Yes, natanggap ako as cashier sa SM Supermarket (wala pa yung mga hypermarket and SaveMore na yan).
Everything started so well naman sa work. Halos lahat naman ng mga kasama ko eh naging ka-close ko, even my supervisor, Mam Angel, na very friendly, ay naging malapit sa akin. Hanggang isang araw:
Customer Service (CS) (wait, alam naman siguro ng lahat na merong customer service section sa mga supermarkets, kung saan dun nagsstay mostly ang mga Supervisors and Assistant supervisors, then andun din ung “Paging System”. )
Ayun nga, bigla ko narining from CS:
“Bagger Gonzales to lane 6, bagger Gonzales to lane 6 please”
Narinig ko na si Mam Angel ang nagsalita, tapos bigla kong narealize na ako pala yung cashier na nasa Lane 6. Tiningnan ko kung sino ang bagger na nasa lane ko, si Joshua Gonzales, gwapo, medyo maputi, mukhang mabait. Ngumiti lang ako sa kanya nang mabilis at nagfocus na ulet sa ginagawa ko. Siguro kaya pinapunta sa lane ko c Joshua dahil nga medyo dumadami na ang mga customers. (Well, lagi naman kasi akong may bagger sa lane ko kasi isa ako s pinakamabilis na cashier noong panahon nayon, ilang beses din akong nakareceive ng award na “Hataw Cashier of the Month”).
Kinabukasan, Mid-shift ako, so 11am ang pasok ko, na-assign naman ako sa Lane 23, malayo na sa CS station, pero narinig ko na naman si mam Angel na pinapapunta c Joshua sa lane ko. Dun na ako medyo nagtaka, bakit parang sinasadya na ilagay sa lane ko si Joshua? Sinasadya nga ba o talagang nagkakataon? Baka nagkataon lang na same kami ng shift ni Joshua Hindi ko na lang muna pinansin yung bagay na yun.
Minsan, nagkasabay kami ni Mam Angel maglunch.
Mam Angel: O Jehn, kumusta naman si Joshua?
Me: Ha? Si Joshua? Bakit naman sa akin mo tinatanong? Jowa ko ba yun? hehe (haha Garapal lang sumagot sa Visor? haha Close na kasi po talga kami)
Mam Angel: Hahaha, naku, hindi pa ba? Ang bagal naman ni Joshua! Ako na nga gumagawa ng paraan para magkalapit kau, ang bagal naman dumiskarte..tsk tsk..
Me: ano bang sinasabi mo jan Mam Angel?
Mam Angel: hay naku, may crush kaya sayo si Joshua, nalaman ko, sinabi sa akin ng mga bagger, type ka daw ni Joshua..
Me: ay naqu mam, alam mo naman na may jowa ako noh.. di na ako available, taken na ako.
Mam Angel: Asus! Ano ka ba, wag mo naman pagsupladahan yung tao, mabait naman yun eh..
Me: ikaw tlaga mam, umiral na naman yang pagkalukaret mo hahaha. Ang landi mo hahah!!!
Mam Angel: haha baliw, mamaya nga pala sama ka may gimik. Madaming sasama, kasama din si Joshua, Scott tau, (dati yun ung madalas tambayan ng mga kasama ko sa trabaho, videoke rooms, tapos sa labas billiards.)
Me: pass muna ako sa ganyan mam, di ako pwede, di ako nakapagpaalam eh, mahirap na (Siyempre di pwede gumimik na di nagpaalam sa jowa kahit walang kwenta ang jowa haha)
Mam Angel: ano ba yan, di pa nga kayo mag asawa ganyan na agad?
Me: hayaan mo mam nextym na lang, magpapaalam na ako kahit wala pa schedule.
Bumalik na kami ni mam Angel sa work after namin magfreshen up. And Natuloy ang gimik na hindi ako kasama. Sanay naman na sila na hindi ako sumasama.
Kinabukasan, sa lane assignment ko:
Joshua: Hi jehn, kmusta kna? Bakit di ka sumama kagabi?
Me: o kaw pala Josh, di nga ako nakasama eh, umuwi na kasi ako ng maaga. Ska di ako nakapagpaalam kay Bf eh..
Josh: Gnun ba? sana nextym makasama ka, Nextweek may gimik ulet, tyming pa na birthday ko.
Me: Gnun ba? Advance ha. Hayaan mo ttry ko.
Mula nun, lagi na kaming nagbabatian ni Josh. Friends na kami. Walang malisya, hindi ko naman inungkat pa sa kan…