Kaibigan, Katalik

TUMUNOG ang message tone ng cellphone ko at kinuha ko ito sa aking bulsa. Isang message mula kay Abby ang bumati sa akin: ‘im n cebu, kya vic. jst landd. I rili miss u & sna mkpagvacatn dn tyo.’

Sinagot ko ang text: ‘anong gngawa mo dyan? i wnt vacatn din!’

Sumagot si Abby: ‘wla lang, ive jst been so stressed out l8ly. kelangan mag-unwind. i wnt davao! nver been there.’

At nagpatuloy ang palitan namin ng text messages tungkol sa mga balakin para sa isang backpackers’ vacation sa Davao. Napagkasunduan namin ang mga dates, mga pupuntahan at iba pang mga puwedeng gawin sa nagpag-usapang bakasyon.

Si Abby ay malapit na malapit na kaibigang nakilala ko ilang taon na ang nakararaan sa isang malaking unibersidad sa probinsiya. Estudyante siya at guro naman ako. Hindi ko siya estudyante ngunit student volunteer siya sa isang opisinang hinawakan ko. Matalino at maganda si Abby. Cum Laude siya nang magtapos ng History. Sa sirkulo ng magkakaibigan, lagi siyang tinutulak na sumali sa beauty pageants ngunit sadyang ayaw niya kahit nasa kanya ang lahat ng pisikal at intelektwal na katangian ng isang beauty titlist. Matangkad si Abby at maganda ang hubog ng katawan, pansinin siya kahit nasa gitna ng maraming tao.

Sa pag-uugali, mabait ngunit may katigasan ang ulo nito. Kapag may gusto siyang gawin o tuklasin, gagawin niya ang lahat ng posibilidad para lamang makamit ang mga gusto niyang abutin. Kaya niyang isantabi ang mga patakarang matagal nang pinaniniwalaan at sinusunod kung ito’y kinakailangan sa pag-abot ng kanyang mga hangarin. Mapusok si Abby, kahit humindi na ang lahat, gagawin pa rin niya ang gusto niya dahil iyon ang naisin. Minsan nang pinagkaisahan siya ng maraming student volunteers dahil hindi sila sang-ayon sa mga gustong mangyari ng dalaga, ngunit nanatili siyang matatag at pinanindigan ang gusto niya, magtagumpay man o pumalya. Doon ako pumasok sa buhay ni Abby, hindi ko siya kinontra at iniwan, nanatili ako sa tabi niya. Marami ang nagtanong at sumama ang loob sa akin. Hindi ako nagpaliwanag kung bakit, kahit kay Abby. Naunawaan na lang nila makalipas ang mga taon, matapos silang maka-gradweyt. Ang isang tulad ni Abby na mapusok, matatag ang loob at animo’y walang takot kalimitan ay may natatagong matinding kahinaan. Kung pinabayaan ko siya, wala siya ni isang masasandalan sa oras ng pagkabigo at kalungkutan.

Dahil doon naging malapit kami sa isa’t isa ni Abby—parang magkapatid. Kuya ang tawag niya sa akin, dahil sa mas matanda ako sa kanya at dahil na rin sa uri ng pag-aalaga na ipinakita ko sa kanya. Malimit, alam ko ang mga lihim ni Abby dahil ibinabahagi niya ito sa akin. Wala siyang pag-aalinlangan. Sa totoo lang, mas malapit siya sa akin kaysa sa nakatatanda niyang kapatid na lalaki. Mahilig kami sa pagkain, kaya nasusuyod namin ang iba’t ibang restaurant at food stops. Malambing si Abby, hindi siya madamot sa pisikal na pagpapahayag ng kanyang pagmamahal. Kapag naglalakad kami, laging magkahawak ng kamay o ‘di nama’y nakakapit siya sa braso ko. Minsan nama’y nakaakbay ako sa kanya. Minsan nasa baywang ko nakapulupot ang kanyang braso. Mag-aakala ang marami na meron kaming relasyong bukod pa sa pagiging magkaibigan. Ngunit, iyon ang napakalaking napatunayan namin, na posible ang ganitong koneksyon.

Nang magtapos si Abby ng college, lumuwas siya ng Maynila at pinalad na magkaroon ng magandang trabaho. Maganda ang scholastic records niya kaya’t dalawang taon sa unang trabaho ay na-pirate na siya ng isa pang kumpanya. Lumuwas ako ng Maynila para mag-aral ng masters, nagkasundo kaming kumuha na lang ng isang bahay at maghati sa renta. Sa loob ng dalawang taon, housemates kami ni Abby. Nagkaboyfriend pa siya noon, may girlfriend din ako. Minsan lumalabas pa kaming lahat. Magaling siyang magluto kaya parang laging fiesta sa bahay.

