyo!” ang dalawang beses kung tawag mula sa labas ng gate.

” Andyan, saglit” Ang narinig kong sigaw ng isang babae mula sa loob ng bahay.

At wala pang dalawang minuto ay lumabas ang isang babae na nakaduster na puti tsaka ito nag salita.

” Ano po kailangan nila?” ang tanong nito sa akin.

” Dito po ba nakatira si arkadyo Santos?” ang tanong ko naman dito.

” oho, sino po ba sila” ang tanong at sagot nito sa akin.

” Si Juan po, ung pamangkin niya galing probinsya” ang sabi ko dito.

” Pasok Pasok, kanina ka pa hinihintay ng tiyong mo” ang aya nito at pumasok muli ito sa maliit na gate tsaka ako sumunod din dito.

Dito ko napansin na ang sexy pala ng kausap ko dahil sa bakat na bakat ang malaki nito puwet at parang medyo bata pa ito.

” Umupo ka muna at ilalabas ko ang tiyong mo” ang sabi nito habang pinaupo ako sa sala.

Umupo ako sa couch at nilibot ang aking paningin. Malaki ang bahay at maraming mga appliances dito.

Ang kusina ay nasa dulong bahagi ng bahay. Katabi nito ang banyo na may kalaparan ang pinto.

May dalawang kwarto sa gilid. Kapansin pansin din na mas malapad ang pintuan ng nasa unahan.

Nakasabit din sa mga pader ang mga diploma ni Tiyong Kadyo bilang isang seaman. Ganun na din ang diploma ng isang babae na hindi pamilyar sa akin ang pangalan.

” Juan, pamangkin ko” ang sigaw mula sa akin harapan na bumasag sa akin pag mamasid sa loob ng bahay.

” Tiyong” ang tanging nasabi ko dahil nakita ko ito na nakaupo sa isang wheel chair habang tulak tulak ng babae.

Lumapit ako dito at kaagad ko niyakap ang aking tiyuhin.

” Iho, kumusta ka na?” ang tanong nito sa akin.

” Ayos lang po ako tiyong pero kayo po? Anong nangyari?” ang tanong ko dito.

” Kadyo Mahal, iwan ko muna kayo at aasikasuhin ko lang ang hapunan natin” ang paalam sa amin ng babae.

” Osige at mag uusap lamang kami ng aking pamangkin” ang sabi nito sa babae.

” Iho, pakitulak mo nga ako malapit sa sofa at para makaupo ka rin” ang utos nito sa akin.

Kaya agad ko tinulak ang wheelchair tungo sa akin sofa. At umupo din ako dito.

” Kumusta naman sa atin iho?” ang tanong nito sa akin.

” Ayun tiyong marami pa din talahib” ang sagot ko dito.

” Tiyong, nahihiya man ako magtanong. Pero sino po siya” ang tanong ko dito.