Kahit Saan

Note: This is only a work of Fiction.

———-

Ton: Hi! Mukhang may problema ah. Lalim ng hugot mo sa socmed mo eh.

Janice: Hahaha! Wala lang yun.

T: Ganun? Okay. Baka lang need mo tagapakinig, lam mo naman good listener ako. Hehe.

J: Thanks Ton. Di mo pa rin ako nakakalimutan. 🙂

T: Naman. Kaw pa. Ako lang naman mahina sayo.

J: Sino grabe ang hugot ngayon. Hahaha.

T: Hahaha.

J: Okay, actually kasi ang totoo may problema talaga ko. Nahuli ko kasi si Jeff na may ibang babae.

T: Hmm… Confirmed ba yan?

J: Oo. Nakita ko minsan sa phone nya usapan nila. Nabasa ko pano sila maglandian.

T: Pahamak talaga social media eh. Kaya ako…..lagi nagbubura eh. Haha. Joke. Pero seryoso, baka naman sa socmed lang naman yun. I mean nothing serious. You can be anyone naman sa virtual world.

J: No. Nakita ko dun na ilang beses na sila nag meetup at may nangyari na sa kanila.

T: Yun lang. Huli nga. So, ano plano mo? Nag usap na kayo?

J: Ewan. Now umuwi muna ko kay nanay. Sabi ko bakasyon lang muna. Pero for sure may hinala sya.

T: Oo naman. Nakilala ko siya. Alam ko malakas siya makiramdam. Kaya nga di ako maka score sayo dati kahit kiss lang. Hahaha!

J: Haha. Sira. Pero, di ba tayo nagkiss dati? Hehe.

T: Once siguro, di mo na matandaan kasi parang wala lang. Bilis lang yun. Panakaw lang kasi. hehe.

J: Kaya pala.

T: Mmm. Not sure kung appropriate or kung tama ang timing, but if gusto mo kausap or tagapakinig, we can meetup. I-shot na yan. Haha

J: Sige nga. I think need ko talaga yan ngayon.

T: Sige let’s meet tomorrow. Sakto weekend na. Sunduin kita before lunch.

J: Okay. 🙂

Eto ang naging usapan namin sa text ni Janice. Ex ko siya. Naging kami nung college. Nagkahiwalay kami nung 4th year, reason namin pareho na wala na kaming time sa isat isa. Pareho kasing naging busy. Ni hindi kami nagkikita talaga. And as immature as I was, minsan yung free time ko game pa ang pang de-stress ko. Mutual decision ang break up namin and di rin naman nawala ang friendship. Close pa rin kami eversince. We always greet each other sa lahat ng occassions. Even now, na may sarili na syang family.

Ton: Hi Jan. On the way na ko sa inyo. Wait na lang kita sa kanto, mahirap makapasok sa eskinita kotse.

Janice: Sige, no problem. Text me if malapit ka na para punta na ko.

T: Dito na ko sa kanto.

J: Okay, wait. Sabi ko text ka malapit ka na.

T: Okay lang, take your time.

J: Hi! Kumusta?

T: Okay na, nakita na kita.. haha.

J: Haha. Bolero ka talaga.

T: Okay ka lang? Nag usap na ba kayo?

J: Hay naku Ton, wag natin sya pag usapan, mag-aalis nga tayo stress diba.

T: Okay. Tama, need ko rin.

J: Stressful ba work? O jowa? Baka bigla na lang may sumabunot sakin ha. hahaha.

T: Wala. Para namang di mo ko ini-stalk sa socmed. Haha

J: Di no. Haha.

We’re both from Pampanga. And sa Manila kami pumunta. Para maiba naman environment. Roadtrip na rin.

Sa isang mall sa Metro Manila kami naglunch. Nanood ng movie after. Then ikot ikot lang, literal na kung san dalhin ng mga paa namin.

Di ko rin sya tinanong about sa husband nya. Rule namin nung araw na yun, wala kami pag uusapan na iba na wala naman dun.

Nung mapagod, naupo kami sa isang bench magkatabi. Bigla syang natahimik. Umikot ng upuan at sumandal sakin.

“Bakit nga ba tayo nagbreak?” Tanong ni Janice.

“Nagsawa ka sakin eh. Di kasi ako sweet. Hehe”

“Nge. Seryoso ba?”

“Nope. Di ko rin alam basta nag usap tayo and mutual ang desisyon. Pero totoo di ako sweet. Di ko lang alam kung yun reason mo.”

“Sweet ka naman., in your own ways. Sayang…”

“Hmm.. Teka di pa tayo suma-shot ah…”

Marami sya sinabi. Kinalma ko muna sya. Nagsesenti na kasi. “Tara lakad ulit.”, yaya ko.

“Ayaw. Maya na konti. Or shot na tayo.”

“May alam ka ba san maganda?”

“Don’t know. Kahit saan.”

Tiningnan ko sya.

“Kahit saan? Naku mahirap yan. Baka san kita dalhin. Haha”

“Kilala naman kita. Seryoso ako. Kahit saan. Ikaw na bahala.”, di nga sya nagbibiro.

Nag isip ako kung hanggang saan yung ‘kahit saan’ na yun. Nagsearch din muna ako bago niyaya na syang umalis.

“Okay na? So, san tayo?”, tanong nya.

“Kahit saan.”, sabay kindat sa kanya.

Inabot ko kamay nya para tumayo na. Nag abri-siete sya sakin habang naglalakad. Umalis kami ng mall at pumunta na sa ‘kahit saan’. Pagdating namin dun, walang imik si Janice. Di rin ako nagsasalita. Hinihintay ko lang din sya mag react.

Pagpasok namin, nagtanong ako. “Available ba themed room nyo?”. “Yes, sir.”

“This way ma’am, sir.”

“Thank you!”

Hanggang pagpasok namin ng room, di umiimik si Jan. Naupo sya sa may mesa, dun din ako sa tapat nya.

“Bakit ang tahimik mo?”

“Wala naman.”, ngumiti lang sya.

“Dito, pwede naman tayo uminom. Pwede ka umiyak, maglabas ng sama ng loob, kahit ano gusto mo. Walang ibang mata, walang uusyoso. Baka pagbintangan pa ko na ako nagpapaiyak sayo. Haha. Saka ganda ng room, zen garden. Relaxing.”

Nang dumating order. Nagdahan-dahan lang ako pag inom kasi…