After two years, natapos ko ang masters at bumalik ako ng probinsiya at nagturo muli. Si Abby, nagkahiwalay sila ng kanyang boyfriend at nanatiling isang consultant sa isang consultancy firm. Lumipad ang girlfriend ko patungong US at naiwan ako sa Pilipinas.

Matapos naming mapagkasunduang magbakasyon sa Davao ng ilang araw, naging madalas ulit ang aming komunikasyon. Kadalasan, pinag-uusapan namin ang mga gagawin. Gusto ni Abby na mapuntahan ang mga kilalang lugar doon—eagle sanctuary, durian park, pearl farm sa Samal Island at kung saan-saan pa. Ramdam na ramdam ko ang pananabik ni Abby. Lagi niyang sinasabi na miss na miss na niya ako, ganon din naman ako sa kanya. Sa lahat kasing kaibigan ko, si Abby lang ang may kapasidad na mapaghingahan ng saloobin. Marunong din siyang magtago ng sikreto.

“I also miss you, Abby, you know how much,” message ko sa text sa kanya.

“basta 1 thng 4 sure, i luv u vry much, kuya vic,” reply naman niya.

Lumipas ang mga linggo at dumating din ang araw ng pagpunta namin ni Abby sa Davao para magliwaliw. Maaga ang flight ko papunta ng Maynila dahil nasa probinsya ako. Sa airport na kami magkikita para sa flight patungong Davao.

Pagkalapag ng eroplano at pagka-switch on ko ng cellphone, ilang sunud-sunod na text messages, halos kay Abby lahat.

“kuyaaaaaaa… i so mch wnt 2 see u na!”

“am excited, cab na 2 d airport. centennial tau.”

“m hir na, chcked in olredi, m near gate6, seatno 11a, u shld ge11b. weeee!”

“yey! ur flyt has finally arrvd!”

Nagtextback ako sa kanya: “yep! im in the airport bus na to there. see yah, by.”

Ipinarada ako ng bus sa lower level ng airport kung saan dumaraan ang mga pasarehong may connecting flight. Mabilis naman akong nakacheckin at pagkatapos ay patungo na ako sa may Gate 6. Palinga-linga ako sa paligid upang hanapin si Abby. Ilang saglit pa’y nakita ko na siya, nakaupo sa bench at nagbabasa ng pocket book. Patagong lumapit ako galing sa may bandang likuran hanggang nakalapit ako sa kanya. Binigla ko si Abby ng mahigpit na yakap sa leeg at isang madiing halik sa pisngi.

“Kuya Vic!” Isang masayang ngiti ang itinugon sa akin ni Abby.

“Whew! Akala ko hindi ako makaka-abot sa flight natin. May bali-balita kasi kanina na delayed daw ang flight ko. Buti hindi totoo.”

“Hay naku, kawawa naman ako pag ganun,” tugon ni Abby na nakangiti pa rin.

Ilinapag ko ang mga gamit ko sa bench at tumabi sa kanya. Yumakap sa akin si Abby, mahigpit na mahigpit at isang matunog at malambing na halik ang iniwan niya sa aking pisngi.

“Kuyaaaa! I really, really missed you!”

Damang-dama ko ang pananabik at galak ni Abby sa muli naming pagtatagpo. Sa maikling panahon ng paghihintay sa aming flight, nakapag-update kami ng mga activities ng bawat isa, kasama na ang mga nangyayari sa aming kanya-kanyang pamilya. Masaya ang naging usapan na paminsan-minsa’y binabasag ng hagikhikan lalo na kapag may mga taong naaalala na nagbabalik-alaala ng kalokohan o katatawanan.

Maya-maya’y tinawag na ag aming pansin ng public address system na bukas na ang gate para sa aming pagsakay.

“Here we come, Davao!” sabik na sambit ni Abby.

“Humanda sila sa’yo…” sabi ko naman na sinundan ng pilyong tawa. Humawak siya sa braso ko at dumiretso kami sa tube papasok sa eroplano.

Halos dalawang oras din ang biyahe papuntang Davao. Sa eroplano, nagpag-usapan namin ang mga maaaring gawin doon. Naidlip si Abby sa gitna ng biyahe, isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at ipinikit ang kanyang mga mata. Ako nama’y nagbasa na lamang ng magasin.

Makulimlim ang langit mula sa bintana ng eroplano nang inanunsyo ng piloto na malapit na kaming lumapag sa paliparan ng Davao. Ginising ko si Abby sa kanyang pagkakaidlip.

