Kinabukasan, medyo parang matamlay ako na di ko maintindihan. Siguro nanibago lang ako na di ko na nakikita si Joshua, somehow napalapit na kasi siya sa akin (haha xmpre nagkatikiman na hndi pb mapapalapit yun? hehe).. So tuloy pa rin ang life pati ang work. Kami pa rin ni Juan pero parang nagkakalabuan na dahil lagi na kaming nag-aaway, dumarating na nga sa point na gusto ko na makipagbreak eh, ayaw naman niya. Palagi na lang ako nakukunsumisyon sa kaniya, hayyy.
Hanggang isang araw may mga bagong batch na naman ng cashiers and baggers na pumasok. Pero isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko. Si Dhelvin. Siya kasi ang pinakagwapo sa batch nila at palangiti pa. Nang nakakasabay ko siya sa shift ay nalaman ko na mabait din pala siya. Hindi pa naman kami totally friends. Nagngingitian lang kapag nagkakasalubong until one time nung naglunchbreak ako, nakita ko siya nakatayo sa malapit sa locker room namin.
Me: O buddy (buddy or buds ang tawagan ng mga cashiers and baggers noon,) ano ginagawa mo jan?
Dhelvin: Ha, kasi lunch break na namin, alam mo naman na bago pa lang kami, naghahanap sana kami ng mahihiraman kahit 50 lang, bayaran na lang namin sa sweldo.
Me: ok wait mo ko jan
Kumuha ako ng pera sa locker ko at ibinigay sa kaniya ang hinihiram niya. Wala namang kaso sa akin yung ganun dahil naiintindihan ko naman sitwasyon niya. I’ve been there. hehe..
Dun na nagsimula na maging malapit kami sa isa’t isa,
Sa Lane assignment ko:
Dhelvin: Buds, salamat ha, ang bait mo naman, di pa nga tayo masyadong magkakilala pinahiram mo n kagad ako ang pera.
…