Nabulabog ang aking isipan sa mga katagang ibinulong sa akin ni Ma’am Lisa bago ito pumanhik sa kwarto na tutuluyan nito. Maging sa aking pagtulog ay hindi ko mapigilan na maisip ang makahulugang salita nito. Ano nga ba ang nalalaman nito sa mga pangyayari? Tama nga ba ang hinala ko na tila may nakamasid sa amin kanina ni Ma’am Melissa habang may makasalanang pangyayari sa pagitan naming dalawa. Dapat ko nga bang ikatakot or ikatuwa ang mga salita ni Ma’am Lisa. Ewan ko ba….
Nakatulugan ko na lamang ang pag-iisip na iyun dala narin marahil ng pagod sa maghapon at mga kaganapan kanina lamang. Kinaumagahan ay maaga akong nagising upang ipaghanda ng umagahan ang pamilya at masaya naman itong nagsalo sa pagkain na inihanda ko para sa kanila.
Nagkakape ako sa ginawa kong bench malapit sa ilalim ng isang puno na nagsisilbing mapagpahingahan ko rin sa tuwing nais kong mapayapa. Dala narin marahil na payapa nga ang lugar at pagkakapuwesto ko ay naisip ko ulit ang makahulugang salita ni Ma’am Lisa kahapon. Lumalim narin siguro ang aking pag-iisip at hindi ko napansin ang pagdating ni Ma’am Melissa.
“Oh Jun, madalas kaba dito?”
“Opo ma’am, tambayan ko din po talaga at masarap magkape sa ilalim ng simoy ng hangin dito.”
“Oo nga naman ano, masarap nga naman simoy ng hangin dito.”
“Kape po?”
“No, I’m good. Hindi talaga ako nagkakape eh.”
“Tsokolate po? Gusto niyo ikuha ko po kayo?”
“Hmmmm. Sige na nga. Salamat ha.”
Pumanhik na nga ako papuntang kusina upang pagtimplahan ito ng tsokolate nang makasalubong ko si Ma’am Lisa na siya namang nagtitimpla ng kape nito.
“Magandang umaga po ma’am.”
“Oh Jun, magandang umaga din. sasamahan mo na ba ako mamaya?”
“Kung mababakante po ako.”
“Tsokolate? Mahilig ka pala niyan.”
“Ay hindi po ma’am, para po ito sa mama niyo po.”
“Ganun ba? saan nga pala si mama?”
“Nandoon po siya sa bench po sa may ilalim ng puno.”
“Oh siya at baka hinahanap hanap kana nun.”
“Po?” Nagtataka ko namang tanong dito at iba yata ang nais ipahiwatig nito.
“Sabi ko dalhin mo na yan sa kanya at baka hinahanap niya na.” sabay turo nito sa tsokolate na tila tumatagos pa yata sa pagkalalaki ko.
Ewan ko rin ba o guni guni ko lamang pero tila malalaman talaga ang mga salitang binibitawan ni Ma’am Lisa at tila may kakaiba sa mga ikinikilos nito. Ano nga ba ang mayroon at ganito na lamang ito makitungo sakin. Ganunpaman hindi ko na lamang ito pinansin at bumalik na nga kay Ma’am Melissa at baka nga hinahanap na ako nito.
“Eto na po ang tsokolate ma’am.”
“Salamat Jun ha. Oo nga pala, samahan mo naman ako mamaya.”
“Saan po ang punta ma’am?”
“May bibisitahin lang akong kakilala.”
“Ganun po ba? Sige po at wala naman po akong gagawin.”
“Salamat. Siya maiwan muna kita at may gagawin pa ako.”
“Sige po ma’am.”
Umalis na nga ito at pumasok sa loob ng bahay at may gagawin daw ito. Nabalot naman ng katahimikan ang paligid ko habang patuloy na nagmumuni muni at ini-enjoy ang simoy ng hangin sa aking upuan sa ilalim ng puno. Naputol lamang ang katahimikan ng dumating si Ma’am Lisa.
“Oh Jun, saan na si mama?”
“Ah Ehhhh pumasok po sa loob at may gagawin.”
“Paano? samahan mo na ako mamaya?”
“Pasensiya po ma’am at nagpapasama po ang mama niyo sa kakilala niya dito.”
“Ganun ba? Sayang naman ang pagkakataon oh.”
“Kung gusto niyo po gagala ko nalang po muna kayo dito sa farm niyo?”
“Ay, nalibot ko na yata lahat dito eh. sa tagal na ba naman ng farm namin.”
“Hindi po lahat, magtiwala po kayo may magandang mapupuntahan malapit lang dito sa lupain niyo.”
“Sige ha, pero pag yan hindi ko magustuhan malalagot ka sakin.”
“Hala! pressured naman.”
“Talaga.”
“Sige po, kita tayo dito after 10mins. magmomotor lang po tayo, okay lang sa inyo?”
“Siya sige at magbibihis din ako.”
Kanya kanya kaming balik sa loob ng bahay upang makapaghanda at makalipas nga ang sampung minuto ay nadatnan ko itong nasa bench na at naghihintay.
“Natagalan ka yata.”
“Pasensiya na po ma’am.”
Halos hindi naman ako mapakali dahila…