“By, ‘lapit na…”

Swabe ang lapag ng eroplano sa paliparan ng Davao. Marahang nag-taxi ang eroplano palapit sa airport building hanggang sa huminto ito. Kanya-kanyang kuha ng gamit ang mga pasahero.

“Backpackers, welcome to Davao,” sambit ni Abby kasabay ang pilyang ngiti.

“Kakagat ka pa sa bato , ‘no, you’re a first-timer, remember,” sabi ko.

Dumaan kami sa connecting tube papasok sa airport building. Pagkalabas, pumara kami ng taxi at nagpahatid sa Grand House, ang hotel na tutuluyan namin ng tatlong araw. Kakilala ko ang may-ari ng hotel kaya’t dun ko ginustong mag-stay. Simple lamang ito at hindi gaanong marangya kumpara sa mga high-end hotels ng Davao. Mura din lang ang rates kaya angkop na angkop sa bakasyong gusto namin ni Abby—backpackers’ weekend.

Nag-checkin kami at nagkasundong isang suite na may queen-size bed na lang ang kunin. Dahil sa kakilala ko ang may-ari, tumawag na siya mula sa Maynila na patuluyin kami nang may fifty percent discount. Tumuloy na kami sa kuwarto upang iwan ang mga gamit at gumala agad. Malaki ang kuwarto, at ang queen-size na sinasabi sa counter ay ‘di hamak na mas malaki kaysa sa standard na queen-size, palibhasa’y customized and pagkakagawa.

“Kuyaaaaaaa!” patiling tawag ni Abby mula sa banyo, “looooooook!”

May sariling banyo ang kuwarto at sa ‘di inaasahang pagkakataon, may malaki itong jacuzzi-type na bath tub. Laking tuwa ni Abby ng makita ang tub.

“‘Wag na kaya muna tayong lumabas, I wanna try the tub!” hindi ko sigurado kung seryoso siya kaya napaisip ako na mahirap talaga ang babae, pabago-bago.

“Hmmm…” waring nag-iisip ngunit nakasulyap sa akin nang nakangiting parang mayu pina-plano, “hehe… biro lang. ‘Di na muna ako mag-uunpack, kuya, lakwatsa na agad!”

“Ikaw talaga… akala ko tuloy seryoso ka…” ngumiti ako.

“Ano ka ba… although tubbing is good, lakwatsa is better!” Huminto siya, pagkunwa’y lumapit at yumakap sa akin, sinuklian ko naman na mahigpit na yakap.

“Thanks, Kuya Vic, for coming with me…”

“Anong ‘coming with you’, ha?” sabi ko nang pabiro, “we’re both into this, no…”

“But ako ang nakaisip… yoohoo!”

Hindi ako umimik, siya nga naman talaga ang nakaisip.

“O siya, siya, ikaw na. Magyayakapan lang ba tayo o maglalakwatsa na?” biro ko.

Bumitiw si Abby sa pagkakayakap sa akin, “Ayaw mo na ‘ko yakapin?” ay pabirong umakmang parang iiyak. Pagkatapos ay, ngumiti na may bahid kapilyahan, “tara, golets!”

Magdadapithapon na ng lumabas kami ng Grand House. Nagsisimula nang sindihan ang mga ilaw ng mga tindahan, restaurant, at iba pang mga gusali sa kahabaan ng mga kalsada ng Davao. Tinahak namin ang Jacinto at nang-usisa ng mga tinitinda sa bangketa. Sa ‘di kalayuan natanaw ko ang Aldevinco, and kilalang bilihan ng mga Davao souvenirs. Alam kong ikasasabik ito ni Abby dahil sa hilig nito sa mga batik at iba pang Mindanao products.

“By, Aldevinco, o,” sabi ko.

“Anong nandyan, Kuya Vic?” tanong niya, palibhasa’y unang salta sa Davao.

“Let me tour you around… hehe…”

Pagkapasok sa Aldevinco, biglang namilog ang mga mata ni Abby dahil sa mga batik products na nagkalat sa buong gusali.

“Hoy, hindi pa tayo mamimili ngayon ha. Last day tayo…”

“Hehehe, you know me, Kuya Vic…”

“Yeah, I know you… kaya nga e… at… hindi ako magbibitbit niyan ngayon… hehehe…”

“Ok… ok… I won’t today… hehehe…”

Parang batang paslit si Abby na sabik sa nagkalat na laruan sa paligid habang sinusuong namin ang mga pasilyo ng Aldevinco.

“Hey, lakwatsa na!”

