Episode 2:
Ang nakaraan:
Dulot ng napipintong mga pangangailangan ng pamilya napilitan si Maila na lisanin ang Pilipinas at ang kanyang pamilya upang makipagsapalaran sa gitnang silangan para sa ikagaganda ng kinabukasan ng kanilang pamilya, lalong lalo na nang kanilang mga anak na sila Gabriel at Jerry.
Sa pagdating ni Maila sa Abu Dhabi nagtuloy sila sa isang gusali kung saan nanunuluyan lahat ng mga crew na kumpanyang kanyang napasukan. Ubod ito ng ganda at parang hotel kung tutuusin. Sa uukupahing unit ni Maila ay nakilala nya ang kanyang magiging dorm mate na si Sheryl. Isa din syang Pilipina at tulad ng isang normal na flight crew matangkad, maganda din ito, maputi at may maiksing buhok. Aakalain mo isa syang contestant sa isang beauty pageant. Mabait si Sheryl kaya madali sila nagkapalagayan ng loob.
Unang gabi nya sa bagong tinutuluyan ay tinawagan nya ang kanyang mister gamit ang messenger. Pinagmalaki nya dito ang bansang kinaroroonan at ang tinutuluyan nya. Sa pagsisimula ng training ni Maila sa bagong trabaho at naging mabilis ang takbo ng oras, na naging araw, naging lingo at naging ilan buwan. Sa mga pagkakataong ito ay nalilibang sya sa kanyang mga bagong natututunan at nakikita subalit lingid sa kanyang kaalaman at patindi ng patind ang kalungkutan ng asawa na naiwan sa Pilipinas. Si Ricky ay kadalasan umiinom kahit magisa, at sa pangungulila sa asawa ay napagkakasya na lang nya na isipin yung mga dati nila ginagawa magasawa habang nagpaparaos sa sarili. Subalit hindi din nagtagal at di na sya kuntento dito kaya nasabi na din nya kay Maila ang kanyang nararamdaman.
Pilit na pinaintindi ni Maila sa kanya na pansamantala lang naman ang pinagdadaanan nila hanggang makaipon para sa kinabukasan ng mga bata, alam naman ni Ricky yon ngunit hindi ito naging sapat na dahilan para hindi malungkot habang tumatagal na hi…