Sobrang init nung araw na yun, buti na lang at hindi traffic sa hi-way. Nakarating naman si Kaye at ang kaniyang mga magulang sa simbahan ng walang aberya. Tila hindi na mapakali si Kaye at magtatapos na rin siya sa wakas ng high school. Sa sobrang excited ay sinusukat sukat pa niya ang toga at gala uniform niya na gagamitin niya sa pag-graduate. Ganun na din lang ang pakiramdam ng kaniyang mga magulang na bumiyahe pa galing abroad para lang makita ang kanilang bunsong anak na magtapos ng high school…
Kaye: Maghanap na kayo ng magandang mapupuwestuhan malapit sa harap Ma, dumadami na ang tao oh!
Mama: Sige anak, kami na ang bahala ng papa mo. Nakacharge ba itong digicam? Minsan lang ang mga ganitong pangyayari sa buhay mo baka naman hindi ka pa namin makuhanan ni isang litrato
Kaye: Oo naman! Gandahan niyo ang mga kuha niyo sakin ah, yung tipong pang miss universe! Hahaha…
Walang pasabi ay kinalabit ng isang kaklase si Kaye. Nagpaalam muna ito sa kaniyang ina para makasama ang kaklase niya. Lumayo muna sila para puntahan at tawagin ang iba pa nilang mga kaibigan at kaklase.
Vivian: Grabe Kaye! Gagraduate na tayo… Wuhoo!! Pinapatanong nga pala ni Wendy kung saan ka daw magcocollege kasi hindi pa rin daw niya alam kung saan siya pupunta, hehehe…
Kaye: Siyempre dun sa maraming boys! Lol… Nakakasawa na kasi mag-all girls na school
Vivian: Ganon? Ikaw ah… Lumalandi ka na ah! Hahahaha… Pero sabi mo nagentrance exam ka sa Holy Spirit diba?
Kaye: Yup, kinulit lang naman kasi ako ng ate ko na mag-test dun kasi andun siya. Eh nagexam din ako sa San Beda and pumasa din naman ako dun
Vivian: Aba! Diba all boys school yun? Malamang San Beda ang pipiliin mo, boys nga ang habol mo diba? Hahahaha…
Kaye: Dati yun. Tumatanggap na sila ng female students ngayon
Nagulat na lang si Kaye kasi kiniliti siya sa bewang ni Wendy galing sa likod. Nagkuwentuhan ang tatlong magkakaibigan. Sinabi na rin ni Kaye kay Wendy na baka sa Manila na siya magaaral pag tapak ng June. Nagsasawa na din kasi siya sa probinsya nila. Naroon kasi ang pakiramdam niya na gusto naman niyang lumayo sa Pampanga, makakita ng bagong lugar at makakilala ng mga bagong magiging kaibigan. Sa St. Scholastica siya gagraduate ng high school at dito din siya nag-grade school. Nagpapakatotoo na lang siya sa dahilan niya na kaya siya lalayo kasi nagsasawa na rin siya sa all girls na campus. Pero hindi na lang din niya inaamin na medyo naiingit siya sa mga kaibigan niya na may mga boyfriend na. At lalo lang siyang naiingit kapag nakukuwentuhan siya ng mga bagay na tungkol sa date, halikan at kung ano ano pa.
Wendy: So ganon? Iiwan mo n…