“Hehehe… sige na nga…”

Madilim na nang lumabas kami ng Aldevinco. Alam ko na ang sunod na pagdadalhan kay Abby.

“Buffet?”

“Hehehe… you just know how I think, Kuya. Kaya love na love kita eh,” pilyang biro ni Abby.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid kami sa Aling Julia’s, isang kilalang kainan sa Davao na nagse-serve ng masasarap na pagkain, especialty nito ang seafood, buffet style.

Kumain kami sa Aling Julia’s sa patakarang walang imikan at pansinan kung gaano na karami ang nakain ng bawat isa. Ganito kami ni Abby nung college siya. Ngunit ang patakaran naming ito’y lagi din lang namang nasisira dahil sa alaskahan sa dami ng kinain, kasama na rin walang tigil na papuri kapag masarap talaga ang pagkain. Pagkatapos ng pahimagas, hapung-hapo na kami ni Abby sa dami ng kinain.

“Feeling ko, bukas di na tayo kakain sa dami ng nilamon natin,” sabi ko.

“I disagree, remember tomorrow is just the formal first day,” sagot niya habang nginunguya ang kung anong malagkit na kakanin.

Umuwi kami sa hotel na hindi magkamayaw sa kabusugan kung kaya’t tawa kami ng tawa. Dumiretso kami sa suite ngunit hindi rin naman kami puwedeng matulog agad dahil sa kabusugan. Maaga pa rin naman para matulog.

“Hmmm… ako tub time…” sabi ni Abby.

“Daya mo, ako rin sana e,” sagot ko naman, ngunit ang totoo’y wala naman talaga akong maisip gawin.

“Why don’t you join na lang kaya…” sagot naman ni Abby.

“Ngee! Kasya kaya tayo sa tub?”

“Hello, malaki kaya ang tub, tingnan mo,” sabi niya.

Pumasok ako ng banyo at sinipat ang bath tub. Medyo parisukat ito ay kakasya nga ang dalawang tao, magkadikit nga lang lagi. Dahil wala naman akong naiisip na malisya noon, naisip ko rin namang masarap ngang magbabad lalo na’t busog.

Paglabas ko, naka-panties lang si Abby at pantaas na tshirt. Naghahalungkat siya ng kanyang swimsuit sa bag. Patay-malisya naman ako dahil wala lang naman sa kanya na nakikita ko siyang naka-undies lang.

“Ayan, magsiswimsuit ako para sexy pa rin, ‘di ba kuya, kahit sa tub lang, ‘di ba, kuya, ‘di ba…” pangungulit niyang lambing.

“Oo na, sexy na,” sagot ko naman.

“Aba… kumukontra ka na ‘ata ngayon sa ‘kin…” lambing pa niya.

Pagkatapos at sinuot niya ang swimsuit. Nagtanggal pa siya ng tshirt, natira lang ang itim na brang tumatakip sa malulusog niyang dibdib. Inunhook niya ang strap ng bra, at itinaas ang swimsuit. Inilapag ni Abby ang bra sa side table. Noon ko lang napansin ng buong-buo ang makurba niyang katawan. Napakaganda ng hubog, tama ang mga kaibigan niya, tama nga sa kanya ang maging isang beauty queen.

Pumasok si Abby sa banyo, narinig ko pa siyang tinawag ako at nangulit na magbabad na rin daw ako.

Nakashorts lang ako nang sumunod sa kanya. Pinalamlam ko muna ang ilaw sa banyo sa dimmer switch at saka lumusong din ako sa tub.

Tag-kabilang dulo kami ng tub kung kaya’t ang mga paa ko’y nasa kanyang tagiliran at ang mga paa niya rin sa akin.

“Sarap, ‘di ba!”

“Yeah, pamparelax,” nakita kong binubuksan niya ang knob ng hot water, “‘wag! Kalaban ko ang mainit na tubig kapag naliligo. Paliguin mo na lang ako ng malamig na malamig, wag lang mainit.”

“Baliktad ka naman, kuya, e,” reklamo ni Abby.

“Tabihan na lang kita para hindi malamig,” sabi ko naman.

“Ngee, as if maaalis ng pagtabi mo ang lamig ng tubig…”

“Ayaw mo akong katabi?” lambing ko.

“Hmp, sige na nga…”

Nagpalit ako ng puwesto, tumabi ako sa kanya. Iniunat niya ang isa kong braso at ipinatong sa ibabaw ng tub, doon inihimlay niya ang kanyang ulo.

“Naku, gawin ba akong unan.”

“Hihihi… siyempre, love mo ‘ko e…” tuluyan niyang isiniksik ang kanyang ulo sa balikat ko. Iniakbay ko na lang sa balikat niya ang kamay ko.

“Kuya, I’m so happy that we’re here together. I really missed you. Basta, I can never be happier…” sabi niya, malumanay, habang nakasubsob sa balikat ko.

“Because I loooove you veeery, very much, by, and nothing can change that… it’s one thing that separates you from the rest. Even if we’re far from each other that still remains constant,” sabi ko kay Abby. Lalo pa niyang sinubsob ang mukha sa aking balikat.

Hinalikan ko siya sa noo, tulad ng nakasanayan kong paglambing sa kanya. Nang tiningnan ko siya, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

“Why are you crying?”

“Hihihi… alam mo naman ako e…” sagot niya. Iyakin si Abby, konting bagay lang naluluha siya, luha man ng kalungkutan o saya. Binalot ko siya sa aking mga bisig. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang mangalay ang braso kong nakapulupot sa kanya. Waring nagbababad lang talaga, sa loob ng ilang minuto, walang salitang binitiwan, walang gumalaw, ninanamnam ang mga saglit ng kakaibang pagtangi namin ni Abby sa isa’t isa.

“By, teka…” inalis ko ang braso ko sa pagkakayakap sa kanya. Nag-iba rin siya ng puwesto. Nanatili akong nakasandal sa tub, siya naman naupo sa tub sa harap ko nang sa gayo’y nakatalikod siya sa akin ngunit nakaupo sa pagitan ng aking mga binti. Sumandal siya sa dibdib ko at nagpikit ng mga mata.

“Aba! Gawin ba naman akong back rest,” biro ko.

Hindi umimik si Abby, ngumiti lamang siya.

Nalagay ako sa kakatwang posisyon nang panahong iyon. Kahit malapit, parang magkapatid, ang turingan namin ni Abby sa isa’t isa, lalaki pa rin ako at babae pa rin siya. Buong-buo ang pagkakasandal niya sa dibdib ko. Niyakap ko si Abby mula sa likod. Sa isang braso ko idinikit niya ang kanyang mga pisngi.

“I love you, by…” bahagyang hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Patay-malisyang nakalapat sa dibdib niya ang magkahawak na mga kamay ko.

“Love you too, kuya…” ngumiti siya, nakapikit parin.

May kung anong nararamdaman ako sa aking sarili. Tila naiipit ako sa dalawang magkasalungat na paniniwala’t naisin. Nadadarang ako sa pagkakadikit ng aming mga katawan. May kung anong uri ng pagpaparamdam ng pag-aalaga’t pagmamahal ang nais kong ipadama kay Abby nang mga sandaling iyon. Marahang halik sa leeg sa bandang balikat ang ibinigay ko kay Abby. Nagtatalo sa aking kalooban ang pagiging parang kapatid o ang mapusok ngunit mapagmahal pa ring pagtangi. Inabot ni Abby ang pisngi ko at hinaplos-haplos niya ako. Pagkunwa’y ibinaba niyang muli ang kanyang kamay at ipinuwesto ito kasama ng isa niya pang kamay sa ibabay ng mga kamay ko na nakalapat sa kanyang dibdib.

Kakarampot na tela lamang ang nakatakip sa aming mga katawan—two-piece bikini kay Abby, shorts naman sa akin. Dumantal ang isa kong kamay sa bandang itaas ng kanyang dibdib—sa bahaging hindi natatakpan ng bikini. Naramdaman ko ang lambot ng kanyang mga susong hindi ko man lang napapansin noon. Dinatnan ako takot, ngunit kasama nito ang panghihina.Takot ako dahil sa mga sandaling iyon gusto kong ilapat ang mga palad ko sa kalambutan ng kanyang mga umbok.

Inayos ni Abby ang pagkakaupo niya, at sa kanyang paggalaw, lalong nadikit ang kamay ko sa kanyang suso ngunit hindi niya ito pinansin. Isang marahan ngunit matagal na halik ang itinanimko sa kanyang batok. Bahagyang nakiliti si Abby at isang dagling hagikhik ang binitiwan niya. Pagkunwa’y muli niyang isinandal sa dibdib ko ang buo niyang katawan. Sinalat ko ng aking mga daliri ang pisngi niya at dinama ang kinis at lambot nito.

“Ganda talaga ng baby ko…” sambit ko.

“Siyempre…” pabiro niya.

Yinapos ko siyang muli, mahigpit; sa puntong iyon, sinapo ko ang isa niyang suso ng palad ko. Nag irelax ko ang pagkakayapos sa kanya, hindi ko inalis ang kamay ko. Pinakiramdaman ko siya, ngunit hindi naman siya tumatang…